Maine's POV
UNIVERSITY GAMES NGAYON ng school kaya walang klase. Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa bleachers malapit sa oval. Napagod kasi ako sa kakahanap sa mga prof ko. Ipinasa ko kasi ang mga requirements namin for this semester. Hindi naman kasi ako papayag na pumasang-awa lang ako kahit sakitin ako.
Hindi pumasok si Apple ngayon. Tuwing U-Games ay hindi 'yon nagpapakita. Ayaw niya kasi sa mga gano'ng event dahil naaalala niya raw 'yung past nila ng ex niyang varsity player ng basketball. Wala tuloy akong kasama ngayon.
Isang linggo na magmula nang maospital na naman ako. Hays. Aalagaan ko na talaga 'yung sarili ko. Ayoko namang matigil sa pag-aaral dahil sa pagiging careless ko.
Tinitigan ko 'yung phone ko na kanina ko pa iniikot-ikot sa kamay ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam si Bren. Hanggang ngayon ay wala pa ring closure ang lahat. Hindi na naman ako umaasa na magkakabalikan pa kami eh. Although masasaktan talaga ako, matatanggap ko na siguro kung makikipag-break na siya. Hindi ko na siya hahabulin kagaya ng lagi kong ginagawa. Kung anong makapagpapasaya sa kanya ay 'yun 'yung pipiliin ko. Mukhang mas magiging masaya siya sa piling ng bago niyang girlfriend.
I'm already moving on, kahit "cool off" pa lang ang label ng nangyayari sa 'ming dalawa. Mas okay na 'yon para maging handa ako—lalo na 'yung puso ko.
Nagulat ako nang may isang lalaking estudyante ang tumabi sa 'kin. Obvious na trip ako. Napakalawak naman kasi ng bleachers at iilan lang naman ang nakaupo nang mga oras na 'yon.
"Hi," bungad sa 'kin ni kuyang higad. "Pwede po bang makipag-kaibigan?"
Ngumiti ako nang pilit. Magsasalita pa lang sana ako ng "pasensya na" nang biglang mag-ring ang phone ko. Bingo! Si Tisoy ang natawag. Mabuti na lang talaga.
Sinagot ko agad 'yung tawag.
"Hello M—"
"Hi Babe!" mariin kong bati. "Nand'yan ka na sa gate three ng school? Oh sige pupuntahan kita d'yan."
Narinig ko ang malakas na "Ha?!" mula kay Tisoy pero hindi muna ako kumibo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagmamadaling maglakad paalis sa bleachers. Nang makalayo na 'ko du'n sa papansin na lumapit sa 'kin at nasigurado kong hindi naman siya nakasunod ay nagsalita ulit ako.
"Hello, Tisoy," sabi ko. "Pasensya ka na kanina. Papansin kasi 'yung isang lalaki na tumabi sa 'kin doon sa bleachers kanina. Nakikipagkilala."
Narinig ko ang pagtawa ng kausap ko mula sa kabilang linya. "'Ganu'n ba. Bakit? Wala ka bang klase ngayon?"
"Wala," sagot ko naman. "One week University Games sa 'min ngayon. Walang klase. Pumasok lang naman ako para sa attendance."
"Hindi mo sinasabing isa ka rin palang Hokage. Hahahahaha!" humahalakhak na tugon ni Tisoy. "Pero teka, since University Games naman ngayon sa inyo, baka naman gusto mo 'kong istorbohin at yayain na pumunta d'yan? May event din sa school ngayon at three days naman kaming walang klase."
"Uhhhhhhmmmmmm...." Nag-isip ako. Papayag ba 'ko? Baka kasi kung ano'ng isipin sa 'min ng mga makakakita sa 'min. Baka mapagkamalan pa kaming may relasyon.
Pero, magkaibigan naman kami at wala naman sigurong masama na makasama ko siya. Isa pa, hulog siya ng langit dahil wala rin naman akong masamahan ngayon. Wala nga kasi si Apple at ayoko namang makipagplastikan sa iba naming mga kaklase although kaibigan ko naman sila kahit papa'no.
"Is that a 'no'? Nakakatampo ka naman, Maine," parang pabebeng sabi ni Tisoy.
Hindi ko alam pero natuwa ako sa attitude niyang 'yon. "Oo na, sige na. 'Punta ka na. Now na ha? I'm alone. Absent kasi si Apple eh."
