Chapter 17.1

416 14 0
                                    

Mr. Martinez's POV

MY DAUGHTER. MY ONE AND ONLY DAUGHTER. My treasure. My true wealth. Hindi ko akalain na makikita ko siyang nasa isang kalunos-lunos na kalagayan.

I am the man who can buy anything and everything, pero ngayon ay hindi ko kayang bilhin ang buhay ng anak ko. Hindi ko kayang dugtungan ang bawat paghinga niya gamit ang pera ko.

Nandito kami ngayon ng asawa ko sa ospital, naghihintay sa labas ng Emergency Room. Isang oras nang nasa loob ang munti kong prinsesa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang mga doktor o kahit isang nurse.

Ito ba ang kapalit ng lahat ng yaman at kapangyarihan? Isang anak lang ang naging biyaya ng Diyos, pero bakit kailangan siyang kunin agad sa 'min? Hindi kami naging masamang tao. Hindi kami nanlamang sa kapwa namin. Hindi namin inabuso ang kapangyarihang meron kami.

Ibinuhos ko ang buhay ko sa pamilya ko at sa pagpapalago ng negosyo ko. But now, who would be our successor? Who would continue our family journey? And who would give me a remarkable life on this ruthless Earth?

Tumulo na ang mga luhang hindi ko inaasahang papatak. Oo, isa akong makapangyarihang tao. Pero isa lang din akong ama. Isang ama na mas gugustuhin pang maging mahirap at hikaos sa buhay kasama ang buo niyang pamilya kesa makita ang prinsesa niyang unti-unting binabawian ng buhay.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa sarili kong mukha. Diyos ko. Iligtas Mo ang nag-iisa kong anak. Pakiusap.

Isang mahigpit na yakap ang kahit papaano'y nakapagpagaan ng loob ko. Yakap mula sa asawa ko. Yakap na kahit kailan ay hindi ko mararamdaman mula sa ibang tao. Kahit kailan ay hindi ako iniwan ng babaeng pinakasalan ko. At ngayon sabay kaming dumadaan sa pinakamalaking pagsubok sa buhay namin.

Anumang oras ay pwedeng magbago ang lahat.

"Pray harder. She will survive, Hon," pag-alo sa 'kin ng asawa ko kahit siya ay naiyak na rin mismo. Alam kong katulad ng iniisip ko ang iniisip niya sa mga oras na 'to. Alam ko, dahil siya ang babaeng pinakasalan ko. Siya ang babaeng karugtong din ng buhay ko.

"Take everything from me, but not my daughter," nasabi ko na lamang habang lumalandas na ang mga luha sa aking mukha. Hindi ko na makita ang makapangyarihang ako. Isa akong pobreng ama na nagmamakaawa para sa buhay ng munti niyang prinsesa.

Hindi ko na malaman kung gaano kami katagal na nasa gano'ng scenario hanggang sa lumabas ang isang doktor. Nagmamadali akong tumayo at lumapit sa kanya.

"How's my daughter?" tanong ko na punong-puno ng kaba.

Hinubad ng doktor ang suot niyang operating mask. "Stable na siya, Mr. Martinez."

Napayakap sa 'kin ang asawa ko at sabay kaming nagpasalamat.

"But," dugtong pa ng doktor. "This is just a temporary happiness. Anytime from now, baka bumigay na ang puso niya. Sobrang damaged na ang puso niya. She needs a heart transplant as soon as possible. Or else, wala na po kaming magagawa."

Bigla ay para na naman akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Naibalik siya nang pansamantala. Pero maaaring mawala pa rin sa 'min ang anak kong si Maine.

Nakatungo ako nang bigla kong marinig ang pagtawag ng isang nurse na mukhang nagmula sa information desk. Napatingin kaming tatlo sa kanya.

"Doc!" Humahangos ang nurse.

"What's going on?" tanong naman ng doktor.

"May heart donor na po para kay Ms. Martinez," anunsiyo ng babaeng nurse na para namang naging anghel sa 'min nang mga sandaling iyon.

Nagmamadali naman ang doktor na tumakbo sa pinagmulan ng nurse. Mabilis namang sumunod ang nurse at naiwan kaming mag-asawang nakatayo sa harap ng ER.

"My donor na ba talaga ang anak natin?!" gulat na tanong na asawa ko. "Thank you! Thank you so much."

Magsasalita rin sana ako nang walang anu ano'y mag-ring ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng slacks na suot ko. Nabasa ko kaagad kung sino ang tumatawag, si Rico Featherson.

"Hello, Rico?" bungad ko.

Ang ilang segundong pagtataka ko ay mabilis na napalitan ng pagkagulat.

_{cE


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon