Tisoy's POV
9AM. DECEMBER 31. Wala sana akong balak lumabas ng bahay. Pero naisip kong dalawin muna si Maine. Hindi na kasi kami magkikita later dahil busy na kami para sa Media Noche.
On the way na 'ko ngayon papunta sa mansyon ng mga Martinez. Hindi ko na muna tinext at tinawagan si Maine. Gusto kong ma-surprise siya. These past days ay puro gano'n ang ginagawa ko sa kanya. Naa-appreciate niya naman ang lahat ng 'yon.
I faced the passenger's seat. Napangiti ako nang masulyapan ko 'yung roses at teddy bear na binili ko for Maine. I was so excited. Hindi ko rin naman alam kung bakit.
I was so blessed that even Maine's parents were very fond of me. Bukod kasi sa lagi nila akong sinasabihang dumalaw sa kanila, wala ring pagkakataong hindi nila 'ko pinayagang isama si Maine.
Mabilis lang akong nakapag-drive hanggang sa makarating ako sa entrance ng village nila. Even the security guard smiled at me. Kilala niya na 'ko. Lagi kasi akong napunta doon. It all started five months ago nang ihatid ko si Maine. Magmula no'n, napapadalas na 'ko sa billage nila.
I smiled. I couldn't believe what's happening in me. Napapailing na lang ako kung minsan habang nakangiti kahit mag-isa ako. Parang drugs si Maine na sobrang nakakaadik. Kahit ang pagbabasa ng libro ay halos makalimutan ko na dahil sa kanya. Actually, puro mga non-fiction Filipino books ang sinusulat ko. Puro about sa love. Ewan ko nga eh. Minsan natatawa na lang sa 'kin ang bestfriend kong si Sam kapag nasa school kami. Nakikita niya kasi na iba na raw ang taste ko sa libro. I told him about Maine. At pagkatapos no'n, hindi niya na 'ko tinigilan sa pang-aasar. Hahaha! That bastard.
Hindi na nawala 'yung ngiti sa mga labi ko hanggang sa makahinto ako sa harap ng mansyon nina Maine. Mas lalo akong ginanahan nang makita ko si Mr. Martinez na nasa harap ng malawak na gate at sumisilip-silip sa mga halamang nasa paligid ng mansyon. Maine's father is like my dad. Hindi ito puro trabaho lang. Meron pa rin talaga itong panahon para mag-relax.
I turned off the engine of my car. Pagkatapos ay umibis na 'ko sa sasakyan. Dala-dala ko 'yung simple gift ko para kay Maine. Mabilis naman akong napansin ni Mr. Martinez nang maglakad ako palapit sa kanya.
"Oh, hijo," nakangiting bati ng matanda nang tuluyan akong makabati sa kanya.
Nag-mano muna ako before I asked about his daughter. "Good morning po, Tito. Nand'yan po ba si Maine?"
Napatingin sa mga dala ko si Mr. Martinez. And then he flashed a bigger smile. "Talagang seryoso ka sa anak ko. Nasa loob siya. Dumiretso ka na. You're always welcome inside."
"Thank you, Tito," I answered. Tumango ako at nagpaalam nang papasok sa gate. Hindi rin mawala-wala 'yung smile. Nakaka-goodvibes lalo si Mr. Martinez.
"Wait, Richard," pahabol ni Tito.
Mabilis akong huminto at lumingon. "Yes po?"
He smiled at me again. Pero parang medyo nabahiran ng lungkot 'yung aura niya. "Please take care of my daughter. 'Wag mo sana siyang sasaktan."
"Makakaasa po kayo," sagot ko naman with great assurance.
Tumango na lang si Mr. Martinez at sinenyasan na 'kong pumasok sa loob. Nadaanan ko pa 'yung guard nila at ngumiti siya sa 'kin. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa pinto ng living room. Walang tao. Wala ring katulong na nag-accomodate sa 'kin.
Where's Mrs. Martinez? Siguro ay kasama nito ang mga katulong na mag-grocery. Iyon ang nasa isip ko dahil gano'n din ang kasalukuyang ginagawa ni mommy sa mga pras na 'to.
"Meng?" I uttered.
Silence.
"Meng?" I uttered again in a louder voice.
Wala pa rin.
I looked around. Tahimik talaga 'yung buong bahay. Walang tao. Nag-echo pa nga 'yung boses ko. Naisip ko na lang na umakyat sa second floor para katukin si Maine sa kwarto niya. Baka kasi tulog pa siya.
Habang paakyat ako ay unti-unti akong nakarinig ng pamilyar na boses ng babaeng kumakanta. Teka, si Meng ba 'yon?
Nang makarating ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Maine ay natigilan ako. Medyo nakabukas 'yung pinto. I didn't mean to see what she was doing at the moment. Pero hindi ko maiwasang sumilip at panoorin siya.
Hindi ko na gusto 'yung nakikita ng mga mata ko pero hindi ako makaalis.
Nag-e-enjoy akong panoorin siya.
Lord, sorry po.
Oh no.
'Di ko na mapigilan ang sarili ko sa nakikita kong ginagawa niya.
It's Myx Moscato, It's frizz in the bottle
It's Nicki full throttle, It's oh oh
Swimming in the grotto, we winning in the lotto
We dippin' in a pot of blue foam, so
Kitten so good, it's dripping on wood
Get a ride in the engine that could go
Batman robbin' it, Bang bang cockin' it
Queen Nicki dominant, prominent
It's me, Jessie and Ari
If they test me, they sorry
Ride us up like a Harley then pull of in this ferrari
If he hanging we banging
Phone ranging, he slanging
It ain't karaoke night but get the mic coz I'm singing
B to the A to the N to the G to the uh
B to the A to the N to the G to the hey...
See anybody could be good to you, you need a bad girl to blow your mind, your mind~~~
I clapped my hands after her almost-VMA Award's Night performance. Nakaharap pa siya sa salamin, hawak-hawak ang hair brush niya na nagsisilbing microphone niya sa "concert" niya. Seriously? Umagang-umaga ay 'yon ang ginagawa niya? Singing "Bang Bang" with no effort at all? Cool. Hahahahaha.
Pinipigilan kong tumawa pero hindi kinaya. Napahalakhak ako habang gulat na gulat naman si Maine. Nabitawan niya pa 'yung hawak niyang hair brush.
"You never told me about your Hollywood career," nang-aasar ko pang dagdag. "Anyway, good morning."
"T-Tisoy... Ano'ng ginagawa mo rito?!" exaggerated niyang tanong bago nagmamadaling lumapit sa pinto ng kwarto niya kung saan ako nakatayo.
"Gusto ko lang ibigay 'to sa 'yo," I said before I lifted my hands with roses and pink paper bag.
Napangiti si Maine bago tinanggap 'yung mga regalo ko. "Thanks." Inamoy-amoy niya pa 'yung bulaklak. Deep inside, I was relieved to see how she likes my gifts.
But instead of staring at her like an idiot, naisip kong ibalik na lang ang pang-aasar sa kanya. Tutal lalo niyang pinasaya ang umaga ko.
"Now back to your singing career," nakapamulsa kong sabi. I tried my best to keep myself serious. "Kelan pa 'yan?"
Instead na sagutin ay inilagay ni Maine 'yung mga regalo ko sa kama niya at saka hinampas 'yung braso ko. "Ang yabang mo!" she exclaimed bago kami nagbugbugan at nagharutan na umalingawngaw sa yata sa buong mansyon.
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)