Tisoy's POV
MALAPIT NA 'KO sa school ni Maine. Fourty minutes ang layo no'n sa school namin pero ayos lang.
Natutuwa lang ako dahil inimbitahan niya 'kong pumunta sa school nila. It is actually the first time that I'll come to another school just to be with someone. Hindi ko 'yon gawain. I was born to be a super boring person, to be a serious-type. But I think not anymore.
But please, don't get me wrong! Hindi ko naman siya pinupuntahan dahil may something. Kahit crush wala.
Okay, okay. I have this little crush, but that's just it!
Natutuwa lang ako sa kanya. I just adore her for being so natural at for showing the real her. Bihira na kasi 'yon sa mga babae ngayon. Most of them are like... 'yung parang viral video. Pabebe na masyado. Nakakainis 'yung gano'ng attitude. I know na dapat maging mahinhin at mayumi ang mga babae, pero hindi naman nila siguro kailangang maging OA.
Malayong-malayo si Maine sa kapatid ko. My sister was the greatest mistake of my parents, I think. Laman kasi siya lagi ng mga party at gig. She drinks alcohol. Mas matindi pa siya sa 'kin. At nagka-cutting classes pa!
Napailing na lang ako nang maalala ko ang mga sakit ng ulo na ibinibigay sa 'kin ng kapatid ko. Wala akong magagawa. Kuya niya ako at kahit bali-baliktarin pa ang mundo ay kapatid ko siya.
Paliko na 'ko papunta sa school nina Maine. Two kilometers to go. Kinuha ko na ang cellphone ko para tawagan siya.
"Hello Tisoy, asan ka na?" bungad ni Maine nang sagutin niya ang tawag ko.
I can't help but just smile. Nakakatuwa lang na pinanindigan niya talaga ang nickname na "Tisoy" na naimbento niya lang nang ipakilala niya 'ko sa Tita Claudine niya at sa pinsan niyang si Lissa.
"'Punta ka na sa gate 3, I'm almost there," sagot ko naman.
"Oh sige, sige. Ibababa ko na muna 'to ha? Ba-bye!"
Nakangiti kong ibinaba ang hawak kong cellphone. In just three minutes ay nakarating na nga ako sa harap ng gate 3. Nag-park muna ako sa tapat ng isang computer shop sa harap lamang ng gate bago ako nagmamadaling bumaba.
Naabutan ko si Maine. Nakatayo na siya doon.
"Hi," bati ko nang makalapit ako sa kanya.
"Hi," medyo nahihiya namang sagot ni Maine. Mas okay na ang hitsura niya kesa sa last time na inatake siya. May kulay at sigla na ngayon ang mukha niya. Mabuti naman at nakabawi na siya.
"Uhm, tara na sa loob?" yakad niya bago niya itinuro ang entrance ng school nila gamit ang dalawang thumb finger.
"Wait, how about my car? Hindi ko ba pwedeng ipasok 'to sa loob?" concerned na tanong ko. Mahirap na. Baka paglabas ko ay kung ano na namang nangyari sa kotse ko. The last time I left that outside, natagpuan ko na siyang puro drawing gamit ang crayola. Malamang bata ang may gawa.
Ngumiti siya. "Pwede naman. Kaso hindi mo mae-enjoy ang bawat booth na madadaanan natin kaya maglakad na lang tayo sa loob."
"Oh sige na nga," sumusuko kong tugon bago ko siya hinayaang hilahin ako hanggang sa student's entrance.
Pagkatapos na i-check ng guard ang I.D. ko ay tumuloy na kami sa loob ng university. Pero wala sa dinaraanan namin ang focus ko kundi sa kaliwang kamay ni Maine na nahila sa kanang kamay ko. Hindi naman sa ayokong hawakan niya 'ko, pero iba kasi ang nararamdaman ko. Medyo weird.
"Dito tayo!" parang excited na batang sabi ni Maine bago kami tumakbo sa isang booth.
Medyo kumunot ang noo ko kasabay ang simpleng pagtawa. What? Pabebe Booth? Ano naman kaya ang meron sa booth na 'yon?
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)