Maine's POV
"APPLE, please 'wag mo 'kong yayain sa ganyan. Alam mo namang hindi ako okay ngayon," matamlay na tanggi ko sa pagyayakad ni Apple. Nandito kami ngayon sa room namin sa Philippine Constitution.
Paharap siyang naupo sa bakanteng armchair na nasa unahan ko. "That's why I'm forcing you to come with me! Party con exhibit 'yon ng pinsan ko. First exhibit niya so kelangan suportahan ko siya."
"Then why I should come, too?" matamlay ko pa ring tanong habang nakapangalumbaba ako sa armchair ko. Feeling ko wala akong maisasagot sa short quizz namin ngayon. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi and hindi naman ako makapag-concentrate sa pagre-review ng notes.
"S'yempre para mag-enjoy at makalimot!" reaction ni Apple bago natampal ang sariling noo. "My goodness. Alangan namang puro ganyan na lang ang gagawin mo buong buhay mo. Eh pa'no kung pagka-graduate pa natin bumalik 'yang Bren mo? Ganyan ka na rin hanggang maka-graduate?"
Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko kasi alam kung mag-e-enjoy ako sa mga ganyang events. Isa pa, ni hindi ko nga kilala 'yang cousin mo. You know I hate formal gatherings. And then Tuesday pa. May pasok tayo no'n."
"Like, helloooo?! Gabi nga 'yung event. Isa pa, hanggang 3pm lang ang class natin that time. 6pm pa ang start ng event. You still have enough time to prepare. Expect to see lots of handsome men! My goodness. Magpapaganda talaga ako nang husto. 'Wag ka masyadong mag-ayos, baby. Baka masapawan mo na naman ako," kinikilig at natatawa pang sabi ni Apple na ikinabuntong-hininga ko na lang.
Hays. Isang linggo na matapos ang cool off namin ni Bren. Wala akong natanggap na kahit anong text o call man lang galing sa kanya pagkatapos no'n. He even unfriended me on Facebook, unfollow me on IG and Twitter. I was hurt. Cool off lang ang pinag-usapan namin pero feeling ko, one step closer to break-up na 'yung mga ginagawa niya. Hindi na lang ako nagre-react kahit sobrang sakit dahil may isang salita ako kay Bren. I love him, kaya hahayaan ko muna siya sa gusto niya. Alam ko namang mahal niya 'ko at babalik siya ulit kapag okay na ang lahat. I believe in that.
Bren is my first love. My first boyfriend. Classmates kami nu'ng high school. After three years, nagkita kami ulit. And then sparks happened. Na-in love ako sa kanya, and ganu'n din naman siya sa 'kin. Hindi ko na siya pinahirapan nang manligaw siya dahil alam ko namang sincere siya.
"Girl? Am I talking to a ghost?" Apple snapped her fingers on my face. "Kanina pa kita tinatanong. Sasama ka na ba?"
"Wala akong invitation."
"Well, my cousin gave me five invitations. Kaya kahit mawala pa 'yung ibibigay ko sa 'yo, may mga extra invitations pa 'ko. So... Sasama ka na ba?"
I rolled my eyes. "As if naman kaya kitang tanggihan 'di ba?"
Napapalakpak si Apple at napatayo. "Yehey! Wala nang bawian ha?"
Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating prof namin sa Consti. Wala. I think mapapasubo ako sa party ng taong hindi ko naman kilala. And, I nearly forgot! May quizz nga pala ngayon!
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)