-----'s POV
HINDI KO ALAM kung anong pumasok sa utak ko, but now I'm driving this girl's car. Hindi ko naman siya kilala. Hindi ako 'yung tipo ng lalaking magpapapansin lang sa babae dahil gusto niya. Pero hindi ko alam. Ang gusto ko lang ngayon ay mapagaan ang loob niya.
Paano ko siya nakita at namukhaan? Because I'm at Sam's older sisters' exhibit too. Napilitan akong pumunta dahil iyon ang hiling ni Sam. Gusto kasi niyang tulungan ang ate niya na ipakita sa parents nila that she made the right decision. And as a good friend of Sam, I couldn't say "no." So, instead of reading books, napilitan akong um-attend sa ganitong event.
Mag-isa akong dumating sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya nina Sam dahil busy ngayon ang kaibigan ko sa pag-aasikaso sa event na 'yon. I can't blame him because he loves his sister so much.
When I went inside the exhibit, una kong hinanap si Sam but I couldn't find him. Siguro ay kasama niya ang pamilya niya. Hindi na rin ako masyadong umikot dahil iniiwasan kong makilala ako ng mga tao roon. My father is a well-known business tycoon kaya naman marami-rami rin ang nakakakilala sa 'kin. My dad was always telling me to be familiar with different people since I'm already a graduating student. Aminin ko man daw o hindi, hindi na magbabago ang path ko. Tanggap ko na rin naman iyon.
I was about to turn my back when I reached a fewer crowd nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha ng babae. She was standing right there, watching something. I saw the pain. I saw those tears falling from her eyes. And when I took a glance where she focused her eyes, nakita ko ang pamilyar namang mukha ng lalaki na nakikipag-usap sa ibang babae. Their faces were almost swapping. They were laughing seductively. They were seducing each other.
Natinag lang ako sa panonood ng isang "live scene" ng kataksilan nang mapansin kong nag-walk out na 'yung unang babaeng nakita ko. Sinundan ko siya ng tingin. Kilala ko siya. Siya 'yung babaeng inabutan ko ng panyo at payong. Siya rin 'yung babaeng nakita kong nagmamakaawa sa boyfriend niya. She's also the girl whom I saw waiting faithfully for this guy. Sa lalaking napanood niyang nagtataksil naman sa kanya.
I tried my best to hold back but I can't. Kusang kumilos ang mga paa ko na para bang may sarili silang buhay at sila ang nasusunod. In just a snap, sinusundan ko na ang babaeng 'yon. Para bang hindi kinaya ng konsiyensya ko ang mga nakita ko.
Nakarating siya sa parking lot. Gano'n din naman ako. Mula sa 'di kalayuan ay pinanood ko siya kung paano siya umiyak na parang wala nang bukas sa harap ng kotseng marahil ay pagmamay-ari niya. Siguro pagkatapos ng isang minuto, binuksan niya ang mini-bag niya and she reached for something. Nakita ko ang pagkuha niya sa susi ng kotse niya at kung paano iyong nalaglag mula sa mga kamay niya.
"Damn that fucking key!" malakas na sabi niya nang hindi niya makita kung saan ba iyon nalaglag. Kitang-kita ko 'yung matinding depression sa aura niya at pati ako ay nahihirapan para sa pinagdaraanan niya.
Wala sa sariling napalapit ako sa kanya. Pinulot ko 'yung susing napunta sa gilid ng gulong ng kotse niya. And when I did that, automatic siyang napatigil sa pag-iyak at napatitig sa 'kin.
I gave her keys. "Don't blame the key. It's your recklessness," I said in a deep yet calm voice.
Mas lalo siyang napatitig sa 'kin. I bet she was trying to know my identity.
"You're the one who gave me a handky and an umbrella, right? That was... I think... Two or three weeks ago," she said after annalyzing my face carefully.
I looked into her eyes. "And you're the girl who always cry because of his stupid boyfriend, right?" Pagkaraan ay ngumiti ito. "It's nice to see you, again."
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)