"Talaga?" parang nabunutan ng tinik at energetic na sabi ni Tisoy. "Alright. Nakasakay na 'ko sa kotse ko. Hintayin mo 'ko ha? 'Bye."
Pinutol na ni Tisoy 'yung call. Natawa naman ako dahil parang excited na excited siyang pumunta. Siguro ay bored din siya ngayong araw.
He's a cute creature. Far from my first impression on him. I thought he's a serius-type man who needs to be paid with million dollars before he would smile. Mali pala ako. Sobrang gaan sa pakiramdam tuwing kasama ko siya. Hindi masyadong akward. Hindi ako palakaibigan sa lalaki pero nang maging "close" ko si Tisoy for a short period of time ay naging panatag ang loob ko sa kanya.
Ang kaso, ayaw niya namang sabihin sa 'kin ang true identity niya. Oh, well. Kunsabagay. Okay lang din naman. Nakakadagdag sa pagiging mysterious niya 'yon. Mas nakakatuwang makasama siya.
But don't get me wrong! Wala akong gusto sa kanya. Napakalandi ko naman kung magkakagusto kaagad ako sa ibang lalaki samantalang wala naman kaming formal break-up ni Bren. Isa pa, malay ko kung magkaroon ng himala at balikan niya pa ako?
Napabuntong-hininga ako at naglakad-lakad muna. Habang tinitingnan ko 'yung mga booth, unti-unting bumabalik sa 'kin 'yung mga memories ko with Bren. At nasasaktan ako dahil mas lamang pa ang mga bad memories na naaalala ko.
Nag-flashback sa utak ko 'yung naging pagtatalo namin two months ago.
"Babe, gusto mo bang sumama sa debut ng classmate ko? I got two invitations. Ang sabi niya kasi, isama kita para naman daw hindi ako ma-out of place," nakangiti kong tanong nang magkita kami isang gabi pagkatapos ng mga klase namin. Excited ko pang ipinakita 'yung dalawang invitations. Iyon kasi 'yung unang beses na sasamahan ako ni Bren if ever. Nandito kami sa mall na lagi naming pinagkikitaan.
"Ayoko," walang-ganang sagot ni Bren.
Medyo nalungkot ako. Ibinaba ko 'yung mga ipinakita kong invitations. "Eh, Babe? Ilang party at debut na 'yung tinanggihan ko kasi ayaw mo 'di ba? Hindi na rin ako pumunta du'n sa Manila International Bookfair last year kasi magagalit ka. Pai 'yung booksigning nu'ng idol kong author, hindi mo rin ako pinayagan. Sana naman pumayag ka na ngayon, please?"
"Ayoko nga!" singhal ni Bren. "At saka, bakit mo ba tinanggap 'yang invitations na 'yan? Pinayagan ba kita?"
"Sorry," malungkot kong tugon.
"Ewan ko sa 'yo. Bahala ka sa buhay mo," ani Bren.
"Sorry, babe."
Hindi ako pinansin ni Bren. Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko tuloy maiwasang maiyak. Nagalit na naman siya sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ba talagang ikinagagalit niya pero nasasaktan talaga ako.
Napansin ni Bren na sumisinghot-singhot ako kaya nilingon niya 'ko. "Tumigil ka nga! Hindi kita pinapaiyak. Mukha kang tanga. Ewan ko ba sa inyong mga babae bakit ang aarte niyo. Maliliit na bagay, kailangan niyo pang iyakan."
Pinunasan ko 'yung luha ko. Pero kahit anong pigil ko, hindi 'yon mawala-wala. Lalo lang silang bumubuhos na para bang may sarili silang buhay.
"Damn it!" asik ni Bren. Lalo siyang nagalit sa 'kin. "Masakit ang ulo ko. Bahala ka sa buhay mo. Uuwi na 'ko. Tangina. Bahala ka kung gusto mong pagtinginan ng mga tao. Ipinapahiya mo na naman ako. Bwisit ka.
Napapikit na lang ako.
Napabuntong-hininga ako sa eksenang naalala ko.
"Malalaman mo lang ang tunay niyang halaga, kapag tuluyan na siyang nawala. Maaamin mo lang sa sarili mo na nagkamali ka, kapag naisip mong kailangan mo siya talaga," naibulong ko na lang sa sarili ko bago ako dumiretso sa university mall.
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)