Tisoy's POV
Nandito kami ngayon sa World of Fun. Dito rin sa mall kung san ko siya unang nakita noon. Dumaan kami pagkatapos ng mga klase namin. And as usual, si Maine ang kasama ko. Sinundo ko siya ngayon pero nag-commute lang ako. Siya ang may dalang car ngayon dahil coding ako.
"Subukan natin 'to, dali!" parang batang sabi ni Maine pagkatapos niyang ituro 'yung Tekken 5. Umupo na siya sa harap ng arcade game na 'yon na nataon namang walang naglalaro. And then she faced me like a kid.
Hindi ko sinasadyang mapatitig sa kanya nang mga oras na 'yon. She looks so happy. Hindi na siya 'yung babaeng nakita ko noon na parang gumuho ang mundo. Ibang-iba 'yung Maine na kaharap ko ngayon. Mas may sigla na siya.
Sa bawat lugar na pinapasyalan namin, nagtataka ako dahil parang palagi siyang excited. Hindi niya ba nararanasan ang gano'ng bonding noong sila pa ng ex-boyfriend niya? Bren was a real jerk for dumping a sweet, innocent girl like her.
Naalala ko tuloy nang ikuwento ni Maine ang break-up nila ni Bren sa parents niya. Kaharap ako no'n. Her dad was so angry that he wanted to teach her ex a lesson. Mabuti na lang at pinahahalagahan pa rin ni Mr. Martinez ang estado niya sa lipunan.
"An educated man will never nag nor insult a woman."
That was what Mr. Martinez told us during our dinner.
Honestly, I was so overwhelmed when Maine's father welcomed me with open arms. Noong una ay kinakabahan talaga ako. Bakit? Dahil kilalang tao ang daddy ni Maine. Isa siya sa mga tinitingalang tao sa business world. He has businessmen's greatest respect.
Nabanggit ko na rin kay mommy na "kaibigan" ko ang anak ni Mr. Martinez at natuwa sila. Kapag may pagkakataon daw ay gusto nila ulit makita si Mr. and Mrs. Martinez. I told them to wait. Mas gusto ko kasing magkausap-usap na ang mga pamilya namin ulit kapag sigurado na 'ko sa nararamdaman sa 'kin ni Maine. I don't want to use my family's influence to dictate her that we should be really meant for each other.
"Hey, okay ka lang?" pukaw ni Maine na nakapagpabalik ng isip ko sa kasalukuyan.
Ngumiti na lang ako at umupo sa tabi niya. "Andaya. Player 2 ako?"
"Eh. Pareho lang naman 'yon. Teka... Combo 1... Tapos combo 2..." pagbasa niya sa mga directions na nakasulat, before inserting two tokens in the arcade machine. "Be ready to praise me."
"'Di mo ba alam na hobby ko 'to dati bago ang libro?" pagmamayabang ko bago ako pumili ng character. Pinili ko si Martial Law.
Pinili naman ni Maine si Zafina. 'Sus. Pinili niya kasi maganda 'yung character. Asa namang matatalo ako nitong batang 'to.
"Game!" Maine uttered as the first of three rounds started.
Naglaban kaming dalawa. Talagang ginawa ko 'yung mga paborito kong combo. Tandaan mo, Richard. Kailangang matalo mo si Maine para maka-pogi point ka man lang. Mahiya ka. Ngayon niya pa lang lalaruin 'yang game na 'yan.
"Wooohoooo!" she exclaimed after the game.
Hindi naman ako makapaniwala. Napanganga ako. Amused and amazed, I stared at her. Grabe. Natalo ako nitong babaeng 'to sa larong panglalaki? How come?
Humarap siya sa sa 'kin at nag-belat. "Sabi naman sa 'yo eh."
Umiling-iling ako. "Tsamba lang 'yan. Isa pa!"
Natatawang naghulog si Maine sa machine. Siya kasi ang "keeper" ng mga token namin. Naglaro ulit kami. Siyempre hindi na 'ko papayag na matalo pa.
Nasa kalagitnaan kami ng laro at matatalo na naman sana 'ko nang biglang mag-ring at mag-vibrate ang phone ni Maine na nasa ibabaw ng arcade machine. Dinampot niya iyon at tiningnan. Pagkatapos, napalingon siya sa 'kin matapos makita ang isang unregistered number.
"Si Bren yata 'to," alanganing sabi niya.
I smiled at her. "Sagutin mo."
She answered the call. Ako naman, hinayaan ko nang matalo ako sa game namin. I'm just looking at her. Hindi ko makita ang expression sa mukha niya. Hindi siya nasasaktan. Pero hindi rin siya masaya.
"Hello?" bungad ni Maine bago siya nakinig sa sinasabi ng kausap. "Bakit? Ano'ng kailangan mo?"
Hindi na 'ko naki-eavesdrop pa sa usapan nila. Hinarap ko na lang ulit 'yung Tekken and then naglaro akong mag-isa. Maya-maya, naramdaman kong natapos na ang call conversation nila ng ex niya kaya hinarap ko siya ulit.
I didn't ask her. Siya na mismo ang nagsabi sa 'kin.
"Magkita raw kami ngayon," walang emosyong sabi ni Maine.
Medyo nagulat ako. "Saan naman."
"Dito lang din sa mall. Sa ground floor. Du'n sa may Aristo," she answered before she stared at my face. Tinatantya niya siguro 'yung reaction ko. "Okay lang ba kung, pumunta muna ko?"
Kung ako lang ang masusunod ay ayoko. But I want to give her the freedom she needs. Hindi naman kami at wala akong karapatang diktahan siya. Isa pa, alam kong may purpose si Bren kung bakit gusto nitong makipagkita sa kanya. Afterall, sila ang may nakaraan at companion lang naman ako ni Maine sa ngayon.
I smiled and nodded. "Hihintayin na lang kita sa SB."
Maine uttered "thank you" before leaving me. Nagmamadali siyang lumabas ng World of Fun habang sinusundan ko naman siya ng tingin. Naiwan akong mag-isang nakaupo sa Tekken 5. Hindi ko rin alam kung anong reaction ng sarili ko. Para akong nagseselos na naiinis.
Gusto ko pa sanang mag-stay sa kinauupuan ko pero napansin kong meron pang ibang gustong maglaro kaya tumayo na rin ako at lumabas na ng amusement park na 'yon.
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionPara sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig. (An AlDub fanfic.)