Maine's POV
9PM NA PERO BUSY PA RIN AKO sa paggawa ng outputs. Hindi ko kasi pwedeng ipagpabukas pa 'to dahil bukas na rin ng hapon ang pasahan. Ayokong mag-cram bukas. Patapos na 'ko actually. Few more sentences to go. Gusto ko na rin kasing matulog.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang umilaw at tumunog 'yung phone ko. I checked it out at napailing na lang ako nang mabasa ko ang text message ni Apple.
From Apple: Hey! Kilala ko pala 'yung Tiffany na isina-side dish sa 'yo ni Bren. Classmate ko siya way back in high school. She's really a bitch.
Gusto ko pa sanang replyan si Apple pero pinigilan ko ang sarili ko. Hahaba na naman kasi ang conversation at mas malaki na naman ang chance na maiyak lang ako sa mga pwede ko pang malaman. Isa pa, gusto ko munang tapusin 'tong ginagawa ko. Kahit may magulo akong lovelife, ayoko ng magulong buhay-estudyante-lalo na't graduating na 'ko. Patapos na ang second sem. Tapos na rin ang final wave ng "hell week." Kaunti na lang ang requirements na kailangan kong ipasa at pagkatapos, hayahay na 'ko.
Katatapos ko pa lang sa ginagawa ko at nag-iinat-inat pa 'ko nang biglang mag-ring 'yung phone ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Baka si Apolinaria na naman 'yon.
I almost dropped my phone nang makita ko ang pangalang naka-register sa screen. Kinabahan ako na ewan. Bakit naman siya tatawag nang ganitong oras na? At bakit siya tumatawag?
Naghalo-halo ang mga emosyon ko. Kinakabahan. Natatakot. Naiiyak. Natutuwa. Umaasa.
Sinagot ko 'yung call. "Hello?"
"Maine? Mag-usap tayo. Sa park na lagi nating pinupuntahan. Pwede ba?"
Maine? Iyon na lang ang tawag niya sa 'kin? Hindi na Babe, Baby, o Buu? Just plain Maine? I got the hint. Ito na nga yata 'to.
"Sure, Bren," sagot ko na ipinagdiinan ang huling salita. Ayokong maging bitter, pero 'yun talaga 'yung nararamdaman ko sa mga oras na 'to. "Pakihintay na lang ako. Or better yet, mamaya ka na umalis. Ako na lang ang maghihintay sa 'yo, gaya ng araw-araw kong ginagawa noon."
Pinutol ko na ang call kahit hindi pa siya nakakasagot sa huling sinabi ko. I don't want to hear anything from him. Pupunta ako sa usapan, and I will let him finish everything para na rin sa ikasasaya niya at ng bago niya.
Mabilis akong bumaba ng hagdan. Nagpaalam ako sa dalawang katulong and then I immediately got out of our house. Walking distance lang ang park na sinasabi ni Bren. Pagkalabas sa village ay matatanaw na 'yon agad.
Naglakad ako na para bang ang tapang-tapang ko. Ewan ko. Pero parang naipon na 'yung lahat ng galit at sakit, and honestly ay ang dalawang 'yon na ang nagpapakilos sa katawan ko. Para akong namamanhid na ewan. I don't want him to be my weakness anymore. Para akong natauhan. Parang may malaking bato na ipinukpok sa ulo ko.
Nasa malalim akong pag-iisip nang mag-ring ulit ang phone ko. Ayoko na sanang sagutin pero nag-iba 'yung mood ko nang makita kong si Tisoy ang natawag. Parang gusto kong sabihing "Pumunta ka rito, damayan mo 'ko. Ang tanga-tanga ko."
Sa huli, sinagot ko 'yung call. "Hello?"
"Meng? Kamusta na? Natutulog ka na ba? Kung oo, sorry sa istorbo. Just wanna check kung kumain ka na ba. Don't forget to take your meds, okay?" sunud-sunod na sabi ni Tisoy.
Bumagal ang paglalakad ko. Biglang bumigat ang dibdib ko. "Hindi pa 'ko matutulog eh. Kasi, nakikipagkita si Bren. Dito sa park sa labas ng village namin. I think, makikipag-break na siya."
"Are... Are you okay?" tila nanghina at napuno ng alalang tanong ni Tisoy.
I sighed. "Sige na, later na lang. 'Bye Tisoy. Good night."
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)