Maine's POV
"HUY, MAINE! Anong meron? Bakit hindi ka kumikibo d'yan?"
Bigla akong nag-angat ng tingin dahil sa sinabing 'yon ng kaklase at kaibigan kong si Apple. Nakalimutan kong kasama ko nga pala siyang kumain sa canteen. Nandito kami sa school ngayon. Lunch na kaya sabay na kaming kumain.
"H-Hah?" parang tangang tanong ko.
Napailing na lang si Apple bago isinubo ang isang kutsarang puno ng rice at chicken curry.
Napatingin ako sa kinakain ko . Hindi ko pa pala halos ginagalaw. Busy ako sa kakaisip sa mga nangyari noong isang araw.
"Kanina ka pa tulala d'yan, girl. Pinaglalaruan mo lang 'yang food mo. Don't tell me, nag-away na naman kayo?" usisa ni Apple pagkatapos niyang malunok ang lahat ng nginunguya niya.
Unti-unting lumamlam ang mukha ko. Dalawang araw na magmula nang iwanan ako ni Bren sa mall, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nare-receive na text galing sa kanya. I tried to call him kaso unattended lagi ang phone niya. I sent him hundreds of messages but no reply came back.
"Hey girl, what's wrong?" curious na usisa ni Apple. Hinawakan niya 'yung kamay ko. Grabe. Mahal na mahal talaga 'ko ng kaibigan kong 'to. "I'm willing to listen."
Sa sobrang babaw ng luha ko, hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak. "I... I think he's not happy with me anymore... But I love him... I... I really do... Hindi ko... Hindi ko kayang mawala siya... I don't want to lose him, Apple..."
Hindi ko na nadugtungan pa ang mga sasabihin ko. Napahagulgol ako pero pinilit kong takpan ang bibig ko dahil ramdam ko na nakatingin na sa 'min 'yung ibang students na kumakain sa canteen na 'yon.
Apple stood up and hugged me. Lalo akong naiyak. Hindi ko alam kung ano ba ang naging pagkukulang ko kay Bren.
mSxOqs$
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)