Chapter 14.1

414 12 0
                                    

Maine's POV

"ANO'NG NARARAMDAMAN mo ngayon?" nakangiti kong tanong kay Tisoy.

Sa halip na sagutin ako ay kinintalan lamang ako ni Tisoy ng isang matamis na halik sa noo. Nakahiga kami ngayon sa damuhan na nilatagan lang namin ng mattress. Nandito kami sa isang malawak na park na ngayon ko pa lang napuntahan. Hindi masyadong matao. Exclusive park yata.

Nakayakap ako kay Tisoy. Yakap na kahit kailan ay hindi ko na gagawin pa sa iba. I never felt this good in someone's arms before. So warm. So gentle. Yakap na walang halong ibang meaning. Yakap ng isang lalaking nagmamahal nang totoo.

Magdadalawang linggo pa lang kaming mag-on ni Tisoy. Pagkatapos ng gabi na sinagot ko siya, naging busy naman ako sa OJT at iba pang mga field events. Ngayon lang ako medyo nagkaroon ng oras para makasama siya nang matagal.

"Sagutin mo naman 'yung tanong ko," naglalambing kong anas kay Tisoy habang nakasubsob ako sa mga bisig niya.

He gently laughed. "Isn't it obvious?" He removed my messy hair by his hands. "I'm in love. I'm deeply in love. I will always be in love... With you."

Napangiti ako sa sinabi niyang 'yon. Bakit kapag sinabi ni Tisoy na mahal niya 'ko, tumatagos 'yun hanggang sa kaloob-looban ng puso ko? Siya na nga siguro 'yung ibinigay sa 'kin ni Lord, dahil alam niyang natuto na 'ko mula sa malaking pagkakamali ko nang piliin ko si Bren noon.

"I love you," I said with all my heart.

"I love you more," he sweetly replied.

Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa 'kin. Ganito pala ang feeling kapag totoong love na ang nararanasan mo. Hindi masakit. Hindi nananakal. Hindi nagdadamot. Sobrang gaan sa pakiramdam. Malayo sa mga naranasan ko noong maling pagmamahal pa ang iniikutan ng mundo ko.

Lord, thank You for giving me Your greatest gift.

May mahihiling pa ba 'ko? Kahit isandaang beses pa 'yang itanong sa 'kin, "Wala na" ang magiging sagot ko. Ngayon ko masasabing sulit ang lahat ng iniyak ko noon.

"Naisip ko lang," sabi ni Tisoy na nakapagpabalik sa 'kin sa kasalukuyan. "Since nasabi mo na kina Tito at Tita na tayo na, dapat ipakilala na rin kita kina mommy, daddy at Milky. They're always asking about you."

Wala sa sariling napaupo ako mula sa pagkakahiga. "H-Ha?"

I was shocked. Kahit minsan, hindi ko pa nami-meet ang family ni Tisoy. What if they don't like me for him? What if I'm not their type? Maraming pwedeng magbago. Natatakot akong masira ang relasyong kasisimula pa lang naming mabuo.

"What's wrong?" clueless na tanong ni Tisoy. Napaupo na lang din siya.

I hesitated to answer him. "Uhm..."

"Love?"

Iyon nga pala ang endearment para sa 'kin ni Tisoy. He calls me "Love" all the time. Ang sweet 'no?

But back to the problem, hay nako. Hindi talaga ako sang-ayon. Takot kasi akong ipakilala sa pamilya ng boyfriend ko. I onced met my ex-boyfriend's family and I could feel that they don't like me that much.

He held my hands. I'm sure, naisip niya na sa mga oras na 'to 'yung reason ko. "Love, my family likes you. Kahit hindi ka pa nila nakikilala, alam nilang mabuti at disenteng babae ka. You don't have to worry. Trust me."

When Tisoy uttered his last sentence, my heart started to calm and relax. Kapag siya ang nagsasabi ng 'Trust me", nagbibigay kaagad ako ng tiwala. Malaking tiwala. Hay nako. Sana nga maging positive ang reaction ng family niya.

Wew. Sana nga talaga.

"Okay, I trust you. Salamat Love," I finally answered.

He stared at me for a second before he flashed out a dazzling smile. Grabe. Ngayon ko lang naisip na sobrang gwapo pala ni Tisoy. Magmula nu'ng nakilala ko siya, pakiramdam ko ay lalong lumalim ang dimple niya sa left side ng cheek niya.

Hindi ko iyon masyadong nabibigyang pansin dahil tuwing nakakasama ko siya, wala akong ibang naiisip kundi 'yung kabaitan ng lalaking nasa harap kong ngayon. Ano pa nga bang hahanapin ko? God loves me so much. My family loves me so much. And now, may isang tao na namang nagmamahal sa 'kin.

He hugged me afterwards. I even hugged him back. Alright. Kung gusto ng lalaking mahal ko na makilala ko ang pamilya niya, hindi ko 'yon ipagdadamot sa kanya.

q


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon