Maine's POV
MAAGA AKONG pumasok ngayong araw. Kahit halos wala nang gagawin at tinatapos na lang namin ang sem, gusto ko pa ring pumasok. Sem break na next week kaya lulubus-lubusin ko na. Ayoko naman kasing mag-stay na lang sa bahay. Wala naman akong makakakwentuhan dahil puro mga katulong at 'yung guard lang ang kasama ko sa bahay. At least sa school, si Apple ang kasama at kausap ko.
Nang mai-park ko ang kotse ko sa parking lot ay mabilis akong bumaba sa sasakyan at naglakad papunta sa building CAS. Mabigat ang pakiramdam ko. Dalawang araw pa lang magmula nang makipag-break si Bren. Okay na naman ako kahit kaunti. Kahapon ay isang beses na lang akong umiyak.
Nakapasok ako ng classroom. Nagulat lang ako dahil sa ibang seat nakaupo si Apple. Wala naman na kaming prof. Pumapasok na lang kami for attendance.
"Apple!" pagtawag ko kay Apple na noon ay busy sa phone niya. Busy na naman siguro sa COC niya.
Tiningnan ako ni Apple. But to my surprise, she ignored me. As in ibinalik niya lang 'yung paningin niya sa screen ng phone niya.
Na-shock ako pero hindi na 'ko kumibo. Baka masama lang ang pakiramdam niya o 'di kaya ay mainit ang ulo. Hindi ko na muna siya inistorbo pa. Tahimik na lang akong naupo sa armchair ko. Sana mamaya, okay na kami.
But, my goodness! Ayaw din akong pansinin ng mga classmates ko. What the hell is wrong with them? Ano ba'ng nangyari? Ano ba'ng ginawa ko?
Hanggang sa mag-lunch break ay walang pumapansin sa 'kin. Mag-isa akong kumain sa cafeteria. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na tawagan ang Superman friend ko—si Tisoy. Lagi siyang nand'yan para saluhin ako sa mga problema ko.
I tried to call Tisoy but I failed. Out of coverage area. Hindi ko tuloy mapigilang malungkot. Hindi ba nila alam kung anong araw ngayon? Hindi man lang ba nila ako babatiin ngayong birthday ko?
Kanina, tumawag na si mommy and daddy. They greeted me and told me they miss me. Nabanggit din nila na next week na ang uwi nila dito sa 'Pinas. Kaya naman maganda ang simula ng umaga ko. But having this situation right now, nafu-frustrate ako. Ano ba kasing nangyari? What have I done? Bakit galit sila sa 'king lahat?
Sumagi sa isip ko si Bren. Hindi kaya siya ang nagsabi sa mga tao sa paligid ko na 'wag akong pansinin? Pero pa'no niya naman magagawa 'yon? Isa lang naman ang kilala niya sa mga kaklase ko. Si Apple lang.
Wait, hindi kaya nagsabwatan sila ni Apple?
Kung anu-ano nang pumasok sa isip ko. Sa sobrang tagal kong nag-iisip, hindi ko namalayan na almost 1pm na. Kailangan ko nang pumunta sa room para sa attendance. After daw no'n ay pwede nang umuwi. Medyo kinakabahan nga rin ako dahil tapos na ang computation of grades namin sa halos lahat ng subject at next week ay ia-upload na sa portal ang mga grades namin.
Nang makarating ako sa room, nakatingin sa 'kin ang mga classmates ko pero hindi pa rin nila ako pinansin. Kahit masakit sa kalooban ko, hindi na 'ko nag-react. Ano ba'ng magagawa ko kung isinusuka na 'ko ng mga tao sa paligid ko. Sanay na sanay naman akong ipinagtatabuyan palayo.
Kinuha ko du'n sa class president namin 'yung attendance sheet. Pagkatapos kong pumirma ay umalis na 'ko. Iilan na lang din naman sila sa room. Mukhang nauna nang umalis 'yung iba.
Pagkalabas ko ng room, naglakad na 'ko papunta sa parking lot. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang biglang may humablot sa 'kin. Si Apple. Seryosong-seryoso 'yung mukha niya.
"Sumama ka sa 'kin," galit na sabi ni Apple bago niya 'ko hinila. Medyo nasaktan ako pero hindi iyon ang ininda ko kundi ang ginawa ni Apple.
"Girl, s-sa'n tayo pupunta?" kinakabahan na tanong ko.
There's something wrong in this situation, but I couldn't find out what it is. Hinayaan ko na lang na hilahin ako ni Apple sa direction papunta sa gate 1 ng school. Bahala na. Siguro naman ay hindi ako gagawan ng masama ng sarili kong kaibigan. Sana.
Habang palapit kami nang palapit ay mas tumindi 'yung kaba ko. Medyo sumasakit na 'yung puso ko. Bakit parang ang daming tao sa harap ng gate 1? Nang makalabas kami, napansin ko na ang dami talagang nakapalibot sa statue ng school. Piling ko, may nangyaring hindi maganda.
Binitiwan ni Apple 'yung braso ko. "Makisiksik ka do'n sa unahan. Look what you've done," she said before she suddenly flashed an ironic smile.
T-teka. Ano ba'ng meron?
Ginawa ko nga 'yung sinabi ni Apple. Kinakabahan talaga 'ko. Nakipagsiksikan ako sa mga students na nagkakagulo. At nanlambot naman ang tuhod ko nang makarating ako sa unahan. Parang gusto kong maiyak.
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)