Chapter 15.1

398 14 0
                                    

Tisoy's POV

BUMAGAL ANG IKOT NG MUNDO. Bumagal ang takbo ng oras. Bumagal ang araw. Bumagal ang lahat. Tumigil ang pintig ng puso ko. Ang tanging bumubuhos ay ang mga luha na ayaw nang magpaawat. Nagbago ang lahat ng mga plano. Nagkaroon ng maraming-maraming takot.

Isang buong magdamag na ang lumipas, pero parang isang buwan na ang itinakbo noon sa 'kin. Ayaw na 'kong dalawin ng antok. Wala na akong kahit anong maramdaman.

"Hijo..."

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko. Nandito ako sa labas ng ER kung saan naroon si Maine. Nakaupo ako at naghihintay sa isang magandang balita na hindi ko alam kung kailan ko maririnig. Umuwi na muna sina mommy, daddy at Milky. Niyaya nila 'kong sumama, but who am I to leave my queen alone at this creepy place?

Basa ang mga matang napatingin ako kina Mr. and Mrs. Martinez. Ano'ng sasabihin ko? Pa'no ko ipapaliwanag kung bakit hindi ko siya naalagaan?

"Tito... Tita..."

Napayakap na lang ako sa kanila. Tinapik-tapik nila ang likod ko pero kahit kaunti ay hindi niyon nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Mas lalo ko lang nararamdaman ang konsensya ko na walang-tigil sa paninisi sa 'kin.

"Tumawag sa 'kin si Rico. Naikwento na ng daddy mo ang lahat," sabi ni Mr. Martinez.

"I... I'm sorry... I'm sorry po," naiiyak kong sabi.

"Hush now," ani Mrs. Martinez. "It's not your fault. Don't blame yourself, hijo."

"Ano na ba'ng sabi ng doktor?" tanong ulit ng ama ng babaeng mahal ko.

Sasagutin ko pa sana siya na hindi ko pa rin alam nang biglang lumabas ang doktor mula sa Emergency Room.

"Doc? How's my daughter?" tanong agad ni Mr. Martinez. Kitang-kita sa mga mata niya ang labis na pag-aalala.

I closed my fists. Sa mga tingin pa lang ng doktor, ramdam ko nang hindi maganda 'yung kondisyon ni Meng. Sana mali ako. Sana maging okay lahat.

"I'll be honest with you. Hindi maganda ang stable ng anak ninyo, Sir. Although she's stable now, nakita naming sobrang damaged na ang puso niya at malala na ang kondisyon niya," kalmado ngunit seryosong paliwanag ng doktor. "We have to look after her every second."

"Please do anything for my daughter. Magbabayad ako... kahit magkano," may himig ng pagmamakaawang sabi ni Mr. Martinez.

Isang makapangyarihang tao sa lipunan. A man from the Martinez clan. Kilala at tinitingala ng lahat, pero ngayon ay halos lumuhod na para sa buhay ng totoong kayamanan niya.

Iyon din ang handa akong gawin. Marami akong pangarap para kay Maine. Marami pa akong gustong gawin kasama siya. Marami pa 'kong gustong puntahang lugar. Marami pa 'kong gustong maranasan nang kasama siya.

Bakit kailangang mangyari 'to? Bakit kailangang masira ang lahat?

Mahal ko si Maine. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal. Handa akong ibigay ang sarili kong buhay kung kinakailangan. Handa akong lumuhod at magmakaawa sa mga doktor, lunasan lang ang sakit niya. Handa akong maghirap, mamatay, o itakwil niya... Kahit ano. Basta mabuhay lang ang babaeng mahal ko.

Kahit kailan, hindi ako naghangad ng sobra-sobra. Hindi ko inaabuso ang Diyos sa mga dasal ko. Wala akong ibang dalangin kundi ang gabayan Niya 'ko sa bawat araw. Para sa 'kin, Siya na ang bahala kung anuman ang gusto Niyang mangyari sa bawat araw.

Pero hindi ngayon. Iisa ang pakiusap ko. Nakikiusap akong 'wag Niyang bawiin sa 'kin ang reyna ko. Ang buhay at hininga ko. Ang kaluluwa ko.

'Wag si Maine. Pakiusap.

'Wag siya.

'Wag.

BR


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon