Tisoy's POV
She slowly opened her beautiful eyes. Together with her family, I watched and gasped for air as I saw her gaining her consciousness after she survived the nightmare I was praying every minute to end. I never took my eyes off her. At last, she was finally awaked.
"Anak..." Mr. Martinez uttered as he held his daughter's fainted hands. "Anak, nandito kami."
Hindi ko alam kung bakit pero naghalo-halo ang lahat nang emosyon ko nang makita ko siya. Natutuwa akong makita si Maine na dumilat at magkamalay. Pero...
"Daddy..." she said in a cracking voice.
"Anak," lumuluhang saad ni Mrs. Martinez habang nakatayo at nakahawak sa mga balikat ng asawa. Hindi siya nakatiis, luhaan niyang nilapitan ang nakaratay na anak. "Please magpagaling ka. Hindi ko kayang makita kang ganyan. Please, hija. Please."
"I... I'm okay," she said with assurance, but that was I just a lie. I knew.
Nang lumayo mula sa pagkakayakap ang sariling ina ay napabaling sa 'kin si Maine. Her eyes were begging. Her lips were pale. Her body... it was slowly dying.
"Love..." Her angellic yet naive voice took away my sanity. Tears automatically fell from my eyes. Kahit anong pigil ko ay bumubuhos pa rin ang emosyong itinatago ko.
I knelt down and held her hands. My sobs became louder and louder. Not for the first time I wished for my lady's life. Every minute I talked to God and asked Him to heal her dying heart.
"Bakit ka umiiyak?" nang-aalo niyang tanong. "Napagod lang ako."
Lalo akong naiyak. Paano niya nasasabi ang gano'n kahit nararamdaman niya ang totoong kondisyon ng puso niya?
"I love you, Tisoy."
Napayuko ako sa braso niya habang patuloy lang sa pag-iyak. Her parents were doing the same. Marahil ay hindi na nila kayang pigilin ang luha dahil sa mga narinig namin mula sa doktor na in-charge kay Maine.
"'Wag mo 'kong iiwan," I said while almost choking because of crying continuously.
"May pasok ka ngayon ah." She caressed my head with her cold palm.
Hinuli kong muli ang mga palad niya at hinawakan ang mga iyon nang mahigpit. Pagkatapos ay dahan-dahan akong nag-angat ng ulo para muling titigan ang maamo niyang mukha. "Mahal na mahal kita."
Muli kong nasilayan ang isang matamis na ngiti mula sa tuyot niyang mga labi. "Mahal na mahal din kita. Ipasyal mo 'ko kapag nakalabas ako sa ospital ha?"
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay lalong bumigat ang damdamin ko sa pakiusap niyang 'yon.'Di pa nagtagal ay tumulo na ang huling luhang iniingatan kong bumagsak.
"Ipapasyal kita kahit saan."
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)