Maine's POV
"HELLO, TISOY?" bungad ko nang sagutin ko ang phone call ni Tisoy. Nandito ako sa garden. Masyado kasing maingay sa loob. Kakatapos pa lang naming magpalitan ng Christmas gifts.
"Merry Christmas, Meng," sweet na sabi ni Tisoy.
Napangiti ako. I bit my lower lip. "Merry Chirstmas din. Ba't nga pala napatawag ka?"
"Tapos na ba 'yung celebration niyo? Gusto sana kitang makita kahit sandali," he said in a shy tone.
Lumapad lalo 'yung ngiti ko. "Hmmm. Sure. Saan ba? Magpapaalam ako kay daddy."
"Nandito na 'ko sa labas ng bahay niyo."
Nagulantang ako. "Ha? Madaling-araw na ah? S-Sige wait lang. Lalabas ako. Wait lang talaga."
Pinatay ko na 'yung call. Tumakbo ako sa loob ng bahay para kunin 'yung regalo ko kay Tisoy. Gusto kong iabot na sa kanya 'yun ngayon. Mabilis akong lumabas ng gate a hinanap kung alin ba do'n sa mga nakaparada ang kotse ni Tisoy.
I smiled when I saw him standing and leaning on his car. Nagmamadali akong lumapit sa kanya. Pagkatapos, iniabot ko na agad 'yung gift ko.
"Merry Chirstmas," I said before I gave him my gift. "Ingatan mo ha? Babasagin 'yan."
"What's this?" naka-all out smile na tanong niya habang sinisilip 'yung laman ng paper bag.
Sumandal din ako sa trunk ng kotse niya gaya ng ginagawa niya. "Snow ball 'yan. Maputi ka kasi kaya 'yan 'yung regalo ko. Hahaha! And, gusto ko lagi mo 'kong maaalala. Kapag hindi ako nagpaparamdam sa 'yo, paglaruan mo lang 'yan. Tandaan mo, ikaw si Snowman. At ako naman 'yung mga glitters na bumabagsak. Maraming glitters 'di ba? Ganyan karaming beses mo kasi ako napasaya."
Hindi ko maiwasang lalong sumaya nang makita ko 'yung priceless reaction ni Tisoy. Nakangiti siya at kung hindi ako nagkakamali, kinikilig siya. Hay sana nga. Nahirapan akong mag-isip ng ireregalo ko sa kanya eh.
"Snowball?" he repeated. "Hindi naman ako mataba ah. Macho nga ako eh." Nag-macho pose pa si Tisoy sa harap ko na ikinatawa ko nang husto.
"Tumigil ka nga. Nakakaumay ka," nang-aasar ko namang tugon.
Inilapag ni Tisoy sa tabi niya 'yung regalo ko. "Ako naman."
Inilabas ni Tisoy 'yung isang black na kahita. Iniabot niya 'yon sa 'kin. "Merry Christmas, Meng," he said while staring at my eyes.
Kinuha ko mula sa kanya 'yung regalo niya. Binuksan ko 'yung kahita. Isang silver heart-shaped locket necklace 'yung regalo niya. Napangiti ako nang buksan ko iyon. Picture niya at picture ko ang nakalagay sa dalawang heart. Napatitig ako sa kanya.
"Thank you," I uttered.
"Akin na, 'suot ko sa 'yo," he said before he put his gift around my neck. "Alam mo, nagpunta ako dito para ibigay 'yan nang personal sa 'yo. Did you like it?"
After niyang isuot sa 'kin 'yung kuwintas ay lumingon ulit ako sa kanya. "Oo naman. Ang sweet nga eh."
"Uuuuuuuuy!"
Sabay kaming napalingon ni Tisoy sa gate ng bahay. Nakasilip pala 'yung mga pinsan ko. Halatang kilig na kilig sila. Kahit 'yung mga pinsan kong lalaki na sina RJ at Nathaniel ay kinikilig din.
"Siya ba 'yon, Ate Meng?"
"Ang gwapo!"
"Bagay kayo!"
"Ayieeee!"
Sunud-sunod na tukso pa ang inabot naming dalawa. Napailing na lang ako habang nakangiti. Si Tisoy naman ay natatawa na rin. Ewan ko ba pero ako, deep inside, kinikilig ako. Grabe. Ang sweet-sweet talagang tao ni Tisoy.
"Tara sa loob?" I offered. "Ipapakilala kita sa mga kamag-anak ko."
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)