CHAPTER 42: I WANT YOU
"Inaantok na ako, Felix. Pwede bang dalhin mo 'ko sa tinutuluyan mo? Doon muna tayo," hiling ko sa kanya dahil gusto ko na siyang makapagpahinga.
"Sa condo ko? What if we stay in my Penthouse, Aphrodite. Mas maganda ro'n!"
Tumango ako sa suggestion niya. "Sige, kahit saan basta kasama kita."
"That's so sweet, baby!" malaki ang ngiting aniya "Let's go then!" hiyaw niya at nagsimula nang magmaneho.
Napangiti ako habang pinapanood siya habang malaki pa rin ang ngiti niya at halatang sinsero iyon. Dahil sa kanya ay nadagdagan na ang mga rason ko para mabuhay ng mas matagal. Gusto ko pa siyang makasama. Gusto ko siyang mapasaya at maging masaya kasama niya.
"Are you inlove with me again, Aphrodite?" may bahid ng panunuksong tanong niya sa akin at saglit niya akong sinulyapan.
"Oo kaya umayos ka, Felix!" banta ko sa kanya.
"Yes, ma'am!"
Mahina akong natawa at napailing dahil sa ipinangtawag niya sa akin. "Pwede kang umidlip muna. Gigisingin na lang kita mamaya. Medyo malayo pa naman."
"Ayaw ko. Gusto kong tignan ka. Na-miss kita."
"I missed you too, baby!" marahang sambit niya at saglit na kinuha ang kamay ko. Mabilis niya iyong hinalikan bago ko siya hampasin at sabihan.
"Ayusin mo mag-drive! Puro ka harot," nakangusong reklamo ko.
Humalakhak lang siya at nag-yes ma'am na naman bago nagpatuloy sa pagkikwento tungkol sa pagpunta niya sa UAE.
Namamangha kong tinignan kung gaano kaaliwalas at karangya ang mataas na building na pinupuntahan namin. Nang mai-parking ni Felix ang kotse ay dinala niya ang bag ko at hinawakan ang kamay ko. Nasa labas pa lang kami pero may elevator nang bumukas nang itapat niya roon ang ID niya. "Wow!" hindi mapigilang bulalas ko nang umakyat na ang elevator.
Sobrang na-a-amaze ako sa view ng mga building na nalalampasan namin pero habang mas tumataas ay mas humihigpit ang kapit ko kay Felix dahil nakakatakot rin.
"Afraid of heights, baby?" bulong niya at niyakap ang bewang ko.
"Yata? Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong kataas na lugar, Felix!" kinakabahan pero masayang balita ko sa kanya. Halos hindi na ako huminga nang huminto ang elevator. Ayaw ko nang tumingin sa ibaba!
"Felix! Labas na tayo!" atat na saad ko nang bumukas ang elevator. Isang tahimik pero maliwanag na hallway ang bumungad sa amin.
Kumapit ako sa braso ni Felix nang makita ko ang pinto. High tech iyon at moderno ang disenyo. "Ready to see your new home, Aphrodite?"
Mabilis akong tumango at sumabay sa kanyang pumasok nang mai-enter niya ang passcode at ma-verify ang face scan at thumb print niya. Napatunayan ko kung gaano niya kakailangan ang security nang awtomatikong bumukas ang mga ilaw at nakita ko ang lugar.
Sobrang lawak nito at ang ganda! Para akong nasa palasyo dahil sa kumikinang na chandelier! Ang mga gamit ay halatang hindi basta-basta ang presyo at ang disenyo, wala akong masabi dahil gustong-gusto ko iyon! Simple ang ayos kaya napakalinis tignan pero ang elegante! Halatang pinag-isipang maigi dahil lahat ng gamit ay nasa perpekto nilang kinalalagyan.
"This is our bedroom, Aphrodite," ani Felix at may pinindot na remote control. Dahan-dahang bumukas ang kurtina at mula sa salaming dingding ay kitang kita ko ang makukulay na building sa malayo. Maging ang madilim na langit kung nasaan ang buwan ay nakikita ko mula rito!
"Felix! Sobrang ganda rito!" halos naiiyak ako dahil hindi ako makapaniwala. Seems like this penthouse is on the right place! Panigiradong mas maganda ito bukas at sa sunset! Oh my god! Excited na akong matulog at magising na ganito ang makikita kong view!
"Let's sleep? I'll show you what's outside tomorrow."
"Anong meron sa labas?"
"Our own balcony and a pool."
"Meron?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes, baby!"
Malawak akong napangiti at binusog ang mga mata sa pagtingin sa magandang tanawin. Ang liliit na ng mga building mula rito. Hinaplos ko ang california king na kama at niyakap ang malambot na unan. Sobrang lawak, lambot at komportable higaan! Inaantok na agad ako!
Napatingin ako kay Felix at naabutan siyang nag-aalis ng butones ng long-sleeves polo niya. Napaawang ang labi ko at kaagad na nanuyo ang lalamunan. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya nang maalis niya ang lahat ng botones niya.
Masyado naman sigurong malayo iyong kabilang building para makita siya?
Tumikhim ako nang makitang nasa akin ang tingin niya at nakangisi pa siya. "Feel free to stare, Aphrodite. I'm all yours!"
"Bilisan mong magbihis para makatulog na tayo!" sagot ko na lang at inayos ang sarili.
Hinubad ko ang hoodie at hinayaan na ang itim na fiited jumpsuit na lang ang suot ko. Gusto ko kasing madaling makagalaw kaya iyon ang ginamit ko. Medyo nakakahiya dahil hapit iyon sa katawan ko pero komportable naman ang tela no'n dahil malambot. May kanipisan lang at spaghetti strap ang top kaya nilamig ako agad dahil sa lakas ng aricon.
"Are you seducing me too, Aphrodite?"
Napakagat ako ng pangibabang labi at napatingin kay Felix. Napamura siya at kaagad na pumunta sa kama para tabihan ako. Kaagad nahanap ng magkabilang kamay niya ang pisngi at bewang ko at hindi na nagsayang pa ng oras para maangkin ang labi ko.
Napapikit ako dahil sa sensasyon at ipinalibot ang braso sa leeg niya para mas idiin siya sa akin. Sinuklian ko ang bawat galaw ng labi niya habang sinusunod ang pag-angulo niya sa mukha ko para mas mahalikan ako labi.
Kusang lumabas ang munting ungol sa bibig ko nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko at ipasok sa akin ang dila. Mas lalong nag-init ang katawan ko. Hindi ang lamig na dulot ng AC ang nararamdaman ko kun'di ang kamay ni Felix na nagsisimula nang maglakbay sa hita, bewang, dibdib at braso ko.
"I don't think I can sleep tonight if we'll just kiss, Aphrodite. Can we make love? I want you so bad. Please, baby?" he beg sexily while his eyes are looking at me with burning love and desire.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
