Chapter 11.1

518 19 2
                                    

Maine's POV

I CAN FEEL THE SPIRIT OF CHRISTMAS!

Haaay. Ambilis-bilis ng panahon. Two weeks na lang at Pasko na naman. Hindi ko akalain na magpa-Pasko ako ngayong single. Parang nu'ng mga nagdaang months lang, nag-iisip pa 'ko kung anong regalo ba ang ibibigay ko kay Bren. Ano'ng lugar ba ang papasyalan namin. Etc, etc.

Pero okay na naman ako ngayon. Malungkot pa rin minsan, pero hindi ko na siya iniiyakan. Mabilis lang ang recovery ko. Siguro dahil naubos na ang luha ko nu'ng mga panahong baliw na baliw pa 'ko sa kanya. Magmula nu'ng nag-cool off kami at hindi na siya nagparamdam, nag-self-training na 'ko kung paano ko paglalabanan ang lahat. At ngayon nga, kinaya ko na. Ipinangako ko na rin sa sarili ko na ayoko nang umiyak pa para sa kanya. Tapos na ang kabaliwan ko.

And speaking of recovery, malaki ang naging tulong ni Tisoy para maka-recover ako nang mabilis sa lintik na heartache na 'to. Halos araw-araw ko siyang nakasama nu'ng sembreak. Lagi niya 'kong ipinagpapaalam kina mommy at daddy para ipasyal at napayag naman sila dahil sa pagiging sobrang galing ni Tisoy. Minsan naman, isinasama pa namin si Tisoy sa mga lakad namin ng parents ko. Game na game naman siya. Hanggang nu'ng mag-enroll ako for the second semester, nakabuntot pa rin siya sa 'kin.

Actually, nu'ng nag-start na ang klase para sa second sem, sabay na kaming umuuwi. Nagko-commute na lang ako kapag papasok at susunduin niya naman ako sa school kapag uwian na nila. After fetching me at our chool, didiretso na kami sa mall, or sa Starbucks, or sa park. Kahit saan. Basta naglalaan kami ng saglit na oras para makapagkuwentuhan.

Walang label ang kung anumang meron kami ni Tisoy as of now. Magkaibigan pa rin kami. Magkasama lagi. Mabuti na nga lang at hindi nagtatampo si Apple eh. Busy rin kasi siya sa mga panahon na 'to. Inaasikaso na nila ang pagma-migrate nila sa U.S. Medyo nakakalungkot nga eh. Parang hindi pa rin ako masyadong makapaniwala na ilang buwan na lang at iiwan na 'ko ng bestfriend ko.

"Mukhang good mood ka ah," nakangiting sabi ni Tisoy habang pasulyap-sulyap sa 'kin. Nandito nga pala kami ngayon sa kotse niya at nabiyahe na pauwi. Kasusundo niya pa lang sa 'kin and hindi pa rin naman nagtatagal nang mag-uwian kami.

Pabiro ko siyang pinalo sa braso. "Mag-drive ka na nga lang d'yan. Issue ka na naman. Hahahahaha!"

"Maine."

Napalingon ako sa kanya. Seryosong-seryoso kasi ang pagkakatawag niya sa pangalan ko. Medyo kinabahan ako na ewan.

"Hmm?"

Sakto namang huminto kami sa stoplight. Mula sa daan ay inilipat sa 'kin ni Tisoy ang full attention niya. "Have you ever felt to be loved unconditionally? I mean, the way you loved Bren before, have you experienced that kind of love too?"

Hindi ko alam kung bakit biglang naghalo-halo 'yung emosyon ko nang marinig ko ang tanong na 'yon. Hindi ko alam kung dahil hindi ako sanay na may nagtatanong sa 'kin nang gano'n o talagang shocked lang ako sa tanong ni Tisoy.

"Honestly, hindi pa," nahihiya kong tugon sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin dahil ayokong mabasa sa mga mata niya ang reaction niya.

"Alam mo, habang mas nakikilala kita, mas lalo akong naa-amaze sa 'yo," he said. "I've never met someone like you in my entire life. Dati, mas gusto kong mag-stay lang sa bahay. Pero kapag naiisip kita, para akong baliw na gustung-gustong puntahan at makita ka kahit wala namang dahilan. Until one of these days, I have realized that... that I want to court you. I really wan to. I want to make you feel so special. I want to make you my queen and my everything."

Napalingon ulit ako kay Tisoy. Tinitigan ko siya para mahanap ang sincerity sa mga mata niya. At nakita ko 'yon. Hindi ko alam kung bakit pero parang nahaplos ang puso ko sa sinabing 'yon ni Tisoy. Para kasing naramdaman ko na kahit maging rebound ko siya ay okay lang sa kanya.

Yes. Rebound pa rin ang term doon dahil hindi pa naman ako nakaka-recover nang husto mula sa sakit na iniwan ni Bren. Meron pa rin akong hatred. Meron pa rin akong takot. There were nights na parang ibinabalik pa rin ng isip ko ang lahat ng masasakit na alaalang iniwan sa 'kin ng siraulo kong ex-boyfriend.

"Alam mo, hindi kita pipilitin kung hindi ka pa talaga handa. Basta gusto ko lang malaman mo na hindi ako susuko hanggang sa maramdaman mo nang mahal mo na rin ako. Kaya kong maghintay para sa tamang panahon," nakangiting dagdag ni Tisoy.

Ibinalik niya ang paningin niya sa kalsada at sakto namang naka-go na ang stoplight. Hindi naman ako makakibo. Iniisip ko 'yung mga sinasabi niya. Sa totoo lang, sa araw-araw naming bonding ni Tisoy, may kakaibang feeling na ring umuusbong sa puso ko. Pero ayokong magmadali. Ang sabi sa 'kin nina mommy at daddy, walang kahahantungan ang mga bagay na minamadali.

At ramdam kong alam din naman 'yon ni Tisoy. Napakabait niya at napaka-gentleman. Never siyang nag-take advantage sa 'kin. Napakataas ng paggalang niya sa pagiging babae ko. Hindi siya katulad ni Bren na bubulyawan ako, paiiyakin ako at mumurahin ako.

Bakit nga ba hindi ko siya bigyan ng formal chance? He deserves my "yes" actually. Bakit hindi ko siya bigyan ng pagkakataon na patunayan 'yon?

Nilingon ko si Tisoy. Tahimik lang siyang nagda-drive. Hindi siya mukhang galit. In fact, neutral lang ang reaction niya. Grabe. Napakabait niya talagang nilalang.

"Tisoy," wala sa sariling tawag ko sa pangalan niya.

He glanced at me and smiled. "Yes?"

Parang natunaw 'yung puso ko sa reaction niyang 'yon. Hindi man lang ba siya nainis dahil hindi ako nag-react? Hindi man lang ba siya nakakaramdam ng inip? Talaga bang love na 'yung nararamdaman niya para sa 'kin?

"Alam mo... Ano kasi..." nag-aalangan ko pang sabi. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya na gusto ko na siyang manligaw formally. Huminga na lang ako nang malalim. "'Di ba kapag nanliligaw, kinikilala muna nang husto ang isa't isa?"

"Oo naman," tugon naman agad niya.

"Eh 'di ba gano'n din naman ang ginagawa natin ngayon?" pagka-clarify ko.

Nagulat ako nang biglang ihinto ni Tisoy sa gilid ng kalsada ang sasakyan. He stared at me for a moment. Parang medyo nagulat siya sa mga sinasabi ko. He gave me a confusing look.

I continued my lines. "You know what, sa bawat araw din na nakakasama kita, mas nakikilala kita. At nakikita ko kung ga'no ka kabait na tao. Naa-amaze din ako sa 'yo gaya ng nararamdaman mo sa 'kin. And to be exact, may ano... may kakaibang ano na kasi..."

"Go on," he uttered while staring at me as if I'm announcing a big thing.

I sighed again. "It's too early to say this, but I think I'm starting to like you. More than just a friend. Hindi mahirap mahulog sa 'yo, Tisoy. You're so sweet, so gentleman, so kind. Pero masyado pang maaga at hindi pa tayo sigurado sa nararamdaman natin. Kaya ang gusto ko lang muna ngayon, bigyan ng label ang "getting-to-know-each-other" stage natin."

"You mean..." parang hindi makapaniwalang sabi ni Tisoy.

"Let's call that stage as your formal 'panliligaw.'"

Isang malakas na "yes!" ang narinig ko mula sa lalaking katabi ko with matching hand gestures pa. Napangiti na lang din ako. Maya-maya, gumaan na ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Para bang napuno kami ng saya.

"Hoy, nanliligaw ka pa lang. Grabe ka maka-react," I said with a wacky voice to completely ease the atmosphere.

Nakangisi akong hinarap ni Tisoy. Kitang-kita ko 'yung hope at 'yung kakaibang spark sa mga mata niya. Parang ang saya-saya niya talaga. Mas lalo akong napangiti sa hitsura niya. Kahit kelan talaga. Hahahahaha!

"Okay lang 'yun. One step closer," nakangising sabi ni Tisoy. Halos maningkit na siya dahil sa pagngiti niya. "Salamat talaga, Meng. You're such a God's gift."

Pasimple akong kinilig sa narinig ko mula sa kanya.


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon