Chapter 3.3

588 29 0
                                    

Maine's POV

"COOL OFF?" naiiyak na ulit ko sa tinuran ni Bren nang mga oras na 'yon. Nag-uusap kami ngayon sa loob ng kotse ko na naka-park lang sa gilid ng school nila.

Dahil alam ko ang schedule niya, alam ko kung anong oras siya uuwi. Dinaanan ko siya sa school nila at hinintay na makalabas ng gate. I brought my own car para hindi na rin ako masyadong mahirapan. Nagmamadali kasi talaga ako. Gusto ko siyang maabutan at gusto kong malaman niya na hindi ko kayang mawala siya sa 'kin.

Tiningnan ako ni Bren in an offensive way. "'Wag mo sabihing hindi mo alam 'yon? Uulitin ko pa ba? Yes, Maine. I told you. Mag-cool off muna tayo. I need some air and I need you to keep distance from me, kahit sandali man lang."

"W-Why?" nangangatal kong sabi. "M-May nagawa ba 'kong mali, Babe? Sorry if I made you so upset last time. Babawi ako. Ano ba'ng gusto mo?"

"Gusto ko nga ng space!" sagot sa 'kin ni Bren in a higher pitch of voice.

Tuluyang tumulo ang mga luhang pinipigilan ko habang nakatitig ako sa boyfriend ko. Bakit ba 'ko nasasaktan nang ganito? Ano pa bang mali sa 'kin? Mahal ko naman si Bren. Ginagawa ko naman lahat. Ano bang naging mga pagkakamali ko?

Unti-unting nanikip ang dibdib ko pero pinilit ko pa ring kumalma. "Kelan ka babalik sa 'kin?"

Ibinaling ni Bren ang paningin sa harapan. "Hindi ko alam," sagot niya sa mas kalmadong tono na.

"Hindi mo alam?" ulit ko bago ko nakagat ang ibabang labi ko kasabay ng pag-agos ng mas maraming luha.

"Siguro kapag naramdaman ko na ulit na mahal pa rin kita."

Napahagulgol na lang ako. Walang kasing-sakit 'yung mga salitang binibitawan sa 'kin ni Bren. Sobrang sakit. Sobra-sobra. Siguro nga hindi pa sapat 'yung mga ginagawa ko kaya ganyan siya sa 'kin. Hindi ko siya mapasaya gaya ng nagagawa ng ibang mga girlfriend para sa boyfriend nila.

"Hihintayin kitang bumalik..." sabi ko na lamang kahit pa ang totoo ay para na 'kong malalagutan ng hininga nang mga oras na 'yon.

Hinawakan ni Bren ang kamay ko at hinalikan ang noo ko. "Salamat." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinitigan niya pa ako ng ilang segundo. And then, bumaba na siya ng kotse ko, habang naiwan naman akong umiiyak.

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon