Chapter 55

40 0 0
                                        

CHAPTER 55: VIP

Nahihilo akong nagising nang marinig ang pagpihit ng doorknob. Pagod at inaantok kong binuksan ang mga mata ko para sumilip sa siwang ng cabinet kung nasaan ako. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito.

Sumandal ako at hinintay na lang na mawala iyon. Wala na akong lakas para tumayo. Lumandas ang luha sa pisngi ko nang marinig ang kalabog ng pinto. Kung si Fredrick man iyon. Hindi na ako lalaban sa kanya.

Napapikit ako at napayakap sa sarili nang bumukas ang pinto at lumiwanag sa walk-in closet. Pinilit kong huwag gumawa ng ingay lalo na nang makarinig ng yabag papalapit.

"Ma'am Astrid?"

Napadilat ako at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa saya nang marinig ang boses ni Yaya Vi. Dahan-dahan kong itinulak ang cabinet na pinagtataguan ko at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko na makita hindi lang si yaya kun'di pati si Felix.

"Astrid!" Kaagad niyang kinain ang distansya sa pagitan namin at ikinulong ako sa braso niya. "Damn! I'm glad you're safe!"

"Felix, anong ginagawa mo rito?" umiiyak na tanong ko sa kanya.

"I came to save you, of course!" sagot niya at hinaplos ang mukha ko.

Mabilis akong umiling at sinubukang lumayo sa kanya. "Umalis ka na. Tama na, Felix." Humikbi ako at yumuko dahil hindi ko kinaya ang nanliliit na mga mata niya. Tila gulong-gulo niya ar hindi makapaniwala sa naririnig.

"Baka kapag sumama ako sa 'yo, paglayuin lang ulit tayo..." Humagulgol ako at binawi ang nanghihinang braso mula sa kanya nang gumaan ang hawak niya sa akin. "Ayaw ko na ng ganito! Ulit-ulit na lang!"

"I fucking left an important meeting to come here, risked my life to save you, and all I get is this?" hindi makapaniwalang tanong niya at nag-ambang hawakan ang kamay ko nang itago ko iyon sa likuran ko.

"Let's just break up, Felix. Wala ka nang mapapala sa akin. At isa pa, kasal na ako!"

"No," mariin at determinadong tanong niya dahilan para kumirot ang dibdib ko. "Let's not break up, please? Baby?"

Akmang lalapitan niya ako nang muling pumasok si Yaya Vi sa walk-in closet. "Sir Felix, kailangan niyo nang umalis. Parating na si Amelia!"

"Let's go." Hinila ako ni Felix pero pigilan ko ang sarili kong magpatangay.

"Umalis ka na!" sigaw ko at pilit na binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ko. "Please, Felix! Umalis ka na!" ulit ko at inangat ang kamay niya para pagdikitin ang bracelet namin. Nang umilaw iyon ay hinubad ko iyon at itinapon sa sahig.

Nakita kong napaawang ang labi niya at umigting ang panga. Humikbi ako at marahas na pinunasan ang luha. "Umalis ka na. Pagod na pagod na ako, Felix!"

"Sir Felix!" nagmamadaling tawag sa kanya ni Yaya Vi pero nanatili si Felix sa harap ko.

Kaaagad akong yumuko dahil hindi ko na kayang tignan ang nasasaktan niyang mga mata. Napaluhod ako dahil sa panghihina. "Please? Umalis ka na! Ayaw na kitang makasama."

Nang marinig ang yabag niya palayo ay napangiti ako ng mapait at nag-unahang tumulo ang mga luha ko. Impit akong humikbi at muling pinulot ang bracelet na hinubad ko kanina para isuot. "I'm sorry, Felix," bulong ko at pinahid ang luha.

"Amelia, gusto ko nang makipaghiwalay kay Fredrick," pakiusap ko kay Amelia kinagabihan. Nagising si Fredrick kanina at umalis. Pero ayaw ko na siyang bumalik dito.

"What are you talking about? Do you want me to ruin Felix?!" sumbat niya pero mabilis akong umiling.

"Wala na kami! Hindi na ako makikipagkita sa kanya. Please? Kahit 'wag nang hiwalayan, basta 'wag mo na siyang pabalikin dito? Ayaw ko sa kanya, Amelia! Please? Gagawin ko lahat ng gusto mo! I'll do modeling!" dagdag ko para makumbinsi siya lalo.

"Fine! For your sake too! Fredrick has a lot of women. Mabuti na lang ay hindi ko siya pinatulan!" masungit na sambig niya dahilan para makahinga ako ng maluwag. "Prepare yourself starting tomorrow. I'll hire some professional for your training. And I don't want you to disappoint them. Or else..." Hinaplos niya ang buhok ko. "I'll ask Fredick to come here. Understood?"

Tanging tango lang ang naisagot ko. Akala ko, magiging okay na ang buhay ko pero mas lumala lang pala.

"Astrid! Why are you eating?!" sigaw ni Amelia kaya nagmadali akong ubusin ang pagkain pang-gabihan na niluto ni Yaya Vi.

"What the hell?! You're eating like a pig!" sita pa niya at inilayo sa akin ang plato ko dahilan para malaglag iyon at mabasag.

"Nagugutom ako, tita," pakiusap ko dahil kahit nakakain na ako ng isang cup ng rice at ulam ay gutom pa rin ako.

Hindi kasi ako nakakain ng dinner kahapon. Pati ng pangtanghalian ko kanina. Ang pang-umagahan ko naman ay saging at isang basong tubig lang. Gano'n lagi kaya wala akong gana tuwing may training. Ang sakit pa ng katawan ko lalo na ng paa ko!

"You gain weight again!" inis na sigaw ni Amelia sa akin. "I told you to start dieting! Do you even take your pills, exercise and wore corset?!"

"Oo, ginagawa ko naman. Gabi na nga lang ako kumakain," pagtatanggol ko sa sarili at napapikit nang dumapo ang palad niya sa pisngi ko.

"You freakin' liar! If you haven't loss weight a month before the runway, I will surely bring Fredrick here!" banta niya at itinulak ako.

Nawalan pa ako ng balanse dahil sa labis na panghihina. Napadaing ako nang tumana ako sa pader at hinayaan ang sarili na dumalusdos paupo sa malamig na sahig. Pagod na pagod na ako!

Dahil sa takot kay Amelia ay mas lalo akong nagtiis. Kahit bugbog na ang katawan ko dahil sa pagod, gutom at higpit ng corset na nasa tiyan ko ay nagagawa ko pa ring lampasan ang mga araw.

"Astrid! I have a good news!"

Pasimple kong itinago ang tinapay sa lap ko at hinarap siya. "Ano po 'yon?"

"I invited Felix for tomorrow!" masayang balita niya. Napayuko naman ako at dinama ang pagkirot ng dibdib. "VIP front seat!" dagdag pa niya pagtukoy para sa event bukas.

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon