Chapter 12.2

414 16 0
                                    

Tisoy's POV

"MERRY CHRISTMAS!" we greeted each other in chorus.

Sabay-sabay kaming nag-Noche Buena. Ako, si Mommy, Si Daddy, at si Milky. Hinayaan na naming mag-day off ang mga katulong, mga driver at guard. Although kaming apat lang ang nasa bahay, nakapagluto naman kami nang maayos. Actually, mas gusto pa ni daddy na kami-kami lang para naman daw walang hassle. Isa pa, naaawa siya sa mga pamilya ng mga tauhan niya. According to my dad, each of them also has his own family to be with. Mahigpit naman ang security ng village at alam naming walang magtatangkang gumawa ng hindi maganda sa araw ng Pasko.

Sabay-sabay kaming naupo sa harap ng hapag.

"Let's eat. Gutom na 'ko," sabi ni Milky na nakasuot pa ng bunny headband. Haynako. 'Tong kapatid ko talaga. Parang elementary. Kinuha niya kaagad 'yung paella. "Oh my gosh. Nakaluto ka nito, Ma?"

"Milk Annegelyn," saway ni daddy. "Hindi pa tayo nagdadasal."

Nakabusangot na ibinalik ni Milky ang hawak niyang tinidor. Natawa na lang kami ni mommy. Ganyan na talaga siya. Pasaway.

"At dahil pasaway ka, ikaw ang mag-lead ng prayer," dad commanded.

"Hay, daddy talaga," sabi na lang ni Milky bago niya pinaghawak ang dalawang kamay. "Tara na, pray na tayo."

Nag-sign of the cross na kaming lahat bago yumuko para manalangin.

After ng five-minute prayer ng kapatid ko, sinimulan na namin ang pagkain. Masaya kaming nagkuwentuhan. Sa totoo lang, isa ang Pasko sa mga inaabangan kong okasyon. Mas lalo akong nagpapasalamat sa Diyos dahil tuwing Pasko, nakakasama ko ang pamilya ko.

"'Nak, bakit nga pala hindi mo in-invite si Maine at sina Mr. and Mrs. Martinez dito para mag-Noche Buena sa 'tin?" tanong ni daddy out of the blue.

Muntik na 'kong masamid. "Dad, may sarili silang family gathering."

"Kelan mo ba ipapakilala sa 'min si Ate Maine?" tanong naman ni Milky.

"Oo nga anak," singit naman ni mommy. "Kaibigan ng daddy mo ang mga magulang ni Maine. Ano ba'ng ikinahihiya mo? Are you afraid na magmaldita itong si Milky?"

"Mommy naman," awat ni Milky.

Nailing na lang ako. "Ipapakilala ko po siya sa tamang panahon. Sa ngayon po, nanliligaw pa lang ako sa kanya kaya ayoko pa po siyang dalhin dito para ipakilala sa inyo."


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon