Chapter 2.1

833 30 0
                                    

Maine's POV

"LISSA, may pang-phone call ka ba? Makikitawag sana 'ko," bungad ko sa pinsan ko nang makapasok ako sa bahay nila. Nadatnan ko siyang nanonood sa living room kaya sinamantala ko nang guluhin siya.

Tiningnan ako ni Lissa na para bang sinusuri niya kung ano na namang dahilan ko. "Hindi na naman nasagot ng tawag 'yung boyfriend mo 'no?" she said after analyzing my face.

Pabalagbag akong umupo sa sofa. "Nagmamadali ako, bakla. Dali na kasi. Baka hindi pa kumakain 'yon. Kanina pa kasi hindi nagti-text. Baka nakalimot na naman sa oras."

"Baka 'kamo wala lang talagang oras para sa 'yo," pang-aasar naman ng pinsan ko na nagpakirot agad sa puso ko. "I-break mo na nga 'yan! Akala mo hindi sa 'kin naikukwento ni Merjie ah. Sinasaktan at minumura ka pala nu'ng hayop na 'yon! Gusto mo bang ipatawag ko 'yung mga barkada ni Drake para maturuan 'yan ng leksyon?!"

Hinampas ko ang braso ni Lissa. Pagkatapos ay lumingon-lingon ako sa paligid. "Ano ka ba? Baka marinig ka nina Tita. Isa pa, tigilan mo nga 'yang kakaganyan mo Lissa. Para kang hindi edukadang babae."

She glared at me. "And so what do you think of that dumbass?" Pumalatak siya at kinuha ang remote na nakalagay sa coffee table. Pagkatapos niyang patayin ang TV ay hinarap niya 'ko. "Ate, you're higher than of what you think you are. Hiwalayan mo na 'yang lalaking 'yan. Alam mo naman na ayoko na talaga d'yan magmula nu'ng nakita ko kung pa'no ka nag-agaw-buhay sa sakit mo dahil sa sama ng ugali niyan."

Napabuntong-hininga na lang ako at napayuko. "Lissa, he's my everything. Kapag nawala pa siya sa 'kin, mamamatay na talaga 'ko. Mahal na mahal ko siya."

"My goodness," naiiling na sabi ni Lissa kasabay ng pagtaas ng dalawang kamay. "Hindi ko talaga alam kung anong gayuma ang ginamit sa 'yo ng lalaking 'yan. But I'm telling you, ate. Hindi pa siya 'yung para sa 'yo."

Nag-angat ako ng mukha at napatitig kay Lissa. Sa pagkakasabi niya no'n, pakiramdam ko talagang ramdam niyang hindi pa kami para sa isa't isa. Para bang lahat ng sinasabi niya sa 'kin ay warning para layuan ko na si Bren.

Matagal nang hindi boto si Lissa kay Bren. Siya kasi ang taong madalas kong takbuhan sa tuwing umiiyak ako dahil sa pag-aaway namin ni Bren. Siya rin ang nakakita sa 'king halos wala nang malay at hirap nang huminga nu'ng isang beses na subukan ni Bren na makipag-break sa 'kin. Sinugod ako noon sa ospital.

Ilang araw matapos kong ma-discharge ay sinabi ni Bren na pinagti-tirp-an niya lang ako at sinusubukan niya lang ako, bagay na ikinagalit ni Lissa.

"Five months from now, uuwi na sa bansa sina Tita and Tito. Plano mo na bang ipakilala 'yang si Bren?" basag ni Lissa sa malalim na pag-iisip ko.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Depende siguro kung papayag na si Bren. Siguro nahihiya siya kina mommy and daddy kaya ayaw niya pang makilala."

"Ang tunay na lalaki, hindi takot humarap sa pamilya ng babae," Lissa uttered.

Sa sinabing 'yon ni Lissa, mas lalo lang akong nakaramdam ng disappointment.

this.s

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon