Chapter 56

35 0 0
                                        

CHAPTER 56: TWO CHOICES

Bigla akong kinabahan at naduwag. Confident ako noon na na humarap na sa maraming tao. Pero ngayong isa si Felix sa mga propesyonal at bigating personalidad sa mundo ng showbiz at politika ay parang hindi ko na kaya!

Pakiramdam ko ay magkakamali ako! Pero ayaw kong mapahiya lalo na't maibabalita ang event na ito sa loob at labas ng bansa!

Mabilis ang tibok ng puso ko at naduduwal pa ako dahil sa kaba. Nahihilo na rin ako dahil sa gutom habang inaayusan ako ng make-up artist at hair stylist ko.

Tinignan ko ang sarili habang nakaharap sa salaming may ilaw ang bawat sulok. Kulay blonde na ang buhok ko at bughaw na ulit ang mga mata. Nakakapanibago talaga. Mas nasanay na ako sa itim na buhok at mata.

"You looks like a goddess!"

"Your beauty is ethernal! May I know your name?"

"I'm Astrid Hanssen, ma'am," magalang na sagot ko sa magandang ginang na pumuri sa akin. Siguro, kakaiba nga talaga ang itsura ko rito sa Pilipinas. Pero sa Sweden, common lang ito.

Nagkaroon ng picture taking sa backstage bago magsimula ang event. Pilit na lang akong nakikisama at nakikibagay sa mga sikat na modelong naroon.

Pinanood ko sa flatscreen TV ang nangyayari sa stage. Ang gagaling nilang rumampa! Halatang confident silang dalhin ang suot nila para ipakita ang ganda no'n. Panay ang paghinga ko ng malalim dahil mas nakaramdam ako ng matinding kaba nang pakonti nang pakonti ang modelong nasa harap ko.

"Relax," bulong ko sa sarili at inayos ang tayo. Shoulders back, head slightly held high, slight fierce look!

Nang makalayo na ng kaunti ang modelong nasa harap ko ay nagsimula na rin akong rumampa kasabay ng ritmo ng musika. Kahit nalulula ako sa mga patay sinding ilaw mula sa camera ay hindi ako nagpatinag. Diretso lang ang tingin ko at sinigurado kong may poise at perpekto ang ritmo ng bewang ko tuwing naglalakad.

Inawang ko ng kaunti ang labi at sinulit ang spotlight para ipakita sa kanila ang harapang bahagi ng suot kong eleganteng dress bago ako umikot para tumalikod. Halos mabuwal na ako sa ritmong pagrampa nang makita si Felix sa gitna ng maraming tao.

Nanubig ang mga mata ko at hidi naalis sa kanya ang tingin. Nasa harap na bahagi nga talaga siya tulad ng sabi ni Amelia. At ngayon, napakagwapo niya habang nakatitig sa akin at nakatutok sa akin ang phone niya.

Napalunok ako ng mariin nang kumirot ang dibdib ko at muling nakaramdam ng pagod, uhaw at gutom. Bumagal ang galaw ko habang palapit sa kanya at bumigat ang talukap ng mga mata.

"'Wag kang bibigay," pakiusap ko sa sarili dahil parang lumulutang ako dahil hindi ko na maramdaman ang binti ko.

"Astrid!" nangibabaw ang nag-aalalang boses ni Felix sa kabila ng tili at singhap ng iba.

Nanlalabo ang paningin ko nang subukan kong tumayo at iangat ang sarili pero nabigo ako.

"What the fuck?!" iyon ang huli kong narinig galing kay Felix bago tuluyang naging itim ang mundo ko.

"What happened?!"

Naalimpungatan ako nang marinig ang ingay. Dahan-dahan akong napamulat at napakurap para suriin kung totoong si Felix ang nakikita ko. Buhat niya ako sa dalawang braso niya na parang bagong kasal.

"Felix, dito ka lang," pakiusap ko at muling napapikit nang makita ang nakakasilaw na flash ng camera. "I-uwi mo na ako. Sa 'yo na lang ako ulit," pakiusap ko bago ko naramdamang humiwalay siya sa akin.

Nanghihina ko siyang tinignan at namuo ang luha sa mga mata ko nang talikuran niya ako at lumabas siya sa pinto.

Iiwan niya na lang ba talaga ako?

Napangiti ako ng mapait nang maalala ang mga sinabi ko tatlong buwan na ang nakakalipas. Ako nga pala ang nagtulak sa kanya palayo.

"Astrid?! What did you do?! My goodness! Nakakahiya!" singhal ni Amelia sa akin nang makapasok siya sa private room ko. Dito kasi ako dinala ni Felix kanina.

Hindi na lang ako umimik dahil wala pa akong sapat na lakas para ipagtanggol ang sarili. Si Felix pa rin ang iniisip ko. Sana, balikan niya ako rito. Kahit kamustahin man lang.

"Calm down, Ms. Hanssen. The patient is dehydrated. And I hope this will not happen again because she's pregnant," anunsyo ng doctor dahilan para malaglag ang panga ni Amelia.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko at napahawak sa maliit na tiyan ko. Buntis ako?! Buntis ako! Napangiti ako dahil sa saya nang maalalang hindi ako uminom ng contraceptive pills simula no'ng ikulong ako ni Amelia sa mansyon.

Pero tatlong buwan na iyon! Ibig sabihin, gano'n na ako katagal na nagbubuntis?

"To be sure, she will undergo pregnancy test using urine and a doppler ultrasound," paliwanag ng doctor bago niya kami iniwan sa kwarto.

"You're pregnant?! How come?! And to whom?" nanlalaking tanong sa akin ni Amelia sa eksaheradang boses.

"Kay Felix," sagot ko at umaasang tinignan siya. "Makikipaghiwalay na ako kay Fredrick." Sa wakas ay may sapat na rason na ako para hiwalayan niya ako.

"Felix?! No! He's already engaged, Astrid! 'Wag kang mag-eskandalo!" tutol niya at tila nabingi ako roon.

"He's engaged?" mahinang tanong ko at umiling. Wala na akong balita sa kanya simula no'ng pormal na naghiwalay kaming dalawa. "Kanino?"

"I don't have time for that tea, Astrid! Kaaway na natin ang pamilya nila!" sigaw niya at nalapitan ako. Kaagad kong iniiwas ang sarili ko sa kanya nang haplusin niya ang buhok ko. "So I'll give you two choices. Abort that child or use that child againts them."

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon