Chapter 6.4

508 27 0
                                    

Maine's POV

NANDITO KAMI ngayon ni... uggh... ni Tisoy sa kwarto ko. Nakahiga ako at siya naman ay nakaupo sa may gilid ko. Katatapos lang naming mag-dinner. Hindi ko naman siya gustong makasabay dahil nahihiya ako pero hindi naman ako walang-modong babae na sasabihan siya nang gano'n.

Actually, nagulat talaga ako sa kanya kanina. Hindi ko akalain na pupunta siya sa bahay. Come to think of it. Isang beses pa lang naman niya ako ihinatid sa bahay pero natandaan niya pa ang way papunta rito sa 'min.

Medyo nawindang din ako nang kailangan ko siyang ipakilala kay Tita Claudine at Lissa. Hindi ko naman alam ang pangalan niya so nag-base na lang ako sa skin complexion niya. Mas safe na 'yon kasi pa'no na lang kapag sinabi niya na sa 'kin ang totoong pangalan niya at malayo 'yun sa pangalang inimbento ko? Ayoko naman nang gano'n.

Wow ha. May pag-isip talaga sa future, bulong naman ng makulit na side ng isip ko.

Oh well, na-touch naman ako sa pagbisita ni Tisoy. Aside from Apple, siya lang ang kaibigan ko na nagkaroon ng time na bisitahin ako. Hehehe. Siguro nga ay friends na talaga kaming dalawa.

"Uhm," basag ko sa katahimikan. "Thank you sa pagdalaw ha? Salamat din sa paghatid sa 'kin sa kwarto and sa pagsabay sa 'king mag-dinner."

He smiled at me, na paborito niya yatang gawin. Hilig niya bang ipagmalaki sa lahat ang cute niyang dimple sa left cheek?

"Wala 'yon. I'm glad you're fine," sagot naman niya. Inayos niya pa ang pagkakaayos ng kumot ko. Medyo akward nga eh. "Nasa'n nga pala ang parents mo? Bakit parang ang tahimik ng bahay niyo?"

"Ah. Nasa Korea sila ngayon. Pero four months from now, uuwi na sila," sagot ko naman. "Si Manang Rose at Ate Celly lang ang kasama ko and 'yung guard na si Kuya Eddie. Naka-off siya ngayon so hindi mo siya d'yan nakita sa labas."

He nodded. "I see. Eh, 'yung mga medals at trophies do'n, lahat ba 'yun, sa 'yo?"

Natawa ako. "Ah, yes. Mga nakuha ko since elementary, high school, and ngayong mga activities sa college. Ang wierd nga ni mommy eh. She's always telling me to put those at the living room, para raw maipagmalaki niya lagi sa mga bisita."

"'Buti ka nga, may mga ganyan," Tisoy replied. Yes. Paninindigan ko na 'yung pagtawag sa kanya ng Tisoy. "'Yung kapatid kong babae, she hates to see my awards or whatsoever, kasi wala siyang gano'n kahit isa. Nu'ng mga bata nga kami, itinatago niya ang mga medals ko para walang makita ang mga employees or business partners ni daddy eh."

Nagkatawanan kaming pareho sa ikinuwento niya. Hindi nga lang ako makatawa nang malakas kasi para akong mapipigtalan ng hininga.

"'Nga pala, taga-LPU ka 'di ba?" tanong ko naman.

"Oo. Pa'no mo nalaman?" amazed na balik-tanong niya.

"Uhm, kasi nakita ko 'yung uniform mo nu'ng minsang magkatitigan tayo nang hindi sinasadya du'n sa mall," I explained. Baka naman kasi sabihin niya, ini-stalk ko siya. Mahirap na.

"Gano'n ba," convinced naman niyang tugon. "And you're from De La Salle University, right?"

Ngumiti ako. "Obvious naman siguro sa uniform ko."

Natawa na naman kaming dalawa. Ewan ko ba. Para kaming naka-shabu. Sobrang dense ng topic namin pero natatawa na kami ka'gad. Siguro gano'n talaga 'yung feeling kapag hindi pa masyadong close.

"You play guitar?" he asked after he stood up and get my guitar at the corner of my room.

"Minsan. Pero mas madalas akong tumugtog ng flute," sagot ko naman habang sinusundan ko siya ng tingin.

Nagbalik siya sa puwesto niya, dala ang gitara ko. Walang pasabing tumugtog siya. Sa una ay plucking and then nag-strum siya. Kahit medyo mabilis ang tipa niya ay hindi naman masakit sa ulo ang tinutugtog niya. In fact, hearing that sound makes me feel a little bit better.

Hey girl you know you drive me crazy...

Intro pa lang ay alam ko na 'yung kinakanta niya. "Face Down" by The Red Jumpsuit Apparatus. Medyo matagal na 'yung kanta pero alam na alam ko 'yon.

At sa totoo lang? Ang ganda pala ng boses nitong si Tisoy. Ang lakas maka-senti, samahan pa ng lyrics nu'ng kanta.

Do you feel like a man, when you push her around?

Do you feel better now when she falls to the ground?

Well I tell you my friend, one day this world's gonna end

As your lie scrumble down, new life she has found

After chorus ay itinigil niya na ang pagkanta.

"Sorry. I forgot. Nakakaabala ba 'yung paggigitara ko sa pagpapahinga mo?" worried niyang tanong.

Ngumiti ako at marahang umiling. "No. Somehow, it actually makes me feel better."

He smiled back at me. "Then close your eyes and take your rest. Hihintayin kong makatulog ka."

He then began to pluck the strings again. Slower than the first song. Sinunod ko naman ang sinabi niya. I closed my eyes. Pagod na pagod din kasi ako. Gusto ko nang ipahinga ang katawan ko na masyado nang nabugbog nitong mga nagdaang araw.

When your legs don't work like they used to before...

Alam ko rin 'yung kantang 'yon. "Thinking Out Loud" yata ang title no'n by Ed Sheeran. Lagi ko 'yung naririnig.

Hays. Bakit nararanasan ko 'to sa ibang lalaki? I mean, alam ko namang walang malisya 'to kay Tisoy. I know he's just concerned about me and nothing more, nothing less. But what hurts more is that, Tisoy sings for me, but Bren never did.

Napabuga na lang ako ng hangin. Maya-maya, tuluyan na 'kong hinila ng antok.


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon