CHAPTER 54: FORCE
Naalimpungatan ako dahil sa gutom at pagka-uhaw. Dahan-dahan akong tumayo at nanghihinang tinignan ang orasan. Alas sais na ng gabi. Matagal din pala akong nakatulog.
Sinubukan kong tumawag ng katulong pero walang sumasagot. Napatingin ako sa pinto. Gusto ko nang kumain pero natatakot skong lumabas.
Sa huli ay napagpasyahan kong bumaba. Wala naman si Amelia kaya malaya akong nakakuha ng pagkain sa ref. Dinamihan ko iyon lalo na ang tubig para hindi na ako pabalik-balik.
Bumalik ako nang mailagay ang mga pagkain sa kwarto ko. Gusto ko pa kasi iyong dagdagan. Susulitin ko na habang wala si Amelia.
"There you are!"
Naestatwa ako sa hagdan nang marinig ang boses ni Fredrick. Anong ginagawa niya rito?
Imbes na lingunin siya ay tumakbo ako at kaagad na isinarado at inilock ang pinto.
"Wife! Open this door!" sigaw niya at kinalabog iyon pero hindi ko binitawan. "Damn it!"
Nang sumuko siya ay doon lang ako nakakain nang matiwasay. Gusto kong tawagan si Felix pero wala akong gamit.
Bumuntong hininga ako at muling pinindot ang bracelet. "Please, Felix. Last na. Puntahan mo ako ngayon. 'Di na kita iiwan," pakiusap ko at muling humikbi dahil sa labis na pagsisisi.
Mas maigi na lang pala na makulong ako sa kwarto bilang si Aphrodite Saavedra. Kaysa iyong ganito na kahit nasa sarili ko akong pamamahal ay hindi ako sa safe.
"Wife! Open this freakin' door!"
Muli akong nagising dahil sa malakas na sigaw. Naalerto ako at kaagad na hinawakan ang doorknob pero may pumihit no'n sa labas kaya biglang bumukas. Kaagad akong napaatras nang makita si Fredrick at Amelia. Kapwa sila nakangisi sa akin.
"A-anong kailangan niyo?" hindi ko naitago ang kaba.
"Do whatever you want from her, Fredrick. Parusahan mo kung kailangan para magtino," ani Amelia bago niya isinarado ang pinto ng kwarto ko nang makapasok si Fredrick.
"Maghiwalay na tayo..." pakiusap ko at lumuhod sa harap niya nang simulan niyang hubarin ang necktie na suot niya. "Please, let's file a divorce."
"Why would I do that if you are my wife?"
Tumaas ang balahibo ko dahil sa malaswang boses niya. Dahan-dahan akong tumayo at kaagad na tinuhod ang pagitan ng hita niya. Pero gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang masangga niya iyon at kaagad na kinulong ng braso niya ang leeg ko.
Kaagad akong lumaban nang maalala ang mga itinuro sa akin ni Felix. Siniko ko ang tiyan niya at inikot ang braso niya. Pero dahil mas malakas siya sa akin ay ako ang napahiga sa sahig.
Inabot niya ang leeg ko at inipit iyon gamit ang dalawang kamay niya. Napaubo ako at pilit na inaalis iyon dahil sa sakit.
Paulit-ulitin ko ring pinindot ang pendant ng bracelet bago iyon idinikit sa leeg niya. Gaya no'ng una ay nanginig ang katawan niya at kaagad na humiwalay sa akin.
Hinabol ko ang hininga ko at akmang tatakbo na nang hilain niya ang buhok ko. Napadaing ako dahil sa sakit at hinawakan ang braso niya nakasabunot sa akin.
"Pakawalan mo 'ko!" sigaw ko at sinubukang ilapit sa kanya ang bracelet ko nang kunin niya iyon at isinandal ako sa pader.
"Not again..." nakangising sagot niya at yumuko para halikan ang leeg ko.
Nag-unahang bumagsak ang mga luha ko dahil sa nakakadiring pagdila niya roon. Maging ang ungol at papuri niya sa akin ay nakakasuka. "You smells so nice, wife. I want to taste you forever."
Nagpumiglas ako para patigilin siya at kiniha ang pagkakataon nang sinubukan niyang alisin ang suot ko pang-ibaba. Idinikit ko ang bracelet sa leeg niya at tinuhod siya.
Kaagad siyang napahiwalay sa akin kaya mabilis kong binuksan ang pinto pero gano'n na lang ang panlulumo ko nang ayaw bumukas no'n. Mukhang sa labas isinarado!
"Bitawan mo 'ko!" reklamo ko nang higitin niya ang braso ko at itinulak sa kama. Humagulgol ako habang pilit na nagpupumiglas nang pumaibabaw siya sa akin. Hinuli niya ang dalawang kamay ko at itinaas iyon.
"This is my favorite kind of sex, wife. I always love forcing women to pleasure me."
Humikbi ako at umiling nang makitang inilabas niya ang isang kadena sa bulsa ng itim na pants niya. Hindi ko alam kung bakit meron siya no'n! Nang hawakan niya ang braso kong may suot na bracelet ay iniiwas ko iyon pero napatigil ako nang muli siyang makuryente siya dahil metal iyon.
Malakas kong sinipa ang pagitan ng hita niya dahil sa labis na takot at galit. Nang mapadaing siya ay idiin ko na sa balat niya ang bracelet ko. Umalingawngaw sa kwarto ang malakas na sigaw niya hanggang sa mawalan siya ng malay.
Mabilis ang hininga ko nang tumahimik siya at kaagad na tumakbo papasok sa walk in closet para magtago. Ini-lock ko iyon at nagkulong sa isang cabinet.
Tahimik akong napahagulgol at napayakap ng sarili nang maalala ang pinagdaanan namin ni mamma at pappa rati. Miss na miss ko na sila! Kung ganito lang din ang magiging buhay ko ng wala siya, sana ay nasama na lang din ako na nawala.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
