Monday.
NANDITO na 'ko ngayon sa mall para hintayin si Bren. 2pm ang usapan namin dahil hanggang 12nn lang ang klase ko kanina at hanggang 1:30pm lang ang klase niya. Pero 3pm na. Wala pa rin siya. Nag-aalala na ako. Hindi kaya kung ano nang nagyari sa kanya?
Kinuha ko sa bag ang phone ko at sinubukang tawagan siya. Unattended. Sinubukan ko ulit. Unattended pa rin. Pakiramdam ko tuloy may hindi magandang nangyari.
Nandito ulit ako sa meeting place namin sa harap ng Tom's World. Medyo kaunti pa 'yung tao dahil maaga pa. Usually kasi, 4pm o 5pm bumubuhos ang mga estudyante sa mall na 'to. Hindi masyadong maraming nakaupo dito sa public seats.
Hindi na 'ko sumama sa bahay ng classmate namin dahil gusto ko na kaagad makita si Bren. Miss ko na siya. Hindi kasi kami nagkita nitong weekend dahil may importante siyang inasikaso.
Ilang meters lang siguro ang layo ng inuupuan ko sa east part entrance ng mall. Kita ko kung sino ang mga napasok at nalabas kaya naman todo-bantay ako dahil baka makita ko na si Bren.
Habang nag-aabang ako sa pagdating ni Bren, aksidente akong napatitig sa isang gwapo at matangkad na lalaking papasok sa mall. Sa uniform niya, ramdam ko na taga-Lyceum of the Philippines University siya. Pamilyar sa 'kin 'yung logo at uniform ng school na 'yon dahil marami akong kaibigan na doon napasok.
Nang makapasok ang lalaking 'yon sa mall ay naglakad siya papunta sa direction ko kaya hindi sinasadyang nagtama ang mga mata naming dalawa. Nagulat ako at parang nagulat din siya. Pero s'yempre, after three seconds ay yumuko na agad ako para putulin ang titigang iyon. Baka makita ako ni Bren at kung ano na lang ang isipin niya sa 'kin.
Naramdaman kong nakalagpas na ang lalaki sa harap ko kaya nag-angat na 'ko ng tingin at muling ibinaling ang paningin sa entrance ng mall. Napangiti naman ako nang makita kong naglalakad na papasok si Bren.
Nagmamadali akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya.
"Bakit ang tagal mo?" malambing kong sabi bago ko hinalikan ang pisngi niya. "Kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Nag-copy kasi ako ng program kaya natagalan ako," sagot ni Bren habang naglalakad kaming dalawa.
"Hindi ka pa nagmimiryenda? 'Lika kain muna tayo. Gusto mo sa SB? Treat ko naman ngayon," nakangiti at malambing kong tanong habang nakakapit ako sa braso niya.
"Ayoko. Umuwi na lang tayo. Pagod ako," he answered instead.
Nalukot ang mukha ko at napatigil sa paglalakad. Pati si Bren ay napatigil din. "Bakit naman? Maaga pa naman, Babe. Ayaw mo ba? Saan mo ba gustong kumain?"
"Ayoko nga." Nagpatuloy na ulit sa paglalakad si Bren kaya nagmamadali akong sumunod. Naglakad na kami palabas ng mall.
"Pero, Babe," pangangatwiran ko bago ako kumapit ulit sa braso niya. Tuluyan na kaming nakalabas ng mall at naglalakad na sa pathwalk. "Hindi ka pa nakain. Halika na. Kain na muna tayo."
Nagulat ako nang biglang pinalis ni Bren ang kamay ko kasabay ng pagtaas ng boses niya. "Sinabi ko nang ayoko! Ba't ba ang kulit mo?!"
"S-Sorry..." nahihintakutan kong sabi.
"Ewan ko sa 'yo. Ang kulit-kulit mo. Bahala ka na nga sa buhay mo!" singhal ni Bren bago siya tumalikod at mabilis na naglakad palayo.
Hindi ko napigilan ang mga luha ko sa ginawang iyon ni Bren. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng pathwalk. May mangilan-ngilang estudyante at mga nagdaraan na napapatingin sa 'kin pero hindi ko iyon alintana. Basta ang alam ko, nakakaiyak na makitang naglalakad na naman siya sa 'kin palayo gaya ng lagi niyang ginagawa.
Ano bang naging pagkukulang ko? Ginagawa ko ang lahat ng makakapagpasaya sa kanya. Sinusunod ko ang bawat utos niya. Nagpapakumbaba ako tuwing nagtatalo kaming dalawa. Ibinibigay ko ang lahat, pati 'yung katawan ko tuwing kailangan niya. Lahat. Lahat-lahat.
Pinahid ko ang mga luha ko at nagmamadali akong sumunod kay Bren. Masyado na siyang malayo. Mukhang papunta na siya sa sakayan ng jeepney. Makulimlim. Baka maabutan siya nang malakas na ulan. Hindi ko pa naman dinala ang kotse ko dahil sabi sa 'kin ni Bren, mas gusto niya kapag nagko-commute kaming dalawa. Wala na kasi siyang kotse. Binawi na sa kanya ng daddy niya dahil lagi na lang siyang gabi kung umuwi. Hindi ko alam kung saan siya napunta, pero sa tingin ko naman ay kasama niya lang ang mga kaibigan niya para maki-hang out sa bahay ng classmates nila.
Nagmamadali akong maglakad. Pero hindi ko na nasundan si Bren. Bigla na lang siyang naglaho sa paningin ko. Sinubukan ko pang maglakad-lakad sa pathwalk sa gilid ng kalsada. Baka kasi makita ko pa si Bren. Dati kasi tumitigil 'yon sa kung saan-saan kapag napapagod na.
Pero wala talaga. Naglakad-lakad pa rin ako. Napadaan ako sa 7-eleven, nagbabakasakaling naroon siya. Kaso wala pa rin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Puro saradong commercial spaces na ang kasunod ng 7-eleven. Halos wala nang tao sa dinaraanan ko dahil bubuhos na ang malakas na ulan.
Nasa'n na kaya si Bren? Baka talagang nagalit siya nang sobra.
Hindi ko napigilang maiyak na naman. Mali ako. Dapat hindi ko siya kinulit. Dapat inintindi ko na lang si Bren. Nasa'n kaya siya ngayon? Wala siyang payong. Wala rin akong dala. Paano na lang kapag naabutan siya ng ulan?
I was walking slowly when the rain scattered its loneliness to the ground. Mabilis pa sa alas-quatro akong nabasa ng malakas na ulan. Napatakbo ako, pero wala akong makitang pwede kong silungan.
Oh no! 'Yung bag ko!
Takbo lang ako nang takbo hanggang makakita ako ng isang saradong kainan. Sumilong muna ko sa bubong niyon. Yumuko ako para tingnan ang sarili ko. Basang-basa ako. Mukha akong pulubi.
Tears fell from my eyes. Deserve ko nga ba ang ganito? Mahal na mahal ko si Bren. Para sa 'kin, siya na ang buhay ko. Ayokong mawala siya sa 'kin. Pero bakit lagi na lang akong nasasaktan? Bakit lagi akong nagkakamali?
Hindi ko na napansin na napahagulgol na lang ako. Ngayon ko lang na-realize na nahihirapan na pala ako. Hindi na pala biro 'tong nangyayari sa relasyon namin ni Bren. I think I'm too stupid for him. Hindi ko siya mapasaya gaya ng nararamdaman niya nu'ng mga unang buwan namin bilang mag-boyfriend at girlfriend.
Nakayuko ako at sinasabayan ang pagdadrama ng kalangitan nang maramdaman ko ang isang nilalang na papalapit sa gilid ko, sa left part. Mabilis akong nag-angat ng mukha sa pag-aakalang si Bren ang lumapit sa 'kin.
Pero mali ako.
'Yung lalaking nakatitigan ko kanina sa mall, siya 'yung lumapit sa 'kin. Nakapayong siyang lumapit sa 'kin.
Nakanganga akong napatitig sa kanya. Hindi naman dahil sa sobrang gwapo niya. Hindi ako naa-attract ng mga gwapo dahil sobrang faithful ako sa boyfriend ko. Nagulat lang ako kung bakit siya nando'n at lumapit sa 'kin samantalang hindi naman kami magkakilala.
Iniabot niya sa 'kin ang isang asul na panyo. Ilang segundo akong nakatitig sa bagay na 'yon. Ilang beses akong nag-alangan bago ko tinanggap ang panyo ng lalaking 'yon. May nakaburdang "A" sa bandang gilid ng panyo, innitial siguro ng first name niya. Pagkatapos ay isinara niya ang payong at iniwan sa tabi ko.
Nakatitig lang ako sa kanya, at seryoso rin siyang nakatitig sa 'kin. Bago siya tuluyang umalis, nagsalita siya. "Medyo tanga ka, alam mo ba 'yon?" Pagkatapos niyon ay tumalikod na siya at naglakad sa gitna ng ulan.
Tulalang pinanood ko ang lalaking 'yon hanggang sa makasakay siya sa kotse niya na naka-park sa gilid ng pathwalk, ten meters kung saan ako nakasilong. Noon ko lang napansin na pumarada pala iyon doon. Nu'ng dumaan kasi ako kanina, wala naman akong nakita.
Nang makaalis ang kotse ng "alien" na lumapit sa 'kin ay napatitig ulit ako sa panyong ibinigay niya. I didn't complain about the cold feeling during that time. Parang mas nananaig ang curiousity ko.
When I remembered what that guy have told me a while ago, tears began to run out of my eyes again.
Tanga... ako?
A0HDfsq
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)