Chapter 10.1

496 22 0
                                    

Maine's POV

MONDAY. START NA NG SEMBREAK. But what's more exciting? Uuwi na sina mommy at daddy. Finally, mayayakap ko na ulit silang dalawa. I miss them so much. Hindi ko lang masabi sa kanila dahil baka iwan na nila ang business nila para sa 'kin. They love me so much that they're even willing to give up everything for the sake of their unica hija.

Nandito ako ngayon sa kwarto at busy sa pagsusukat ng damit. Hindi ko alam kung ano'ng isusuot ko. Mamayang 4PM ang lapag ng eroplanong sinasakyan nina mommy. 1PM na. Kailangan ko nang mag-ayos. Mas gusto kong sa NAIA na maghintay para sa kanila.

Pinagpipilian ko kung magsusuot ba 'ko ng color red or pink dress ba ang isusuot ko. I want to look like a very lovely young lady in front of their eyes. Baka sabihin na naman kasi nilang nagpabaya na naman ako sa sarili ko.

Mula sa harap ng salamin ay lumundag ako sa kama at humiga. Dinampot ko sa tabi ng lampshade 'yung phone ko. Napangiti ako nang makita ko 'yung lock screen wallpaper ko. Selfie naming tatlo nina Tisoy at Apple nu'ng birthday ko last week.

Napansin ko 'yung five messages nang i-unlock ko 'yung phone. Puro galing kay Tisoy.

Meng, ano'ng ginagawa mo ngayon? (Sent 10AM)

Meng, kumain ka na ha? 'Wag kang magpapalipas. (Sent 11:09AM)

Kumakain na 'ko ngayon. Kumakain ka na ba? (Sent 11:45AM)

Ang boring ng sembreak ko. Tara, pasyal tayo? (Sent 12:30PM)

Maine? Busy ka yata ngayon. I-text mo 'ko kapag nabasa mo 'to. Kahit isang dot lang. Uminom ka na ba ng gamot mo? 'Wag kang magpabaya sa sarili mo ha? (Sent 1:09PM)

Tiningnan ko 'yung time. Napangiti ako. 1:15PM pa lang. Ibig-sabihin, kaka-send pa lang ng last message niya. Kahit hindi ko naman gusto, bigla na lang akong natuwa.

Masaya ako dahil may kaibigan akong tulad ni Tisoy. I can't imagine my past days without him dahil malaki talaga ang naiambag niya para makay ko 'yung mga pinagdaraanan ko. How I wish I could have him and Apple forever.

Kaya lang, hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam tungkol sa kanya. Ako pa ang nagbigay ng nickname niyang "Tisoy." Actually, I was so curious about him. Sa bawat araw na nakakasama ko siya, mas lalo akong nagtatanong sa sarili ko kung sino ba talaga siya.

Well, hindi ko na 'yon masyadong pinoproblema pa. Pangalan niya lang ang hindi ko alam, pero nakikita ko naman kung anong klaseng lalaki at kung anong klaseng tao siya. Hindi siya 'yung tipo ng lalaki na lalapit lang sa babae dahil may kailangan.

Napakabait niyang tao. Gentleman siya. Matalino. Down to Earth. God-fearing. Responsible. Charismatic. Charming. Thoughtful. Polite. Lahat na yata ng positive adjectives na pwede mong sabihin para sa isang lalaki ay meron si Tisoy. Kaya nga ang swerte ng magiging girlfriend niya kung sakaliman.

Pero wala akong sinabing gusto ko siyang maging boyfriend ha! Sinasabi ko lang. Iyon kasi ang nakikita ng mga mata ko at nararamdaman ng puso ko.

Naisip kong tawagan siya para man lang makabawi ako sa texts niya pero hindi ko pa nga napipindot ang call button ay um-appear na sa screen ng phone ko ang pangalan ni Tisoy kasabay ng pagtunog ng ringtone ko na "Thinking Out Loud."

"Hello?" masya kong bungad sa kanya. "Napatawag ka? Tatawagan pa lang sana kita."

"Sayang. Dapat pala naghintay muna 'ko ng ten seconds," natatawa namang sabi ni Tisoy mula sa kabilang line. "Hindi ka kasi nagre-reply. I just want to check if you're okay."

"Wow. Daig mo pa 'yung parents ko ha? Hahahaha," parang baliw kong sabi.

"Oo," sang-ayon naman niya. "Kaya sana mapansin mo 'yung effort ko. Makinig ka sa 'kin huuuuuy," pakengkoy pang dugtong ni Tisoy.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. "Actually, okay lang naman ako. Late nga lang akong nagising kanina. Almost eleven na. Hahahaha!"

"Ikaw talaga. So you skipped your breakfast and your morning meds again?" worried pero may hilig ng panenermong sabi ni Tisoy. Narinig ko pa ang mahihinang "Tsk" pagkatapos no'n.

I laughed. "Nanenermon ka na naman, Mang Tisoy. Hahahaha! Anyway, hindi ako makakasamang mamasyal kung magyayakad ka. My parents are coming home today. Susunduin ko sila sa NAIA kaya nga maliligo na 'ko and mamimili na 'ko ng damit na susuotin ko—"

"Susunduin mo sina Tita and Tito? Great! 'Yun na lang 'yung lakad natin ngayon. I'll come with you. 'Ligo ka na, dali," aniya na para bang close niya ang mommy at daddy ko.

Hindi ko maiwasang matawa na naman. Hindi rin mawala-wala 'yung ngiti ko nang mga oras na 'yon. "Wow. So you're close with my mom and dad? Hahaha! Sige na. Maliligo na 'ko. Ikaw din ha? Magpapogi ka. Ipapakilala kita kina mommy."

"Talaga? Oh yeah!" he exclaimed in an energetic voice. "Sige na. 'Bye na muna. Mag-asikaso na tayo."

Natapos na 'yung call conversation naming dalawa pero hindi pa rin nawawala 'yung ngiti sa mga labi ko. Actually, natatawa pa rin ako sa itinakbo ng usapan namin.

And wait, why do I feel something strange when I told him, "Ipapakilala kita kina mommy"?

Natatawa na lang akong napailing bago ako tumayo para dumiretso sa bathroom.


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon