Chapter 15.3

381 18 0
                                    


Maine's POV

PINAPANOOD KO ang dahan-dahang pagsikat ng araw. Hindi ko maiwasang mapangiti. Madaling-araw pa lang ay gising na 'ko. Hindi na 'ko dinapuan ng antok. Siguro ay side effect na 'to ng mga gamot na ipinaiinom at itinuturok sa 'kin.

Narinig ko ang marahang mga katok sa pinto ng kwarto ko.

Ay, oo nga pala. Nandito na 'ko ngayon sa bahay. Hindi ko na hinayaang maratay ako sa ospital. Wala naman 'yong pinagkaiba. Ayoko nang makaamoy ng dugo o ng gamot o ng kahit anong chemical. Ayoko nang bawat minuto akong

Isa pa, wala na rin namang magbabago.

Marahang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa niyon ang mapagmahal kong daddy. May dala-dala siyang tray ng pagkain.

"Dad," I uttered. "Bakit naman po ikaw ang nagdala niyan dito? Sana po ipinaabot niyo na lang kina Manang."

Inilapag ni daddy ang tray na hawak niya at naupo sa paanan ko. "Kamusta na ang pakiramdam mo, Anak. Are you okay now?" He held my hands and assured that I'm comfortable during that time.

I blinked and smiled at my dearest father. "Dad, I'm fine."

"Are you sure?" Dad asked again.

"Dad," tugon ko. "Instead of taking care of me, 'yung company dapat ang iniisip mo. These past days, hindi ka na napasok sa kompanya. Baka naman mapabayaan mo na 'yung lahat ng pinaghirapan mo."

Pumalatak si daddy. "Kahit mawala pa sa 'kin ang lahat ng yaman at kapangyarihan, 'wag lang ang nag-iisa kong anak. You're the real treasure for us, anak." Marahang hinaplos ni daddy ang buhok ko. Haplos ng isang amang mahal na mahal ang sarili niyang anak.

I gave out a sweeter smile and hugged him. 'Thank you, Daddy. I love you."

"I love you too, Hija," he replied.

Nang kumalas ako mula sa pagkakayakap ay sakto namang pumasok si mommy. Mukha pa rin siyang bagong gising gaya ni daddy. Nang makita niya kami, agad siyang napangiti.

"Naku, ang mag-ama ko. Naglalambingan. Hindi man lang ako isinama," said mommy. Pagkatapos niyon ay lumapit siya sa 'ming dalawa at niyakap kami nang mahigpit.

I have a perfect family. Perfect parents. Perfect boyfriend. But...

But I don't have a perfect, long life.


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon