Chapter 5.2

605 25 1
                                    

Maine's POV

NAKATULALA LANG AKO habang pinanonood ko ang lalaking kasama ko na ipinaghihimay ako ng chicken. Para akong bata, pero wala naman akong lakas ng loob na sabihin sa kanyang kaya ko naman. Kasi pakiramdam ko ay totoong wala na akong kayang gawin.

"You know what, I never did this to any of my ex-girlfriends. I hope, ma-appreciate mo," nakangiting sabi niya bago niya iniabot sa 'kin ang tray na naglalaman ng pagkain kong ready-to-eat na.

"T-Thank you," I said in a shy tone.

Mas lumapad 'yung ngiti niya. Ngiting puro at walang ibang laman kundi sincerity. Kung titingnan mo kung paano siya makitungo sa isang babae, parang siya na ang pinakamabuting lalaking nakaharap ko sa twenty years ko rito sa mundo. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya sa mga idinulot kong istorbo sa kanya.

"I feel better now. Hindi ka na umiiyak," he said in a friendly tone. "If I were you, hindi ko na lang iiyakan ang mga bagay-bagay." Kumuha siya ng tatlong fries at kinain iyon. Hindi niya iniaalis ang tingin niya sa 'kin.

Imbis na sagutin siya ay tumangu-tango na lang ako at sinimulang kainin ang hinimay niyang chicken. Ayoko sanang kumain no'n pero hindi ko na rin natiis. Gutom na rin ako because I haven't eat anything since lunch.

Sa totoo lang, ayoko talagang sumama sa kanya. Sino ba namang matinong babae ang sasama sa lalaking hindi niya naman kilala? Paano na lang kung saan ka niya dalhin at kung anong gawin sa 'yo?

That's what I was thinking before. Pero nang mapag-aralan ko naman ang mga kilos niya, ramdam kong hindi niya naman gagawin ang mga naisip ko. Isa pa, siguro nga ay kailangan ko muna ng kausap. Wala pa si Apple. Wala akong mayayakap at maiiyakan.

Natigilan ako nang maalala ko si Apple. Siguro ay hinahanap na ako no'n. Kinuha ko mula sa pouch ang phone ko. And to my surprise, lowbatt na ako.

Napabuga na lang ako ng hangin.

"What's wrong?" tanong naman nu'ng lalaking kasama ko.

Umiling ako. "Wala. Dead batt na 'yung phone ko," sagot ko bago ako muling kumain.

Kinain kami ng katahimikan. Siguro ay naisip niyang wala talaga ako sa tamang huwisyo para makipagkwentuhan.

I was thinking about everything that happened this evening when I realized that I have missed something. Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya. I knew nothing about him. Kahit nickname man lang. Ang kapal ng mukha ko na magpasama sa kanya, pagkatapos ay hindi ko man lang alam ang pangalan niya?

"Uhm..." basag ko sa katahimikang namamagitan sa 'min. "I forgot to ask your name. Ano... Ano nga palang pangalan mo?"

Halatang medyo nagulat siya sa itinanong ko pero ngumiti siya afterwards—na favorite niya yatang gawin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig sa malalim na dimple sa left part ng cheeks niya.

"Hindi naman importante ang pangalan ko. I'm just a plain companion," sagot niya sa 'kin. Inabutan niya 'ko ng isa sa dalawang banana float. "Float?"

Tinanggap ko iyon at sumimsim ng kaunti sa straw.

"Gusto ko lang makapagpasalamat sa 'yo nang maayos. I... I don't what would happen to me if I didn't come with you," matamlay kong sabi. Ibinaba ko na sa table 'yung banana float na iniinom ko.

"Pwede kang magkuwento sa 'kin, para naman gumaan 'yung nararamdaman mo. Afterall, we're close friends even just for tonight. Don't hesitate. Willing akong makinig," sincere na sabi ni Mr. Unknown na ayaw aminin kung ano bang pangalan niya. Pero kahit naman ayaw niyang sabihin, okay lang. Ang importante ay may nakakasama ako sa mga oras na 'to at mayroon akong masasabihan ng sama ng loob.

Nagbaba ako ng tingin. Naalala ko na naman 'yung eksenang nakita ko kanina. 'Yung kataksilan. 'Yung paghingi ni Bren ng cool off. 'Yung lahat ng pinagdaanan ko sa relasyon namin. Lahat-lahat. Para silang tubig na rumaragasa sa ilog. Tuluy-tuloy silang pumapasok sa isip ko.

Tumulo ang isang patak ng luha. Hanggang sa nasundan ng isa pa, hanggang sa dumami nang dumami at nagtuluy-tuloy na sila sa pag-agos. I covered my face with my palms as I tried very hard to conceal my sobs.

"I love him. Pero hindi pa rin yata sapat sa kanya 'yung lahat ng ginagawa ko. Bakit kailangan niya pang makipag-cool off? Bakit kailangan niya pang makipag-flirt sa ibang babae? Am I not enough?" luhaan kong saad habang pinupunasan ang mga luha kong ayaw na yata tumigil sa pag-agos. "Lahat ng pang-unawa, ibinibigay ko sa kanya. Lahat ng gusto niya, sinusunod ko. Kahit hindi ko magawa ang mga gusto ko, okay lang. I'm willing to sacrifice my own happiness just to make him feel contented. Even if a have a heart disease, hindi ako nagiging pabigat sa kanya. Tinatanggap ko lahat ng sakit na idinudulot ng mga away namin—physically and emotionally.

"Kahit nasasaktan ako sa pagtrato niya, at sa mga words niya, hindi ko 'yon ginawang dahilan para iwan siya. Tuwing nag-aaway kami, lumuluhod ako para lang mapatawad niya 'ko. Kahit hindi ko kasalanan, nagso-sorry ako para lang 'wag na kaming mag-away. Bakit gano'n? Aren't those enough?"

"He doesn't deserve to have you," seryosong komento ni "Mr. Unknown" nang marinig niya ang mga kwento ko. He then offered his navy blue hanky for me to use. "Here."

Nag-alangan akong kunin 'yon. "This is the second time na nag-abot ka sa 'kin ng panyo. I'm sorry if I'm causing too much trouble."

"Just accept it," he insisted.

Tinanggap ko 'yung panyo at ginamit para punasan ang mga luha ko.

"Bakit ka ba kasi nagpapakatanga nang gano'n sa kanya? Look, you said you even have a heart problem. Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para kahit papaano man lang ay bawasan niya 'yung ginagawa niya sa 'yo?" sabi niya habang nakatitig nang husto sa mga mata ko. Halatang nainis siya sa mga narinig niya.

"Hindi ko kasi alam kung paano ako makakalayo sa kanya. Pakiramdam ko, hindi ko na kaya. Pakiramdam ko, hindi na 'ko makakatakbo palayo. Magtitiis na lang siguro ako," I said after wiping my tears that never stop from falling.

"Mali ka," kontra ni Mr. Unknown. "Kung gusto, maraming paraan."


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon