Chapter 11.3

387 19 2
                                    

Maine's POV

NAGLALAKAD AKO ngayon papunta sa Aristocrat.

Hindi ko naisip na magagawa pang tumawag sa 'kin ni Bren pagkatapos niya 'kong iwan almost three months ago. Gusto niya raw makipagkita. May sasabihin daw siya. Hindi ako nag-a-assume pero hindi ko maiwasang isipin ang mga posibleng dahilan ng pakikipagkita niya.

Iniwan ko muna si Tisoy saglit. I know that's rude pero mas rude naman yata kung ihaharap ko ang manliligaw ko sa ex-boyfriend ko. I'm not that stupid bitch who would want to see her men fight because of her.

Nang makarating ako sa Aristo, nakita ko ka'gad si Bren na nakaupo sa isa sa mga table. Medyo na-bitter ako nang maisip kong nando'n siya agad. Samantalang nu'ng kami pa, lagi niya 'kong pinaghihintay na para bang siya ang babae sa 'ming dalawa.

Pumasok ako sa loob at umupo sa harap niya. Medyo nagulat pa siya nang makita niyang naroon na pala ako. He stared at me as if he missed me so much. Oh how I wish na gano'n nga.

"Maine," pagtawag niya sa pangalan ko.

"Anong kailangan mo? Ba't gusto mong makipagkita?" diretsahan kong tanong. Pinilit kong 'wag magpakita ng kahit anong emosyon sa harap niya kahit talagang naiinis ako sa pagmumukha niya.

I couldn't believe na kinaiinisan ko na ngayon ang mukhang 'yon. Ang mukhang lagi kong inaalala bago ako matulog at iniisip sa tuwing gumigising ako sa umaga. Dati, si Bren ang pinakaguwapong nilalang para sa 'kin. Ngayong kaharap ko siya ulit, para 'kong nauumay.

"Uhm, ano'ng gusto mong order-in?" he asked instead of answering my questions.

Umiling ako. "Wala. Kakain kami ni Tisoy mamaya. Hinihintay niya 'ko sa SB ngayon."

"Tisoy? Siya ba 'yung... 'yung lalaking lagi mong kasama lately?" Medyo nabahiran ng lungkot ang mukha ni Bren. "Kayo na ba?"

"Hindi," I simply answered.

Napatangu-tango si Bren. I don't know what was with him during that moment pero para siyang kinakabahan na ewan.

"Ano ba'ng pag-uusapan natin, Bren?" tanong ko ulit kasabay ng pagdiin sa pangalan niya. Gusto kong maramdaman niyang hindi na siya ang lalaking iniikutan ng mundo ko.

"Kasi Maine..." He sighed out loud. "I still... I still love you."

Nagulat ako sa sinabing 'yon ni Bren. Napaawang ang labi ko. I coudn't say a single word.

Nagpatuloy siya. "Akala ko, sasaya ako kay Tiffany. But she's a lot different. She's unfaithful. Napatunayan ko 'yon sa tatlong buwan naming relasyon. I can't bear with her tantrums. She's not like you."

"And then?" medyo mataray kong tanong. Gusto ko pa siyang magsalita. Gusto ko pang marinig kay Bren kung gaano siya nagsisi dahil iniwan niya ko.

"I broke up with her," ani Bren. "Na-realize kong ikaw pa rin ang babaeng kailangan ko. Na-realize ko na ang swerte ko sa 'yo."

I stared at him with a blank expression. Nakatitig naman siya sa 'kin na para bang sising-sisi siya sa mga pinaggagagawa niya sa 'kin noon.

"Tayo na lang ulit, Babe," Bren uttered after the undisputed silence between the two of us.

Babe? He's calling me "babe" again? Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Naghalo-halo na 'yung emosyon ko. Akala ko ba 'yung babaeng 'yon 'yung type niya? Bakit ginugulo niya na naman ako?

"Babe?" pagtawag niya ulit sa 'kin before he held my hand.

"No, thanks," iyon lang ang nasabi ko bago ko binawi ang kamay ko. Tumayo ako at nag-walk out palabas ng Aristo. Paglabas ko naman, natigilan ako nang makita kong nakatayo sa harap ng Aristocrat si Tisoy.

Titig na titig siya sa 'kin. Para siyang na-overwhelmed na ewan. Siguro ay nakita niya 'yung eksena namin ni Bren kani-kanina lang. Ngumiti ako. Ngumiti rin siya.

Hindi ko na gugustuhing bumalik pa si Bren sa buhay ko. Totoong nanghihinayang pa rin ako sa mga araw na minahal ko siya, pero wala akong makitang magandang memory na kasama ko siya. Hindi deserve ni Bren ang pagmamahal ko. Kung talagang mahal niya 'ko, hindi niya dapat ako iniwan. Hindi niya dapat ako itrinatong parang puppet niya.

"Mas gusto ko pang makasama kang maglaro ng Tekken kesa makipagbolahan ulit sa kanya," nakangiti kong sabi kay Tisoy. "Tara na?"

"I thought you'd say yes to him again," masayang sabi ni Tisoy. "'Buti na lang."

Bago kami tuluyang umalis ay sabay pa kaming lumingon sa kinauupuan ni Bren. Walang kibo siyang nakatingin sa 'ming dalawa. Tiningnan ko na lang si Tisoy ulit bago ako naunang tumalikod. Sumunod naman sa 'kin si Tisoy.

"Meng?"

"Hmm?"

"Salamat."

Napalingon ako kay Tisoy. Then I gave out my sweetest smile. "Patunayan mong tama 'yung desisyon ko ha?"

~n


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon