CHAPTER 45: ASTRID
Alas diyes ng umaga nang makaalis kami sa Penthouse ni Felix. Tulad ng napagkasunduan ay sa Private Hospital kami unang pumunta. Dahil may appointment na ginawa si Felix ay naging VIP ang turing sa akin.
"Oh, you already took an emergency pill? Can I know if you felt nausea or you vomit after that?"
"Hindi naman po, doc," magalang na sagot ko sa doctor sabay iling matapos kong ipaliwanag na uminom ako ng pill kagabi.
"I see. But those are the common side effect of an emergency pill and also, for your next period, you may experience a delayed or an early one but its normal."
Napatango ako at napatingin din kay Felix nang tignan siya ni Doctora Angeles. "By the way, is it your first time?"
"No, doc," nahihiya kong sagot.
"We used condoms on our previous night," dagdag pa ni Felix kaya mas lalong uminit ang pisngi ko.
Condoms talaga?
Hindi pa ako nakakabawi nang muli siyang magsalita. "We will be sexually active so... we need contracentives. Any recommendation?"
Pinisil ko ang kamay ni Felix na nakahawak sa akin kaya napatingin siya sa akin at napangiti. "You will need them, baby," bulong niya pa kaya mas lalong uminit ang pisngi ko.
"As for contraceptive methods, I can offer you an various choices. One is the pills, which she can take everyday, orally. We also have injectable one which a dose can last for up to three months."
"Ayaw ko po ng injection," mabilis na iling dahil takot ako sa syringe.
Napangiti siya at tumango bago nagrecommend ng iba pang effective at long lasting na contraceptive tulad ng IUD o intrauterine device, contraceptive ring at diaphgram pero kailangang ipasok ng mga iyon sa loob ko.
"Pills na lang po," pinal na sagot ko kaya napunta roon ang paliwanag ng Doctora sa akin.
"I'll make an alarm so you won't forget to take it," saad ni Felix habang naglalakad kami pabalik sa parking lot.
"Ako na ang gagawa no'n, Felix!" pagbawi ko at iginalaw ang magkahawak naming kamay. Ganito pala feeling ng may boyfriend tapos holding hands while walking. Ang cute at nakakakilig!
Hindi nawala ang ngiti ko nang harapin siya dahil naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin. "Hmm, still, I will make an alarm. So you can take it even we're on the middle of making love."
"Felix naman!" Hinampas ko siya dahil ayan na naman ang mga hirit niya.
Humalakhak siya at hinapit ang kamay ko para lumapit lalo sa kanya sabay halik ng pisngi ko. "I'm serious, baby!"
Uminit na lang ang pisngi ko at hinayaan na lang siyang asarin ako hanggang sa bumyahe kami. Pinakain ko rin siya nang makabili kami sa Drive Thru.
"Baby..."
Mula sa pagtingin sa tanawing dinaraanan namin ay napatingin ako kay Felix nang banggitin niya iyon sa malambing na boses.
Nakangiti ko siyang hinarap at napakurap nang makitang nakatutok sa akin ang phone niya.
"Felix, you're driving!" puna ko nang hindi pa rin nawawala ang ngiti dahil humalakhak siya.
"For documentation purposes," dahilan niya bago ibinaba ang phone niya. "I want photos with you, Aphrodite."
"Ako rin! Wala pa tayong picture na tayo lang dalawa, 'no? Picture tayo kapag hindi ka na nagdi-drive!" sang-ayon ko at muli siyang sinubuan ng fries. Iyon na lang kasi ang hindi nauubos sa pinamili namin bilang pananghalian.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
