Tisoy's POV
"KAMUSTA NA SI MAINE?"
Ang tanong na iyon ang ibinungad sa 'kin ni Brendell nang maupo siya sa harap ko. Tinawagan ko siya para makausap. At ngayon nga ay nandito kami sa Starbucks. Ito na lang kasi ang pinakamalapit na pwede naming pagkitaan. I was too busy and I know he was also doing something for his own life.
Mabuti na lang at naiintindihan ako ng pamilya ko. My father and mother were supportive, as well as my younger sister. Natanggap nila na hindi ako makaka-graduate ngayong sem. Alam nilang higit kahit sa ano, si Maine na ang top priority ko.
"She was fine... somehow," sagot ko na lamang. Hangga't maaari ay ayokong maging kaawa-awa si Maine sa conversation naming dalawa ni Bren.
I gave him one of the coffees I ordered awhile ago.
"I know it's not easy for you," he said and took a sip from his coffee.
Nalaglag ang mga balikat ko sa sinabing 'yon ni Bren. Yes. It wasn't. It wasn't easy at all. Sobrang hirap, at hindi ko alam kung hanggang kelan ganito kagulo ang lahat.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Bren. "Maine was my first love. Kagaya mo, sobra-sobra rin ang naging pagmamahal ko sa kanya nu'ng umpisa. Pero nagbago ang lahat nang unti-unti kong malaman na malala na pala ang sakit niya sa puso. And her doctor even told her na hindi siya pwedeng magkapamilya... at hindi siya pwedeng magkaanak."
Napatitig ako sa kanya nang mga oras na 'yon. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako nang inis dahil sa pagkukuwento niya sa 'kin. But I still kept my lips quiet until he continued what he was saying.
"Gusto kong magkaroon ng pamilya. Gusto ko ng maraming anak. And I wanted to have a normal life. Kaya ginawa ko 'yon sa kanya. I treated her so bad so that she herself would leave me afterwards. Pero hindi. Naging matibay siya. Kahit ipinapahiya ko siya, kahit pinapaiyak ko siya." Bren sighed again, showing how he was anxious with his great mistake.
Unti-unti ay kumuyom ang mga kamao ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. "Then why didn't you just told her the truth?"
Bren gave out a wry smile. "Because I still love her. Nakikita mo ba 'yung ugali niya? 'Yun 'yung ugali ng babaeng dapat pakasalan. She's a marrying type, but she has a serious heart problem. Kahit ayokong mawala siya, pinilit kong ilayo ang sarili ko sa kanya. Sobrang tanga ko. Dahil hindi ko alam kung ano'ng tunay na sakripisyo sa pag-ibig. Hindi ko alam na sobrang mali pala ang mga ginawa ko."
Silence conquered the two of us. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong magalit kay Bren o kung dapat ba 'kong maawa sa kanya.
"Ngayon, nararamdaman kong kasalanan ko kung bakit lumala pa nang ganyan ang puso ni Maine," pagtatapos ni Bren sa mahaba niyang kwento. "At hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanya."
"Alagaan mo siya," diretso ko namnag tugon sa mga sinabi niya.
He gave me a "what-are-you-trying-to-say" look. Sino nga namang hindi magugulat. Binibigyan ko ng karapatan ang ex ng girlfriend ko para alagaan siya. It was the last thing that I wanted to happen, but it was also for the best.
"What?" gulat na tanong ni Bren nang medyo makabawi siya mula sa pagkakabigla.
"Alagaan mo si Maine," ulit ko lang sa sinabi ko. "Bantayan mo siya. Alagaan mo siya at mahalin para sa 'kin."
"At ikaw?"
I sighed out loud. "Aalis ako."
Nanlaki ang mga mata ng kausap ko. "What?!"
),f{)XDl
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)