Chapter 50

61 0 0
                                        

CHAPTER 50: CONTROL

"This is too much," dismayado at nagsisising hagulgol ko kay Amelia nang ngumisi siya habang pinapanood ako.

"You made me do this, Astrid. Kung hindi ka na nagtagal dito, baka hindi ko ipapakulong si Felix," umiiling na sagot niya at prenteng umupo sa sofa ng Penthouse ni Felix. "But I think I can't blame you. Living in a comfortable Penthouse like this with a hottie fucker, it will never be boring. Am I right?"

Mas lalong uminit ang dugo ko pero mas binabaan ko ang pride ko at lumuhod sa harap niya. "Please, 'wag mong ikulong si Felix. Wala siyang ginawang masama sa akin!" pakiusap ko habang nakayuko.

"Marry my friend's son and I will pull out Felix from jail."

"'Wag mo ring ipa-release sa media ang pagkakakulong niya!" hirit ko pero umikot ang mga mata niya.

"Fine! But you need to get married tomorrow!" pabalik niya dahilan para mariin akong mapalunok.

"Sige, papayag ako," labag sa loob na sagot ko.

"Madali ka naman pa lang mapasunod!" sumigla ang boses niya at nag-angat ako ng tingin nang tumayo siya. "Get up and let's go back home. From now on, ako na ang susundin mo," pinal na utos niya.

Bumuga ako sa hangin nang humiga sa kama rito sa dating kwarto ko. Itinaas ko ang kamay at pinindot ang pendant ng bracelet ko. Alam kong iilaw iyong kay Felix dahil sa ginawa ko. I wonder if he thinks I'm in danger right now. I'm nervous for tomorrow. Hindi ko magawang matulog dahil paggising ko, baka umaga na.

"I miss you," bulong ko at muling pinindot iyon.

Gusto ko nang makita si Felix. Walang balita na kumalat sa TV patungkol sa kanya. At base kay Amelia, inatras na niya ang kaso. Sana lang talaga, ayos lang si Felix ngayon.

"Lady Astrid, heto po. Mabilisan lang, ha? Baka mahuli ako." Kabadong iniabot ni Yaya Vi sa akin ang phone niya. Mabilis ko iyong tinanggap at idinial ang numero ni Felix.

"Thank you, yaya," sinserong sagot ko habang hinihintay ang pagsagot ng tawag pero ilang saglit lang ay namatay iyon.

Ako: Felix, this is Astrid. Sagutin mo, please? Saglit lang?

Uminit ang gilid ng mga mata ko nang matipa iyon. Sinubukan ko ring i-log in sa social media account ko para lang makausap si Felix pero hindi siya online.

"Hello?" Nabuhay ang dugo ko dahil sa saya nang sa wakas ay sinagot niya ang tawag. "Fel—"

"Hello, who's this?"

Natulala ako at unti-unting nawala ang ngiti ko nang maring ang pamilyar na boses ng isang lalake sa kabila ng malakas na tugtog mula sa background nito. So, hindi nga nakakulong si Felix at magkasama sila ni Clyde?

"Clyde, ako 'to. Si Aphrodite," pagpapakilala ko at napakagat ng pang-ibabang labi nang marinig ko ang halakhak niya.

"Aphrodite?! Please, layuan mo na si kuya!"

"Aphrodite?" bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses ni Felix. "Clyde, give me my fucking phone!" sigaw niya bago naputol ang tawag.

Mabilis akong nagtipa para tawagan siya ulit pero wala nang sumasagot. Naghintay pa ako ng ilang saglit at nag-online para magbaka-sakali. Pero hindi na siya sumagot.

Ako: I love you.

Iyong tatlong salitang iyon ang tanging natipa ko bago ako tuluyang sumuko at magpahinga na lang. Dahil bukas, kailangan malakas ako kasi wala na si Felix sa tabi ko.

"You're so gorgeous, darling! Mana ka sa akin!"

Gusto kong masuka sa sinabing iyon ni Amelia habang inaayusan ako ng dalawang make-up artist. Ang isa naman ay ang pagkabit ng wig buhok ko ang nagta-trabaho. Amelia wants it as a long and wavy blonde hair gaya ng istilo ng buhok ko noong bata pa ako.

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon