Tisoy's POV
Magkatabi kaming nakaupo sa isang wooden bench habang tahimik na pinagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw at ang kulay dugong kalangitan. Nakadantay sa balikat ko ang ulo niya habang ako naman ay nakaakbay at hawak ang mga kamay niya. Kahit medyo nag-aalala ako dahil nanlalamig iyon ay pinilit niya pa ring magpahinga kami nang magkasama.
We were at our resthouse here at Tagaytay. Dito ko siya naisipang unang dalhin dahil gusto kong makita n'ya ang ganda ng lugar. Maine was always telling me that her heart couldn't afford to travel. Her parents were always saying "no" para na rin sa kaligtasan niya. She was always been as fragile as a glass figurine.
It had been three weeks. Almost a month already. Gano'n ko na katagal narinig mula sa doktor ang lahat. Mag-iisang buwan na mula nang taningan ng isang tao ang kapwa niya tao. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit ang tulad pa ni Maine?
My life wasn't perfect. Minsan sa buhay ko ay muntik na ring mawala ang mga negosyo namin. Minsan sa buhay ko ay nakita ko ring mag-away ang mga magulang ko. Alam kong ginawa ng Diyos na patas ang lahat kaya naman tinatanggap ko 'yon nang buong puso.
Pero bakit sa pagkakataong 'to, gusto kong mag-complain?
Maine deserves to live longer. Isa siyang mabuting anak. Isang mabuting babae. Marami pa 'kong pangarap na gusto kong matupad nang kasama siya. Bakit ganito? Hindi pa kami umaabot ng isang taon ay kailangan na niyang sapitin 'to. She was slowly dying. Death was slowly invading her weak body.
Sa mga librong nabasa ko, madalas ay nagkakatuluyan ang mga bida. Kaming dalawa ni Maine ang bida sa sarili naming story. Hindi ba't deserve din namin ang magkaroon ng masayang ending?
"Ilang anak ang gusto mo?" Maine asked out of the blue.
Mula sa kawalan ay ibinaling ko ang mga mata ko sa kanya. Nakatingin siya sa 'kin at nakangiti na para bang nagpaplano kami ng isang magandang bukas.
Napangiti na lang din ako. "Lima."
"Ang dami naman."
I slowly caressed her hair. "Mas marami, mas masaya. Gusto ko, maraming mag-alaga sa 'tin kapag tumanda tayo."
Na sana matupad pa natin, gustong idugtong ng isip ko.
"Gusto ko, babae lahat," she said in a weak and cracky voice. I was touched when I still heard an enthusiasm in between her words. She was a fighter. Kaya niyang takpan ang katotohanan para lang mabuhay nang normal.
Natawa ako. Mas hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya. "Ang daya mo naman. Gusto ko may lalaki. Walang magmamana sa kagwapuhan ko kapag naging babae lahat."
"Sige na nga. One boy and four girls," hirit pa niya.
"Okay, sige na. Kahit ilan at kahit anong gusto mo. Gano'n kita kamahal." I then planted a sweet kiss on her forehead.
She hugged me back and kissed my jawline. "Ikaw 'yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko."
I was like an a paper that is so thin when I heard her. Imbis na matuwa ay nasaktan ako. Si Maine din ang pinakamagandang panaginip ko. Si Maine ang nagpakulay ng bawat oras at araw. Pero ngayon, unti-unti na 'kong ginigising ng realidad. Unti-unti nang kinukuha sa 'kin nang pagkakataon ang babaeng mahal ko.
Kinintalan ko ng halik ang nanunuyo at maputla niyang mga labi. "Magpapagaling ka ha? Marami pa tayong gagawin nang magkasama."
"Oo naman," she said with great assurance, kahit na alam niyang alam ko na wala na talagang pag-asa pa.
Halos hindi na siya gumagalaw mula sa pagkakayakap sa 'kin. Unti-unting nalalagas ang buhok niya at wala nang kulay ang mga labi niya. Nanlalamig na rin ang mga kamay niya at lagi siyang nahugot ng malalim na hininga.
Ang sabi ng doktor ay epekto iyon ng imabalnce na body system ni Maine. Dahil halos hindi na tumitibok ang puso niya ay hindi na rin nakakapag-produce ng dugo ang katawan niya. Hindi na rin nabubuhay ang mga body cells niya.
The explanation was too complicated to tell. Pero ang malinaw lang sa 'kin ay ang huling sinabi ng doktor.
"Anumang oras ay bibigay na ang puso niya."
I thought I was stabbed a zillion times when I heard the doctor's words. Nakita ko kung pa'no tumulo ang luha ng mga magulang ni Maine. At nakita ko rin kung paano gumuho ang lahat ng mga pangarap namin na kasama siya.
Hindi ko kayang mabuhay nang wala siya. Hindi Pasko ang Pasko, hindi Valentine's Day ang Valentine's Day, at hindi matatawag na birthday ang birthday ko kung wala si Maine.
Dahil sa nakikita ko, marami akong naiisip na pwedeng mangyari at pwede kong gawin. Pero hindi ko alam kung alin ba ang mas tama. Natatakot din akong lumayo at iwan siya, dahil alam kong ako na lang din at ang pamilya niya ang meron siya.
Siguro nga kailangan kong gawin kung ano ang dapat. Ang totoong nagmamahal, handang gawin ang kahit ano. Ang totoong nagmamahal, mas iniisip ang ikabubuti ng minamahal niya kesa sa sarili niya.
Si Maine lang ang mahalaga sa 'kin. Hindi ko kayang makita siyang nahihirapan. Hindi ko kayang makita na para siyang isang bulaklak na unti-unting nalalanta at nauubos ang ganda. Hindi iyon ang pinapangarap ng lahat para sa kanya.
Mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para sa kanya.
"Mahal na mahal kita, Maine," I said before I kissed her fully on the lips.
{[
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)