Chapter 57

33 0 2
                                        

CHAPTER 57: HAPPY BIRTHDAY

"I'm sorry but these cheating photos of your husband are not enough to get anull with him. Based on our country's Family Code, the grounds for annulment are only these," panimula ng lawyer na pinagkakatiwalaan at nakausap namin ni Felix dati.

Inilabag niya ang pictures na pinakuha ko sa isang private investigator para sundan si Fredrick. At base sa iba't-ibang babaeng kasama niya sa picture ay napatunayan kong tama si Amelia at hindi niya deserve na maging gobernador. Masyado siyang marumi!

"Lack of parental consent, insanity or psychological incapacity, intimidation or undue influence, impotence and sexually transmissible diseases. And in your case, Ms. Hanssen, we can use the third one which is based on your statement, you agreed on getting married because you were forced and treathened by your Aunt Amelia. If consent was obtained through force influence, your marriage can be annulled. We just have a witness to prove that."

Tumango-tango ako, sa wakas may pag-asa na ring maghiwalay kami ni Fredrick. "Pwede po bang si Felix?" tanong ko sa kanya dahil siya ang nakasama ko rati. Siya rin ang napagsabihan ko.

"You can do that. You can also have some witnesses here that you live with," sagot nito at ipinaliwanag ang mga dapat kong gawin.

Napahilot ako sa gilid ng ulo ko nang makauwi sa mansyon. Tomorrow is my 21st birthday. Gusto kong maayos na ang buhay ko bago ko isilang ang anak namin ni Felix. Ayaw ko na ng gulo.

"Ma'am Astrid, heto na 'yong ni-request mo!" masayang bungad sa akin ni Yaya Vi nang makarating ako sa kusina.

Gutom na gutom na kasi ako. Galing akong Hospital kanina para magpa-check up at kinita ko pa si Attorney para magpatulong na makipaghiwalay kay Fredrick.

Ewan ko ba kung bakit pero simula kasi nang nalaman ni Amelia na buntis ako ay hindi na siya naghigpit sa akin. Nakabili na ako ng phone ko gamit iyong kinita ko sa modeling kahit pumalpak ako sa Runway. At isa pa, nakakalabas na rin ako kahit mga guwardya lang ang kasama.

"Hmm!" Napapikit ako at muling isinawsaw ang hilaw na manga sa ginisang alamang. "Ang sarap! Thank you, yaya!"

"Walang anuman! Kapag may pinaglilihian ka, sabihin mo lang sa akin," masayang sagot niya at pinunasan pa ng tissue ang gilid ng labi ko.

Sana makausap ko na rin si Felix para masabi kong buntis ako at siya ang ama. Ang problema lang, hindi niya sinasagot ang text at tawag ko!

"Please, Felix? Usap tayo kahit saglit lang. Pupuntahan kita r'yan kapag busy ka," isinend mo iyon bilang voice message. Tambak na ang mga mensahe ko para sa kanya sa lahat ng social media account at number niya.

Pinindot ko ang profile ni Clyde at huminga ng malalim. Nahihiya ako sa kanya pero lumunok ako at pinindot ang 'call button' dahil online siya.

"Please, sagutin mo," pakiusap ko sa kawalan at napaahon mula sa pagkakasandal nang marinig ang boses niya.

"It's been months, Ahrodite? Or I should say
Mrs. Astrid Alfvén?"

Kaagad na namuo ang mga luha ko dahil sa masungit na boses niya. "Sorry. Alam kong busy ka pero pwedeng makausap si Felix? O pakisabi na lang na sagutin niya ang tawag ko. Please?" pakiusap ko sa kanya pero narinig ko ang manunuyang tawa niya.

"'Di ba sinabi ko naman sa 'yong tigilan mo na si kuya? Bakit ba ang kulit mo?! Masaya na siya ngayon, Aphrodite! 'Wag mo nang sirain ulit ang buhay niya!"

Nailayo ko sa tenga ang phone nang sumigaw siya at naputol na ang tawag. Nag-unahang tumulo ang mga luha ko at pinilit na lang na tawagan si Felix. Kung hindi niya sasagutin, pupuntahan ko na lang siya bukas. Siguro nando'n siya sa penthouse na tinuluyan namin dati?

Tinuyo ko ang mga luha at tinawagan ang pinagkakatiwalaang private investigator. Bakit hindi ko naisip na gamitin ang pera ko para hanapin at makausap si Felix?

Bukas, pormal nang mapupunta sa akin ang lahat-lahat ng naiwang negosyo at kayamanan nina mamma at pappa. Mas maigi na rin siguro na magbawas ng kasambahay rito at magdagdag ng guwardya para sa seguridad ko. Kailangan ko lang maghanap ng mapagkakatiwalaan at propesyonal.

"Happy birthday, Ma'am Astrid!"

Pagkadating ko sa kusina kinaumagahan ay iyon ang ibinungad ng mga kasambahay sa akin. Kaagad akong napangiti at ramdam ang init na humaplos sa puso ko.

"Salamat po!" sinserong sagot ko at sinunod sila na pumikit muna at mag-wish bago ihipan ang mga kandila sa ibabaw ng two layer na cake.

Sana makasama na namin ng anak ko ang Daddy Felix niya.

"Oh! Happy birthday, my dear Astrid!"

Napalingon ako kay Tita Amelia. Napangiti ako dahil may dala siyang maleta. Sa wakas, aalis na rin siya rito!

"Thank you and have a safe flight, tita," plastik ko siyang nginitian.

"Yeah? Goodluck too on managing the whealthy life I've enjoyed for years! Sana ay huwag malugi at matalo sa mga Saavedra ang Kompanya ng pamilya natin!" makahulugang paalala niya at niyakap ako sabay beso.

Umirap na lang ako at hindi na pinag-alalahanan ang sinabi niya. Dahil kakampi ko si Felix, hindi kalaban.

"This way, ma'am," anang bodyguard nang makapasok ako sa Saavedra Holding Corporation, ang kompanya ng pamilya ni Felix.

Kaagad akong nagtungo sa Reception Area para magtanong. "Good morning, ma'am!" bati sa akin ng babae.

"Hi, can I please talk to Felix Saavedra?"

"May I see your appointment, ma'am?"

Napakurap ako dahil sa tanong niya. "I have none. Pero kakilala niya ako. Can you tell him that I am Astrid Hanssen?"

"Hanssen?!" Nanlaki ang mga mata niya at kaagad na kinuha ang telepono. "A minute, ma'am."

Tumango ako at tahimik na naghintay. Nagbakasali rin akong tignan ang mga mensahe kay Felix pero wala pa rin siyang reply sa mga iyon.

"Mr. Felix Saavedra is currently on a meeting, ma'am. You can wait on our lobby for a while."

"Thank you!" Napangiti ako roon at matiyagang naghintay.

Sinuri ko rin ang sarili mula sa camera ng phone. Gusto kong maging presentable at maganda sa muli naming pagkikita. Nakaladlad ang mahaba at umaalong buhok ko. Suot ko ang light make-up sa mukha, silver necklace, pulang off shoulder dress at kulay silver na heels. Nagmukha nga akong parang pupunta sa date tulad ng sinabi nina Yaya Vi kanina!

Paulit-ulit ang pagpalit ko ng pwesto dahil sa ngawit. Limang oras na akong naghihintay! Nagugutom na rin ako pero hindi pa bumababa si Felix.

Tumayo ako para muling magtanong sa Reception nang mahahip ng mga mata ko ang pamilyar na mukha. Ang mommy ni Felix na may kasamang maganda at matangkad na babae.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang paningin namin. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya ngayon. Pero nagulat ako nang ngumiti siya sa akin at lumapit. "Oh hi there, Mrs. Alfvén! What brings you here?"

"Uh..." Hindi ko alam ang itatawag sa kanya. "I'm waiting for Felix, ma'am."

"Felix?" Pumait ang itsura niya.

Napatingin naman ako sa babaeng katabi niya nang magsalita ito. "What do you need to my fiancé?"

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon