Chapter 3.2

691 31 3
                                    

-----'s POV

KATATAPOS LANG ng klase ko. Meron pa ulit akong next subject after ng four hours break. Medyo masama yata ang pakiramdam ko simula pa kaninang umaga dahil napuyat ako nitong nagdaang gabi. That was because of reviewing for today's recitation for my major subject. This is my last year as a student. Kapag naka-graduate na 'ko, papasok na kaagad ako sa kompanyang pinamumunuan ni daddy. And I actually hate it, pero wala naman akong magagawa dahil ako ang panganay. I am his successor. I don't want to disappoint him.

Naglakad na 'ko sa hallway. I'm hungry. I had to skip breakfast because I'm already late. Damn those recitations.

"Bro!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. It was from my best buddy and my former classmate, Sam. Same course kami dati but he chose to shift from CE to Fine Arts dahil iyon daw talaga ang hilig niya. Pinayagan naman siya ng parents niya kaya hindi siya nagkaroon ng problema.

Such a lucky bastard.

Tinapik niya 'ko sa braso nang makalapit siya.

"Oh, ba't napadpad ka rito sa bulding ng C.E. Don't tell me gusto mo na ulit mag-shift?" biro ko kahit pa alam kong pumunta talaga siya rito para daanan ako.

"Gago," sagot ni Sam. "I was actually looking for you since nine in the morning. Hindi mo naman kasi sa 'kin sinabi na may klase ka ngayon."

"Bakit p're, mangungutang ka?" biro ko na naman. Baka hindi niyo naitatanong, anak lang naman ng senador si Sam at galing sa mayamang angkan.

Pabiro niya 'kong hinampas ng dala niyang binder. "My sister will be having her first exhibit next Tuesday. Pumunta ka. That's my sister's precious request. Bawal tumanggi."

Kumunot ang noo ko. Her elder sister always wanted to see him. Kung bakit ay parang nararamdaman ko na. "Bro, kelan ba 'ko titigilan niyang kapatid mo? I have the same age as yours. Kapatid niya na 'ko. Ang tindi naman ng ate mo."

Sam laughed. Napailing naman ako. Magkasabay kaming naglalakad patungong canteen. Meron kasi kaming kainan na binabalik-balikan. Kahit medyo mainit at masikip lang 'yung space dahil hindi 'yon airconditioned room, mapaparami ka naman ng kain dahil sa sobrang sarap ng mga niluluto nilang ulam. Once in a while, binibigyan ko pa ng tip iyong nagsi-serve sa 'min dahil talagang masasarap ang mga pagkaing natitikman namin.

"Alam mo, pare?" basag ni Sam sa saglit na katahimikan naming kaibigan habang naglalakad na parang nasa buwan. "Kung ako kasi sa 'yo, mag-girlfriend ka na ulit. Hindi mo ba nami-miss 'yung may kasabay ka sa kotse mo, may binibilhan ka ng flowers, may ihinahatid ka pauwi?"

"Hindi ko gusto ng pamukpok sa ulo," sagot ko naman kahit medyo na-imagine ko 'yung mga sinabi niya.

"'Sus! Hindi naman laging ang mga babae ang sakit sa ulo. Sa totoo lang, tayong mga lalaki nga ang nakakasakit sa feelings nila."

Natahimik ako sa sinabi ni Sam. Bigla ko kasing naalala 'yung babaeng binigyan ko ng payong at panyo two days ago. That woman was out of her mind.

Nagda-drive na 'ko pauwi pagkatapos kong dumaan sa mall nang makita ko siyang naglalakad na parang may hinahanap. I secretly followed her and saw her ran as the rain poured. She was crying and shievering like hell. I got out of my car to offer her my umbrella. Pero habang palapit ako nang palapit ay parang mas nagiging pamilyar ang mukha niya.

And then I realized that she was the lady I saw last time. Siya 'yung kinaladkad ng boyfriend niya. She was also the woman whom I've met the eyes accidentally inside the mall.

Napaisip tuloy ako habang papalapit ako sa kanya. I think she had an argument again with his guy. Hindi naman ako nangingialam. Nagtataka lang ako kung bakit may isang magandang babaeng basang-basa ang tumatakbo na parang tanga at wala man lang kasama?

I think that woman has a great problem.

Siguro, nag-break sila o nag-away ng boyfriend niya.

"Hey, what are thinking?" pagputol ni Sam sa pag-iisip ko. "Kanina pa 'ko dumadaldal dito. Siguro may iniisip kang babae 'no?" Siniko pa 'ko ng kaibigan ko para lang ma-feel ang panunudyo niya sa 'kin.

"W-Wala ah!" defensive ko namang sagot. Mahirap na. Baka kung ano na namang isipin nitong mokong na 'to. Everytime I'm talking about a girl, he always get suspicious. Hindi kasi naniniwala si Sam na wala raw akong nagugustuhan sa mga girls na nagpaparamdam sa 'kin.

"Meron eh!"

Napapalatak na lang ako. "Bahala ka sa buhay mo," sabi ko bago ako nagpatiuna sa paglalakad.







[A/N: Mag-a-update po ako after two days. Abang-abang lang. Sana magustuhan niyo. Kasalukuyan kong ibinubuhos ang lahat ng emosyon at pagmamahal ko para sa istoryang ito. God bless you, guys!]

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon