Maine's POV, evening. At the hospital.
"ARE YOU SURE, DOC?" nag-aalala pa ring tanong ni Tita Claudine sa doktor na nasa loob ng recovery room. "Pwede na ba talagang ma-discharge ngayon itong pamangkin ko?"
Nakaupo na 'ko sa bed at handa nang umuwi sa bahay. Nakapalibot naman sa 'kin Si Dr. Laverde, Tita Claudine at Lissa. Medyo nanghihina pa rin ako, but unlike earlier, mas may energy na 'kong bumangon at gumalaw-galaw kahit papaano.
"Yes, Madam," assurance ni Dr. Laverde. "But she needs to rest. Iyon ang pinakamahalagang bilin ko." Binalingan ako ng doktor. "Maine, hija. You have to rest for three days and make sure that you'll drink your medicines. Avaoid stress as much as possible. Eat healthy foods and as I have told you earlier, take good care of your heart. Gusto kong ipaalala sa 'yo na nasa Flail stage na ang condition ng puso mo, so we have to be more careful. Ipaaabot ko sa nurse ang medical certificate mo para ipakita sa school mo."
Tumangu-tango ako. "Yes, Doc."
Pagkatapos ang ilan pang mga paalala ay nagpaalam na rin si Dr. Laverde. Naiwan naman kaming tatlo ng tita at pinsan ko. Nauna na kasing magpaalam si Apple dahil hindi niya pa nako-compile ang research niya na hanggang Friday na lang ang pasahan. Bago umalis ay sinigurado niya munang okay na ako.
"Now, tell me, Ate. Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit bigla kang inatake ng MVP mo?" naka-crossed arms na tanong ni Lissa.
She's talking about my Mitral Valve Prolapse.
"Anak, kasasabi lang ng doktor ng ate mo na bawal siyang ma-stress kaya 'wag ka na ngang maingay d'yan," saway ni Tita Claudine. "Halika nga at samahan mo na lang muna akong i-fullpaid 'yung bill para makauwi na itong ate mo."
Patalikod na sina Tita at Lissa nang bigla ko silang tawagin. Sabay silang lumingon kaya sabay ko na rin silang pinasalamatan. "Thank you, Tita. Thank you, Lissa."
Ngumiti silang pareho.
"'Sus. Ikaw pa. Malakas ka sa 'min eh!" ani Lissa.
"'Wag ka na ngang mag-emote d'yan," nakangiting saway ni tita Claudine. "Tawagan mo ang mommy mo. Alalang-alala silang dalawa ng daddy mo when they found out na nasa ospital ka. They called me earlier to ask about you, kaso tulog ka so hindi ka na muna nila inabala."
Nagpaalam na sina Tita at Lissa before they went out of the recovery room. Naiwan naman akong mag-isa at nag-iisip sa mga nangyayari. Actually, hindi malinaw sa 'kin kung ano ba'ng mga iniisip ko. Masyado pa akong lutang na lutang. Honestly, tuwing hindi ako makahinga at nawawalan ako ng malay, magigising ako na hinang-hina ang katawan, at pagkatapos ay parang lowbat na kailangan pang mag-recharge.
Malumanay kong kinuha mula sa shoulder bag ko 'yung phone ko. When I checked it, napansin kong nasa Home na 'ko. Malamang pa sa alamang ay nakita na ni Apple ang dahilan ng pagsugod sa 'kin sa ospital, and I'm pretty sure na nagngitngit din siya sa galit nang makita niya 'yon. I was about to call my mom when a phone call registered on my screen. May name na "?" 'yung natawag.
Sino naman kaya 'tong Herodes na 'to?
Huminga muna ako nang malalim before I answered the call. "Hello?"
"Hey."
That voice was so familiar so I talked back again. "You're... Uhh... The one who helped me, right?" I said in a soft and cracky voice.
Narinig ko ang simple pero malambing na pagtawa ng kausap ko from the other line. "Just give me a nickname. Pero wala namang kwenta 'yung pangalan ko kaya hindi mo na kailangang malaman. Anyway, napatawag lang ako to check kung hindi ka naman ba nagpakamatay or nagkukulong sa kwarto mo na parang sira."
Natawa ako. "Actually, pauwi pa lang ako from the hospital," paliwanag ko kay Mr. Unknown.
"Ha? What happened?" concerned niyang tanong sa 'kin. And sa totoo lang, na-appreciate ko 'yun.
"Uhm, kasi I collapsed early this morning. Masyadong na-stress 'yung puso ko so, eto. I need to take a rest for three more days."
"Ganu'n ba? So sa bahay ka na lang magpapahinga ngayon?" may himig ng paniniguro nitong tanong.
"Yup," I answered. "Oh, pa'no. Next time na lang siguro. Kailangan ko pa kasing tawagan sina mommy. I'm sure nag-aalala sila ngayon sa kalagayan ko. Sorry rin pala if I can't talk that loud. Nanghihina pa 'ko eh."
"Alright. Get well soon."
I nodded na para bang nakikita ako ng kausap ko. "Thank you."
/�Sԗ�
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)