Chapter 46

28 0 0
                                        

CHAPTER 46: SWEDISH

"Dito na, Felix!" excited na sambit ko nang makita ang pamilyar na daan at malaking bahay sa tapat namin.

Napaawang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwalang malinis iyon at nanatiling maayos. Ibang-iba sa inasahan kong naging haunted mansyon.

"Is this where you grew up, baby?"

Napangiti ako at mabilis na tumango.

"Rich!" bulalas niya at namamangha rin nang sumunod siya sa akin.

Sinubukan kong doorbell. At tama nga ako, may tao sa loob dahil may guwardyang nagbukas sa akin.

Pero hindi ito pamilyar kaya nakaramdam ako ng hiya. "Hi?"

"Magandang umaga ho! Ano pong maipaglilingkod ko?"

"I'm Astrid Saavedra and my family owns this house. So, can I come in?"

"Astrid Saavedra?" Kaagad na kumunot ang noo niya. Siguro nabigla siya kasi gumawa ang awtoridad ng pekeng Astrid para ilibing dati.

Handa na akong magpaliwanag nang muli siyang magsalita. "'Di ko kilala 'yon, ma'am!"

"What?" Impossible! Kilalang-kilala kami sa lugar na ito.

At isa pa, hindi ako pwedeng magkamali. Ito ang mansyon namin. Pagmamay-ari 'to ng pappa kong dating Gobernador ng Lungsod.

"Can I ask who's your boss? Or the owner of this house?" si Felix na ang nagtanong.

"Si Ma'am Amelia Saavedra po."

Kaagad na kumunot ang noo ko. "Amelia? 'Di ko rin kilala 'yon!" sumbat ko at napatingin sa katabi ko para umiling at magsumbong sa kanya, "Wala naman kaming kamag-anak na Amelia!"

"E bakit po ba kayo nandito, ma'am? Ano po bang kailangan niyo?" mukhang nairita na rin sa akin ang guwardya.

"This is my house!" katwiran ko at napatingin kay Felix nang akbayan niya ako at haplusin ang sulok ng balikat ko.

"Can we talk to your boss?" mahinahong tanong sa kanya ni Felix.

"Sige po, sir. Saglit lang po," aniya at iniwan kami roon.

Napanguso ako dahil hindi man lang kami pinapasok sa loob. Naalala ko dati, lahat ay welcome roon. Kahit hindi kilala, pinapapasok ni pappa dahil nakakahiyang maghintay sila rito sa labas.

"Chill, baby. You're too hot," tukso niya sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Sorry, masungit ba ako masyado kanina?" tanong ko sa kanya at yumakap. "Hindi ko lang maintindihan bakit nandito iyong Amelia. Bakit siya ang naging may ari nitong bahay namin?"

"Let's talk to her. Hmm?" ulit niya nang ngumuso pa rin ako.

Tumango na ako at hinaplos ang pisngi niya. "Samahan mo ako, ha?"

"Of course, baby! I'll be with you always. 'Di na kita ulit iiwan," pangako niya kaya muling bumalik ang ngiti ko.

Nang papasukin kami ng gwardya ay humawak ako sa kamay ni Felix at pinagdaop ang mga daliri namin. A feeling of familiarity filled my heart as soon as I saw what's inside the familiar mansion. This is my home! Finally!

Binusog ko ang paningin sa pamilyar na lugar. May iilang gamit na nabago at sobrang daming disenyo na halatang mamahalin. Sinong gumastos para sa mga ito?

"Yaya Vi!" tawag ko sa pamilyar na mukhang nakita.

Tumanda ang itsura niya pero siya pa rin iyong nag-alaga sa akin simula bata ako. Tuwing wala sina mommy at daddy ay siya ang kalaro ko rito.

Nanlaki ang mga mata nito pati na ang bibig at kaagad na lumapit sa akin. "Po? Tawag niyo po ako, ma'am?"

"Yaya Vi! Na-miss po kita!" hindi ko naitago ang saya at kaagad na niyakap siya.

"Naku! Pasensya na po, ma'am, pawisan po ako," aniya at kaagad na humiwalay sa akin. "Paano niyo po ako nakilala?"

Bakit hindi niya ako naaalala? Alam ko na! Kulay itim ang buhok ko ngayon at suot ko ang contact lens ko kasi masyadong masakit sa mata ang liwanag ng ilaw kanina.

Kaagad kong binuksan ang phone at ipinakita sa kanya ang batang litrato ko roon. "Ako po si Astrid, yaya!"

"Lady Astrid?!" Halos lumuwa na ang mga mata niya dahil sa sobrang laki no'n.

Napangiti ako pero kaagad ding nawala iyon nang bigla siyang matumba at mamawalan ng malay sa harap ko.

"Marivic!" tawag sa kanya ng isa pang kasambahay na nakakita at kaagad na dumalo. Napaluhod din ako dahil sa pag-aalala.

"What's happening here?"

Lahat kami ay napatingala sa sopistikadang babae na nasa hagdanan. Ang elegante ng suot niya, para siyang may fashion show ngayon. At katulad ng sa akin, kulay blond at bughaw ang mga mata niya. Tansya ko'y nasa 30s pa lang siya. Ito na ba iyong Amelia?

Tumayo ako at tumabi kay Felix para batiin siya. Nakita ko naman siyang tumingin sa akin at ngumiti. Nang makababa siya ay rinig na rinig ang tunog ng mataas na heels na niya.

Ngumiti ako sa kanya pero sa katabi ko siya tumingin. "Oh! Hi there, Felix! What brings you here?"

Magkakilala sila?

Ngumisi pa ito. Nakita ko naman ang paggalaw ng adams apple ni Felix. Bakit parang apektado siya?

"I missed you, baby boy," dagdag pa ni Amelia at hinaplos ang buhok ni Felix. "Or should I call you daddy? You grew up hotter!"

Pakunot nang pakunot ang noo ko dahil sa pinagsasabi niya. Akmang hihilain ko na si Felix para ilayo siya sa kanya nang marahas niyang hinawi ang kamay ng babae. Mas lalo akong nairita nang humalakhak siya at ibinaba na ang mga kamay. Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni Felix at inakbayan ako.

Napatin naman siya sa akin. "Oh, sorry! Who are you?"

"I'm Astrid Saavedra," mariing sagot ko at hindi naiwasan ang pait sa boses.

Mas lalo lang lumaki ang ngisi niya. "Astrid..." banggit niya at nilapitan ako.

"She's my girlfriend and the owner of this house," dagdag pa ni Felix at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya.

"Your girlfriend?" Saglit na bumalik ang tingin niya kay Felix. "What a small world, huh?" Humalaklak ulit siya nang nakakairita.

Hinaplos niya pa ang maikling buhok ko. "You looks like your mother," aniya bago ako nilayuan. "I'm glad you survived!"

Umangat ang kilay ko at hindi mapigilang muling magtaray. "Anong ibig mong sabihin?"

"So, I have someone to help me expand the wealth that my step brother had left! You're gonna marry my friend's son!" tuwang-tuwang balita niya at pumalakpak. "Exciting, right?

"Nababaliw ka na!" sigaw ko sa kanya.

"Choose wisely, Astrid. You're gonna marry someone right now or let me own everything that your family has left?"

"Si Felix lang ang pakakasalan ko!" mabilis na sagot ko.

Gusto kong ako ang magpatuloy ng nasimulan nina mamma at pappa simula nang lumipat kami rito sa Pilipinas. Pero ayaw kong magpakasal sa iba lalo na sa hindi ko naman mahal!

"You need to marry a Swedish!" pagtukoy niya sa lahi namin. Bumigat naman ang hininga ko dahil sa takot. "That's your family's tradition!"

"Hindi naman Swedish si mamma! She's a Filipina!" pagtatanggol ko sa naunang sagot.

"She's has a half-Swedish blood, lady," pakantang na bigkas niya at nilingon ang katabi ko.

Kaagad kong itinulak ang balikat niya nang ilapit niya ang mukha kay Felix. "Do you have a Swedish blood, baby boy?"

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon