CHAPTER 60: MAD
"Happy birthday, Seira!" bati ko sa cute na anak nila Stella at Felix. Sincere ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil masaya akong makasama ulit siya.
Simula no'ng nalaman ni Stella na nasa iisang Probinsya lang kami nakatira ng pamilya niya ay naging madalas ang pagbisita niya sa bahay namin. Siya lang at si Seira. Dahil wala si Felix at palagi raw nasa Maynila ay mas napalapit ako sa kanila. Masayang kasama si Stella dahil madaldal at marami na siyang naituro sa akin bilang ina.
"Thank you, tita pretty!"
Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang yakapin pa niya ako. Bigla ko tuloy naalala iyong bata pa ako. Ganito ako kasaya na makatanggap ng regalo.
"Why are you crying po?"
"Am I?" Humalakhak ako dahil sa hiya at kaagad na pinunasan ang basa sa gilid ng mga mata. "I just remembered a happy memory from the past, princess," sagot ko at hinaplos ang malambot na buhok niya nang yakapin niya ako ulit.
Just like her mother, she's also sweet. Hindi ko tuloy maiwasang magselos dahil ang perpekto ng pamilya nila.
Binati ako ng ilang mga nakakilala sa akin. May mga ginang na nakilala ako sa pagiging modelo at ang ilan, mga barkada ni Felix na nakasama ko dati.
"Aphrodite?!" Mukhang hindi pa makapaniwala si Travis nang magkasalubong kami.
"Astrid," pagtatama ko sa kanya. "But yes, I'm Aphrodite Saavedra before."
"Woah!" Napaawang ang labi niya kaya napangisi ako. "Kakarating ko lang galing London! Ang dami kong na-miss!" kwento niya at binuksan ang braso.
"Can I hug you?"
Napangiti ako. Ang bait at gentleman pa rin niya sa kabila ng mga kasalanang nagawa ko sa kanya dati. "Sure!" sang-ayon ko at akmang lalapitan na siya nang maunahan ako ng lalakeng dumaan sa gilid ko.
Kahit nakatagilid at nakatalikod siya sa akin ay kilalang-kilala ko kung sino iyon. Si Felix. Kusang umatras ang mga paa ko para lumayo sa kanya.
"What's up, fucker! Wecome back!" bati niya sa kaibigan.
Kinuha ko iyong tanda para umalis at iwan na sila nang harapin kami ni Travis. "It's nice to see you and Aphrodite again! What happened to the both of you? Akala ko, pakakasalan mo siya?" tanong niya pa kay Felix. "May pag-asa na ba ako ngayon?" Humalakhak pa siya.
Mariin akong napalunok nang maramdaman ang hiya at pagkirot ng dibdib. Hindi yata tamang ungkatin pa iyong relasyon namin ni Felix dati lalo na ngayon na may sarili na siyang pamilya.
"She's married," sagot ni Felix at binalingan ako. Nakaramdam ako ng kilabot dahil malamig ang tingin niya sa akin.
"But I'm single now. I just got annuled with my ex-husband," pagtatanggol ko sa sarili.
Hanssen pa rin ang dinadala kong apilyedo ngayon at ni Arvid dahil mabilis na na-grant na ang annulment namin ni Fredrick dahil sa tulong ni Auntie Amelia. Siya na kasi ang tumestigo at inamin ang ginawa niya.
"Well, you have a child." Nagtiim bagang pa siya. "Don't tell me papatulan mo si Travis?"
Bumigat ang hininga ko dahil nahimigan ko ang pag-iinsulto sa boses niya. Sa tingin niya gano'n ako kalanding babae?
Inangat ko ng kaunti ang ulo para pantayan ang tingin niya. "Sorry to say but I'm not like you Felix. Hindi ako nagpapanggap na single at pumapatol sa iba kahit may anak na pala," mariing sambit ko at ngumisi nang umawang ang labi niya. "Ano? Bakit nagulat ka? 'Di ba gano'n ang ginawa mo sa akin? Pinaniwala mong mahal mo 'ko kahit may anak ka na pala sa iba!" Huli na nang makontrol ko ang emosyon ko.
Huminga ako ng malalim at marahang pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko bago ako lumayo sa kanila. Kinakalama ko ang sarili ko nang makasalubong si Mrs. Tan. Oo nga pala, baka invited sila dahil kaibigan ni Stella si Elisia.
"Astrid?! Oh my god, it's you!" masaya at hindi makapaniwalang bati niya sa akin.
Pinilit kong ngumiti at natagpuan ang sariling yakap siya. Ramdam kong nabigla siya pero kaagad ding hinaplos ang likod ko. "I missed you po," emosyonal na bulong ko dahil siya an tanging kakampi ko ngayon.
"I missed you too, hija! It's been a while. Kamusta ka na?" tanong niya nang harapin ako at hinaplos niya ang pisngi ko. "You cried? What's the matter, you can tell me," dagdag niya at niyaya ako sa table nila.
Ikinuwento ko sa kanya ang naging pagkikita namin ni Felix kanina, maging ang desisyon kong itago ang anak naming dalawa.
"It must be hard raising your child alone. But I'm here for you, hija. I'll visit you often!" magiliw na sambit niga dahilan para kusa na akong mapangiti.
Lumalim na ang gabi at kumonti na ang mga bata sa veneu. Karamihan ay puro lalake na nag-iimom at isa na roon ang mga kaibigan ni Felix.
Nang magpaalam na si Mrs. Tan ay bumalik ako sa loob para magpaalam na rin kay Stella. Gusto ko na ring umuwi.
"Where are you going?"
Nanlamig ako nang muling marinig ang pangalan ni Felix. Hinarap ko siya at gano'n na lang ang pag-init ng katawan ko nang hawakan niya ang lantad na likuran ko dahil backless and suot kong dress.
"Looking for me, baby?" Ngumisi pa siya habang namumungay ang mga mata.
"Hinanap ko ang asawa mo!" malakas na sagot ko at inalis sa katawan ko ang kamay niya para mahimasmasan siya. Mukha kasi siyang lasing!
"Why?" tanong niya at muling lumapit sa akin.
"Uuwi na ako," pagtapos ko sa usapan at humakbang na palayo.
"Why are you mad?"
Ikinuyom ko ang kamao dahil sa inis nang sundan niya ako. Ano na lang ang iisipin ng iba kung may makakita sa amin dito?
"Ewan ko sa 'yo, Felix," iritado at malamig kong sagot bago ako lumiko para lumabas na. Tatawagan ko na lang si Stella. Baka pinapatulog niya ang anak kaya hindi ko siya makita.
"Ahhh ughmm!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng ungol sa gitna ng katahimikan. Medyo madilim na rin sa parteng malapit sa parking lot kaya siguro rito na nila naisipang mag-ganito.
"Ughh Stella!"
Napahinto ako nang narinig ang pamilyar na boses ng lalake Totoo ba ito? Si Stella ba talaga 'yon at si...
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
عاطفيةAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
