Maine's POV. Tuesday, at the party.
HINDI KO TALAGA alam kung paano ako napapayag ni Apple na pumunta sa exhibit ni Louise Decastro. Meron akong invitation, pero iba pa rin 'yung feeling kung kilala ko talaga ang pinsan ni Apple.
Kakapasok ko pa lang sa venue ng exhibit-sa hotel na pagmamay-ari rin ng pamilya De Castro. Apple told me na dito na kami magkita. Kagaya ng bilin niya, hindi ko na masyadong pinaganda ang sarili ko. May boyfriend naman ako, siya super single pa rin.
I bit my lower lip at the thought. Nasa cool off stage nga pala kami ni Bren.
Pero kahit na. Hindi naman kami nag-break. I'm just giving him the space he needs. Siguro naman after a month, babalik na sa dati ang lahat. Siguro naman, ginagamit niya ang space na 'yon para mag-reminisce at maibalik 'yung feelings niya para sa 'kin.
Ay, oo nga pala, I'm wearing a classy apple-green-colored turtle neck and above the knee dress na tinernuhan ko naman ng nude Louboutins heels na three inches ang taas. Hinayaan ko lang nakaladlad ang tuwid at mahaba kong buhok para hindi naman masyadong formal at sosyalin ang dating ko. My mom is always telling me to stay simple wherever I go.
Kinuha ko sa pouch ko ang phone ko. Tatawagan ko na lang si Apple at baka hindi kami magkakitaan dahil sa dami ng tao. May-ari ng isang beer company ang family ni Apple kaya hindi na ako nagtataka kung mga bigating tao rin ang mga relatives niya.
"Apple, where are you?" bungad ko sa kaibigan at kaklase ko nang sagutin niya ang tawag ko. "You told me to be on time, you bitch."
Mula sa kabilang linya ay rinig na rinig ko ang pagtawa ni Apple. "Really? And'yan ka na? I told you to be early dahil alam kong mali-late ka. Himala. Hahahaha!"
"Walang-hiya ka talaga. Pumunta ka na rito. Uuwi ako kapag wala ka pa," banta ko naman sa kanya. Nakakainis 'tong babaeng 'to. Nagmadali pa naman ako sa pamimili ng dress na isusuot at sa pag-aayos ng sarili ko pagkatapos malalaman kong wala pa pala siya sa event.
"I'll be there, Sweetie. Nasa bahay pa 'ko. Pero paalis na rin. Mamasyal-masyal ka na muna d'yan. Find a good-looking man for me, 'kay?" parang ewang bilin ni Apple.
"Alam mo ba kung gaano katagal ang byahe, girl? Wala akong kakilala dit-Hey! Apple!" Napapikit na lang ako nang mariin nang marinig ko ang pagputol ni Apple sa call conversation namin. "Hay, what the heck!" pabulong na reklamo ko. Tumingin na lang ako sa paligid ko at nagbakasakaling may kakilala ako, pero wala talaga.
Gosh. I'm dead.
Nagsimula akong maglibot-libot sa loob ng exhibit. Bachelors were staring at me pero hindi ko sila pinansin. Wala akong pakialam sa mga katulad nila. Hindi ko gagawing advantage ang hitsura ko para lumandi sa kung sinu-sino. Pinalaki naman ako nang maayos. Isa pa, may boyfriend ako. Faithful ako. Nag-cool off man kami, alam ko sa sarili ko na hindi niya 'ko lolokohin. Mahal ko siya.
Mahal ko... Si...
"Bren?"
Natigil ako sa pag-iisip nang mahagip ng mga mata ko ang dalawang bulto na nag-uusap sa isang sulok ng event na iyon. Seven to ten meters yata ang layo ko sa kanila pero malinaw kong nakikita ang mukha ng babae at lalaking iyon. Well, mali nga yata 'yung unang description ko. Dahil naglalandian sila at hindi lang basta nag-uusap. Halos magkapalit na sila ng mga mukha. They were whispering at each other's ears. That young lady was touching his suit every moment she could. A touch with seduction. Naka-side sila sa 'kin kaya hindi nila napapansin na naroon ako at nakatanga na sa kanila.
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)