Chapter 17.2

478 14 2
                                    

Maine's POV. Ten months later.

"ANAK, ARE YOU ALRIGHT?"

Mula sa tahimik na karagatan ay ibinaling ko ang paningin ko sa mga magulang ko na naroon na pala sa likod ko sa mga sandaling iyon. Nandito kami ngayon sa private resort namin sa Palawan. It was my first time to visit one of our properties.

It's been six months. Everything was okay now. Everything was now on their right places.

Nagpapagaling na lang ako. Naging successful ang heart transplant six months ago. Although minsan ay nakirot pa rin ang dibdib ko, my doctor assured that it was just an "aftershock" of the operation.

"I'm fine, dad," I answered and smiled at my parents. Magkaakbay sila at parehong nakatitig sa 'kin.

"Thinking about something? Ang sabi ng doktor, 'wag kang ma-stress sa mga bagay-bagay. Nagpapagaling ka pa. Hindi ka pa gano'n ka-okay."

Napabuntong-hininga ako at muling humarap sa karagatan na natatanaw mula dito sa terrace ng resthouse. "Dad, mom, kamusta na kaya si Tisoy?"

"Anak..." My mom.

"Bakit mo naman natanong 'yan?" ganting-tanong naman ni daddy.

Lumamlam ang mga mata ko. "It's been ten months. Kamusta na kaya siya sa America? You know right after my operation ay umalis tayo sa mansyon at nag-stay dito. Wala na 'kong communication sa kahit sino sa pamilya niya."

I heard a sigh from my back.

"Gusto mo na ba siyang makita?" tanong ni mommy pagkatapos ng isang mahabang katahimikan.

Mabilis akong napalingon sa mga magulang ko. "Nandito na siya?"

Tumango na lamang silang dalawa. Seryoso silang nakatitig sa 'kin na para bang sinusukat nila ang kasiyahan ko nang mga oras na 'yon. Pagkatapos ay nagkatinginan sila at niyakap ang isa't isa.

"Sige," saad ni daddy. "Bukas na bukas din, ipapahatid ka namin sa mansyon ng mga Featherson."

E9{G


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon