Chapter 10.2

454 19 0
                                    

Tisoy's POV

"MILKY!"

Napalingon sa 'kin 'yung kapatid ko na noo'y dadaan lang sana sa kwarto ko. Siya talaga ang plano kong hanapin pero pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay sakto namang napadaan siya.

She gave me a "you're-really-calling-me-kuya?" look as she stopped in fotn of my room. She even pointed her face with her left index finger. That's her normal reaction kapag tinatawag ko siya. Bihira ko lang kasi siyang istorbohon—kapag kailangang-kailangan lang.

"Bakit?" parang ewang tanong ni Milky.

Hindi ko na muna sinagot ang tanong niya. Instead, I just pulled her inside my room. Pagkatapos, itinuro ko sa kanya 'yung mga damit na nakakalat sa kama ko.

"Bibihisan kita?" tanong na naman ng kapatid ko na parang natatapakan ang common sense niya. "Oh my god, you're such a lazy jerk, Kuya. Pati pagbibihis sa 'yo, seriously?"

"Baliw," sagot ko naman. "Tatanungin lang kita kung alin ba d'yan sa mga damit na 'yan ang magmumukha akong guwapo at presentable."

Namewang si Milky. And then she gave me a malicious smile. After three seconds ay napatili siya. "Oh em. Aakyat ka ng ligaw kuya?" tanong niya bago hinampas-hampas ang braso ko.

Pinitik ko 'yung kamay ng kapatid kong magaling. "Aray! Hoy Milk Annelyn Featherson. Tigilan mo nga 'ko. Hindi ako aakyat ng ligaw. I'll just be with Maine. Susundin namin sa airport 'yung parents niya from their business tour."

"Defensive ka ha," nakangisi pa ring sabi ni Milky bago niya ulit ako hinampas sa braso. "Teka, 'di ba 'yun 'yung lagi mong pinupuntahan? 'Yung special friend mo?" Ipinagdiinan niya pa 'yung last two words para asarin ako.

"Pumili ka na nga lang d'yan. Dali na. Minsan lang akong humingi ng tulong," I said as I pushed her closer to my bed.

"Eh," pag-iinarte niya. "Ayoko. Ipakita mo muna sa 'kin 'yung picture niya."

"Milky naman. Nagmamadali ako," I insisted.

"Kaya nga!" susog naman ng kapatid ko. "Ipapakita mo lang sa 'kin 'yung picture eh. Para alam ko rin kung ano'ng porma 'yung maganda para sa 'yo."

Napabuntong-hininga na lang ako bago ko kinuha 'yung phone ko na nakalapag lang din sa kama. Kahit kelan talaga, hindi ako tinigilan nitong kapatid ko sa sakit ng ulo. Hindi ko na kailangang mag-effort dahil lock screen wallpaper ko 'yung picture naming dalawa. Itinapat ko sa mukha ng kapatid ko 'yung cellphone ko.

She remained silent for about five seconds, and then she looked at me and smiled. "Good taste, Kuya."

"Now, ipili mo na 'ko ng damit para sa so-called panliligaw ko," naiiling pero natatawa kong sabi.


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon