Maine's POV
JANUARY NA. MAY PASOK NA ULIT. Hays. Parang ang bilis naman ng Christmas break pa. Wala talagang permanente sa mundong 'to. Parang love. Nu'ng una masaya ka pa sa piling ng iba tapos ngayon mag-isa ka na naman. Hahahaha. Chos.
Papalabas na 'ko ng room. Grabe. 6PM na pala. Ito lagi ang pinaka-late na out ko. Hindi ko nasabihan si Tisoy. Nakakahiya naman kung naghintay siya. Sana kakarating niya pa lang or on the way pa lang siya. Hindi ko kasi kabisado ang schedule niya.
"'Bye, girl," paalam ni Apple. Mukhang nagmamadali siya. "Bukas na lang ha? May date ako ngayon."
Natawa na lang ako. Lagi na lang kasing may date si Apple lately. Ang weird nga eh. Kung kelan malapit na ang graduation at lalayas na siya sa bansa ay 'tsaka naman siya nakipag-date.
"Go ahead," sagot ko. "Don't forget to prepare ha? May field tayo bukas."
"Sa'n daw ba tayo?" parang wala sa sariling tanong ni Apple.
Ngumuso ako. "'Di ka talaga nakikinig. Sinabi 'yon ni Sir Jonathan bago mag-Chirstmas break. Sa GMA tayo bukas. Then next week sa Tarlac tayo maa-assign."
"Hay ano ba 'yan. Mapapagod ako nang husto," maktol ng kaibigan ko. "Oh siya. Sige na. Una na 'ko ha?"
Lumabas na ng room si Apple. Inayos ko naman ang mga gamit ko at pagkatapos, lumabas na rin ako. Sinimulan ko nang maglakad papuntang gate 1. Du'n kasi naghihintay si Tisoy.
Hays. Sobrang alaga talaga 'yung ibinibigay ni Tisoy sa 'kin. Sa saglit pa lang na panliligaw niya, nahaplos niya na ka'gad 'yung puso ko. Iba na nga yata 'tong nararamdaman ko sa kanya.
Ewan.
Siguro, mahal ko na yata si Tisoy.
Ah ewan!
Ganito na kasi 'yung nararamdaman ko. Gusto ko lagi ko na siyang kasama. Gusto ko lagi ko siyang nakikita at nakakausap. Sa paggising ko, mukha ni Tisoy 'yung unang naiisip ko. Kapag natutulog ako, siya pa rin ang maaalala ko. Hanggang sa panaginip, si Tisoy na rin ang nakikita ko. Grabe nga eh! The last time I felt this was almost two years ago. Nu'ng na-in love ako kay Bren.
Pero mas matindi 'to eh. Para na 'kong naaadik kay Tisoy. There were times na kapag alam kong may date kami kinabukasan o kaya ay dadalaw siya sa bahay ay hindi na 'ko nakakatulog. Minsan kahit hatinggabi, tatayo ako para tumingin kung ano ba'ng magandang isuot.
May mga cases din na sumasakit na 'yung puso ko sa sobrang sayang nararamdaman ko. Ewan ko ba. Ang weird na talaga ng nangyayari sa 'kin.
Pero teka.
Ba't parang ang daming may hawak na balloons? Birthday ba ng isa sa mga dean? O baka 'yung may-ari ng university. Ang weird. Lahat yata ng students may nakataling lobo sa bag nila or sa braso nila. 'Yung iba, napapatingin pa sa 'kin.
Teka.
Dahil ba wala akong hawak na balloon? Ganern?
Patay-malisya akong tumuloy sa paglalakad sa pathwalk. Whatever. 'Di ko alam kung anong peg ng mga students ngayon pero 'di ko na sila papatulan.
Forever na sana akong walang pake kung hindi ko lang napansin 'yung mga kasunod na balloons na nakita ko.
Hey!
Bakit may mga picture ko 'yung ibang balloon?!
Nanlalaki na 'yung mga mata ko. Hindi ko alam kung ano 'yung mga nakikita ko. Binilisan ko na lang 'yung paglalakad ko. Nagulat na lang ako nang mapadaan ako sa school bulletin. May isang malaking tarpaulin na nakalagay doon at may nakalagay na, "I love you, Meng." With matching pictures pa!
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)