CHAPTER 44: FOREVER
Pinagpatuloy na namin ang pagligo. Pati pagbihis ay ginawa niya rin sa akin. Sabagay, damit niya naman iyong gamit ko. Binuhat niya pa ako nang matapos at marahang pinaupo sa kama.
"I'll just get the parcel," paalam niya at hinalikan ang noo ko. Pinanood ko siyang lumabas ng kwarto bago ko kinalas ang pagkakatali ng maikli kong buhok.
Napangiti ako dahil masaya ang puso ko ngayon. Pakiramdam ko, hindi ako magiging ganito kasaya kung hindi ko nakita si Felix kanina.
Sinuklian ko ang ngiti niya nang makita siya at napatingin sa kamay niyang may hawak na paperbag at tubig. "Take your pills then let's sleep," aniya at ibinigay ang laman ng paperbag sa akin.
Binasa ko muna ang instruction no'n bago ako uminom dahil first time ko sa gano'n.
"Tomorrow, let's meet an OB-Gyne to be sure."
Napatitig ako sa kanya habang hinahaplos niya ang gilid ng ulo ko. "May gusto sana akong puntahan bukas, Felix."
Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Hmm, where? Let's go there too."
Tumango ako bago sumagot, "Gusto kong puntahan 'yong dati naming bahay."
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Okay, baby, we'll do that tomorrow." Muli niya akong hinalikan sa pisngi kaya napangiti na ulit ako.
Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. Ilang taon na kasi simula no'ng magpunta kami rito sa Manila kaya hindi na ako nakabalik sa Probinsya namin. Ni wala na akong balita kung anong nangyari sa bahay namin dati o kung hinahanap ba ako ng mga kamag-anak na meron ako rito sa Pilipinas.
Hindi kasi ako pinayagang umalis nina mommy at daddy, wala rin silang balita tungkol sa mga ari-ariang iniwan ni daddy noong nag-eighteen ako. Alam kong karapatan kong malaman ang mga iyon pero natatakot ako dati. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na huwag nang magtago sa dilim at harapin ang reyalidad ng buhay ko. Ang hindi ko lang inaasahan ay si Felix pa ang susuporta sa akin ng ganito. Si Felix na ilang buwan ko pa lang nakikilala.
"Thank you so much, Felix. Tulog na tayo?" tanong ko nang mag-angat ng tingin sa kanya.
"Yes, baby. So you have an energy to travel tomorrow."
Mas lalo akong natuwa sa sinabi niya at nagpahila sa kanya nang ihiga niya ako sa kama kasama niya. Isiniksik ko ang mukha sa lantad, makisig at mabangong dibdib niya bago ko ipinikit ang mga mata. "Goodnight, Felix. I love you," halos ibulong ko na iyon.
"Good morning, Aphrodite, I love you too," malambing na sagot niya at mahina akong napahagikhik dahil doon ko napagtantong madaling araw na pala.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko bago niya ako kinulong sa mga braso niya. Hindi mabura ang ngiti sa labi ko. Parang iyon na yata ang pinakamasayang pagtulog ko.
Dati, natatakot ako at kinabahan kapag nand'yan siya. Ut now, I feel so safe and secured when I'm with him. Aside from my late mamma and pappa, he is one of those few people who can make me feels like home. Ibang-iba sa proteksyon at seguridad na pinaparamdam sa akin nina mommy, daddy at Clyde.
Naalimpungatan ako nang may maramdamang malambot na bagay sa pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at kaagad na napangiti nang makita si Felix na nakangiti rin sa akin. "Good morning, baby!"
Mas lalo ko siyang niyakap at namangha dahil ang gwapo niya talaga kapag kakagising. Ang lakas ng dating niya kahit bagong gising lang dahil sa namumungay na mga mata at magulong buhok. "Good morning din!"
"Did you sleepwell, hmm?" tanong niya at sunod kong naramdaman ay ang kamay niya sa loob ng t-shirt niyang suot ko.
"Felix!"
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomansaAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
