CHAPTER 48: GET MARRIED
"Gift?" kuryoso at may ngiti kong tanong kay Felix nang lumapit siya sa akin habang dala ang itim na shopping bag.
Ngumisi siya at tinabihan ako sa martial arts mat. Nasa Gym kasi kami ngayon ng penthouse niya at tinuturuan niya akong ma-taekwando para matuto ako ng self-defese.
Hindi kasi ako pumayag sa gusto ng mama niya na umuwi na kasama ni Amelia. Iyong lawyer naman na nakausap namin, wala raw akong magagawa pa sa ngayon kun'di sumunod dahil iyon ang napagkasunduan nina mamma at pappa. Maghihintay na lang ako na mag-21 ako para pwede na akong mag-decide para sa sarili ko. At gusto kong nasa tabi ko si Felix habang naghihintay ako.
"I ordered this since our first day. I can't wait to try them and know if they actually work well," paliwanag niya kaya lumawak ang ngiti ko at uminit ang pisngi.
Hindi ko alam kung tama ang pumasok sa isip ko. Binase ko lang kasi iyon sa ngisi niya. "Is it a toy?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Toy what? You mean sex toy?" Bigla siyang natawa nang kagat labi akong tumango.
Mas lalo tuloy uminit ang pisngi ko. "Hindi ba?!" reklamo ko at kinuha na iyon sa kanya para buksan.
"No but I can buy you one if you want to," natatawa pa ring sagot niya at ngumiti nang mabuksan ko iyong jewelry box.
Isa iyong couple bracelet! Bigla tuloy uminit ang puso ko. "This is so sweet, Felix!" tuwang-tuwang bulalas ko at kaagad na niyakap siya. "Thank you!"
"Isuot ko na sa 'yo?" alok ko ay kinuha ang isa.
Silver bracelet iyon at may bilog na pendant na isang salamin. Nang haplusin ko iyon ay umilaw iyong isang bracelet ng kulay pula at nabitawan ko ang bracelet na hawak dahil parang nakuryente ako.
"Does your heart beating fast, baby?"
"Ha?" naguguluhang tanong ko dahil bakit niya iyon natanong?
"It has a sensor. When you press it using your thumb while your heart rate is fast, electric shock will enable to defend you," paliwanag niya at isinuot iyon sa kaliwang palapulsuan ko.
Sinunukan kong pindutin ang pendant at pinakiramdaman ang sarili. "Wala naman nang nangyayari," dismayadong sambit ko pero nagulat ako nang hawakan niya ang palapusuan ko kung nasaan ang bracelet ko.
"Fuck!" nanginig ang braso niya kaya mabilis kong binawi ang kamay ko at itinulak ko siya palayo. Pulam-pula ang mukha niya at naghabol siya ng hininga. "It's so strong!" manghang aniya at tinignan ang palad na namumula at nanginginig pa rin.
Imbes na matuwa ay napanguso ako at kinuha ang kamay niya. "Okay ka lang? Ba't mo naman kasi sinubukan, Felix!"
Humalakhak siya at inakbayan ako kaya napansadal ako sa kanya. "I want to know if it really works well. Para kahit wala ako sa tabi mo, alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo," seryoso nang paliwanag niya at pagod na ngumiti nang haplusin niya ang pisngi ko.
"'Wag mo 'kong iwan, ha?" utos ko sa kanya at humalik sa kamay niya. "Hindi ko kaya kapag pati sa akin nawala ka."
Mabilis siyang tumango at kinulong ng magkabilang kamay niya ang mukha ko. "I won't leave you," sagot niya at humalik sa labi ko.
Napapikit ako at kaagad kong niyakap ang leeg niya para mas palalimin ang marahan at puno ng pagmamahal na halik niya.
"Kahit na kunin nila ang lahat ng sa akin, Astrid. Hindi kita ipagpapalit."
Naramdaman ko ang luha sa pisngi ko kaya mas pinag-igi ko ang halik sa kanya. Nitong mga nakaraang araw, alam ko kung gaano rin kahirap sa kanya na itago ako rito sa Penthouse niya. Tuwing weekdays ay sobrang busy niya sa trabaho at marami siyang pino-problema. Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong may kinalaman ako roon.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
Roman d'amourAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
