Chapter 14.2

377 16 0
                                    

Maine's POV. Sunday, 5PM.

Napabuga na lang ako nang hangin. Hays. Kinakabahan talaga 'ko. I never felt something like this in my entire life. Ngayon lang talaga.

"'Ready?" naka-all out smile na tanong ni Tisoy habang nakatitig sa 'kin.

Nandito kami ngayon sa garage nila. Kapapasok lang namin lulan ng kotse ni Tisoy. Grabe. Ito na yata ang worst 15 seconds of my life. Para akong mapuputulan ng hininga. Natatakot talaga 'ko. I know I shouldn't be worried because I came from a buena familia just like Tisoy. But it's not about the wealth and the family name. It's about my personality and my face. What if they don't like me?

"Kinakabahan ako," nanlalamig kong sabi. "Sa ibang araw na lang kaya?"

He tapped my shoulders. "Ano ka ba. We already talked about this, didn't we?"

Tumango ako. He smiled at me and he then opened the the car. Pababa na sana siya sa sasakyan pero hinila ko 'yung kamay.

"Love..."

"Everything will be fine."

Natatawang binawi ni Tisoy 'yung braso niya. Tuluyan na siyang nakababa ng kotse. Umikot siya para pagbuksan ako at alalayang makababa.

"Let's go?" Tisoy offered his hands.

Tinanggap ko iyon at kahit na nag-aalangan ay sumabay ako sa paglalakad niya hanggang sa main door ng kabahayan. Medyo sumasakit ang puso ko, maybe because of too much pressure.

Lord, ikaw na po'ng bahala sa 'kin.

Sabay kaming humakbang sa loob ng mansiyon ng mga Featherson. I looked around as I saw the elegance of their home. It's very classic. Mukhang mas magaling sa pamimili ng mga decorations si Mrs. Featherson kesa sa mommy ko.

Napalunok na lang ako nang mapansin ko na nakaupo sa sofa ang tatlong nilalang na kinatatakutan ko magmula pa noong isang araw. Abala sa pagbabasa ng dyaryo ang isang may edad na lalaki at babae, habang busy naman sa phone ang babaeng halos kasing-edad lang din namin ni Tisoy. Mukhang siya si Milky. Madalas siyang naikukuwento sa 'kin ni Tisoy.

Si Milky 'yung unang nakapansin sa pagdating namin. I could see her reaction. Halatang medyo nagulat siya pero mabilis din naman siyang nakahuma. "Oh, Kuya."

Sabay na nag-angat ng tingin si Mr. and Mrs. Featherson. Hindi ko alam kung dahil ba sa malabo na ang mga mata nila or what pero nakatitig sila nang husto sa 'kin.

"Good... Good afternoon po," nauutal kong bati.

"Mom, Dad, Milky... Meet Nicomaine Martinez from Martinez clan," pag-i-introduce sa 'kin ni Tisoy bago niya 'ko inakbayan. "My girlfriend."

Handa na 'ko sa magiging cold treatment sa 'kin ng pamilya ni Tisoy. But that didn't happen. Instead, the old couple slowly smiled at me while Milky ran towards us and hugged me tightly.

"Hi!" masiglang bati ng nag-iisang kapatid ni Tisoy. She smiled as much as she could. "I'm glad to finally see you, Ate."

"Welcome to our home, hija," nakangiting bati ni Mrs. Featherson. Napatayo pa siya mula sa kinauupuan niya.

"Have a sit. Marami kayong ikukwento sa 'min," Mr. Featherson uttered. Nakangiti rin siya na para bang tuwang-tuwa siya sa naging pagpunta ko.

I felt so relieved in an instant. I never thought na ganito ang magiging pagtanggap nila sa 'kin. Akala ko ay ipagtatabuyan nila 'ko or something like that na napapanood ko sa mga movies and TV series.

I smiled sincerely. Iyon ang pinakamagandang maisusukli ko sa kabaitan nila. And then napatingin ako kay Tisoy na naoon ay hindi umaalis sa tabi ko.

"Sabi naman sa 'yo eh," he whispered and then winked his eye.


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon