Chapter 58

26 0 0
                                        

CHAPTER 58: BEST WISHES

"I'm Stella Fuentabella by the way," eleganteng bigkas niya at nakangiting inilahad ang kamay sa akin.

"Astrid Hanssen," pagpapakilala ko at napatingin sa mommy ni Felix. "I won't introduce my husband's name anymore since I'm filing an annulment."

"Annulment? Why?!" maarteng sagot ni Stella at saglit na napanguso.

"He's cheating," walang emosyong sagot ko at nagkibit balikat.

"Aw! That's sad!" malungkot ang boses niya pero kaagad ding ngumiti nang kumurap ako. "Anyway, do you want to attend Felix and I's wedding?" masiglang dagdag niya.

She looks sincere and extroverted. Maganda ang mukha nito, makinis siya at may tangkad na pang-modelo. Maging ang eleganteng galaw niya ay parang matagal na niyang praktisado.

Ito na ba ang ipinalit sa akin ni Felix? Bigla akong nanliit lalo na't mukhang close sila ng mommy ni Felix.

"I'll think about that since my schedules are kinda tight this month. When is your wedding, by the way?" sinabayan ko ang saya niya. Hindi naman kasi ako affected sa sinabing kwento ng paghihiwalay namin ni Fredrick.

"Next month! I hope you have a free time! But if you couln't make it, it will be fine though! What is your relation with Felix again? And why do you need to see him?" pagpalit niya ng usapan.

"I..." Mariin akong napalunok nang tila may bumara sa lalamunan ko nang makita ang pagkunot ng noo ni mommy. Bago pa mamuo ang luha sa mga mata ko ay sumagot na ako, "I just want to congratulate him and thank him for bringing me to the Hospital last week."

"Ah, I see! You're that model he assisted!" Nanlaki ang mga mata niya at humagikgik. "I'll just send your regards to him since you we're busy."

Tumango na lang ako at nagpasalamat bago nagpaalam sa kanila. Nang makalabas ay kaagad kong pinunasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Bigo akong bumalik sa Parking Lot kung nasaan ang kotse. Nakasunod sa akin ang dalawang bodyguard ko nang mapansin kong wala akong dala. Naiwan ko iyong pouch ko! Iniwan ko iyon sa pwesto ko kanina dahil balak ko lang sana na magtanong sa Receptionist!

"May nakalimutan po ako," sambit ko sa dalawang guwardya at muling bumalik sa loob.

Nagmadali ako dahil gutom na ako. Nang bigla kong mabangga iyong lalakeng nasa harap ko dahil huminto siya. "Sorry!" mabilis na sambit ko at hindi na ito pinagtuonan ng pansin.

Pero may humawak sa braso ko. "Hindi ko sinasad—" nabitin ang sasabihin ko nang makitang si Felix iyon. Nakakunot pa ang noo niya. Sunod ay napatingin ako sa lalakeng mas malapit sa akin. Siya yata iyong nabunggo ko.

"Sorry," ulit ko at kaagad na binawi ang hawak niya sa akin nang maramdaman ang panunubig na naman ng mga mata ko.

Imbes na bitawan ako ni Felix ay hinarap niya ang lalakeng katabi na kapahero niyang naka-business suit. "You can go now, Stell. I'll just talk to her."

"Okay. Don't do something stupid, Saavedra. You already have my sister," paalala niya bago kami iniwan.

"Bitawan mo 'ko!" pigil ko sa kanya nang maalala si Stella kanina.

Ayaw kong masira sila. Tanggap ko naman na, e! Ang tangging magagawa ko na lang ay ang layuan silang dalawa at magsimula ng panibagong buhay nang mag-isa. Iyong malayo sa gulo.

Hindi ko pinansin ang pagtulo ng luha ko nang pakawalan niya ako. Gusto ko namang bitawan niya ako pero ang sakit-sakit dahil kabaliktaran no'n ang gusto ko. Gusto ko siyang yakapin dahil miss na miss ko na siya!

"What are you doing here?" marahang tanong niya at hinawakan ang mukha ko.

Napapikit ako at hindi napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha nang haplusin niya ang pisngi ko. "You're here for me, right? Baby?"

Dahan-dahan akong tumango at humikbi. "Gusto ko lang mag-thank you. Kasi dinala mo 'ko sa Hospital last week."

"I got worried. What happened?"

Imbes na sumagot ay umiling ako at huminga ako ng malalim. "Congrats and goodluck sa kasal ninyo ni Stella." Ngumiti ako ng mapait at kinuha ang kamay niya para ibaba iyon.

Kumunot ang noo niya. "You met her?"

"Oo," maikling sagot ko at nagsimula nang magpaalam, "Best wishes, Felix."

"Astrid!"

Lakad takbo ang ginawa ko para makuha agad ang pouch at phone na tanging dala ko. Nang hawakan ni Felix ang braso ko ay nakita ko ang dalawang guwardya ko na lumapit.

"Ilayo niyo siya sa akin," utos ko at tinalikuran si Felix kahit anong tawag niya sa akin.

"Astrid!" Umalingawngaw ang boses niya sa buong ground floor. "Fuck! Let me go!" iyon ang huli kong narinig bago sumarado ang awtomatikong doble glass door ng building.

Kaagad akong yumuko at pinunasan ang luha nang nakita ang mga camerang nakatutok sa akin mula sa mga trabahanteng nasa labas.

"Let's go," madaling utos ko sa driver nang makapasok sa kotse.

Mula sa peripheral view ay nakita ko si Felix sa labas ng tinted na sasakyan.

'Wag mo na akong habulin, please? Baka 'di ko na mapigilan ang sarili kong bumalik sa 'yo.

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon