Chapter 61 (SPG)

285 2 1
                                        

CHAPTER 61: OFFICIAL

WARNING: SPG!

Hindi pa ako nakakabawi nang marinig si Stella at ang bodyguard kong si Nathan nang may humila sa akin palayo roon.

"Felix!" gulat na tawag ko sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang ipasok niya ako sa isang itim na kotse.

"Don't," pigil niya nang subukan kong buksan ang pinto.

Napahinto ako dahil sa kaseryosohan ng boses niya at hinarap niya. "Bakit mo 'ko dinala rito?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin at hinarap ang manibela. "Ihahatid kita pauwi."

"Kaya mo ba? Lasing ka!" puna ko dahil baka maaksidente pa kaming dalawa.

"I'm just tipsy, baby."

Napanguso ako at halos umirap na dahil sa ipinangtawag niya sa akin. "May driver ako. Naghihin—"

"You heard them," aniya dahilan para mapatigil ako. "Stella and your driver."

Nalaglag ang panga ko dahil hindi ko man lang siya nakitaan ng galit o pagkairita. "Alam mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago ako hinarap. "We're not married like everyone thinks. We use forged documents and edited photos to prove to our families that we actually got married abroad."

Mas lalong nalaglag ang panga ko roon. So, pwede pa kami? Gusto kong matuwa pero naalala ko si Seira. "Pero may anak kayo."

"She's your driver's child not mine," mabilis na sagot niya at bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang humawak sa lantad na hita ko.

May slit kasi ang dress ko sa kaliwang bahagi. At sa mainit na palad niya ay naramdaman ko ang init na sumalakay sa buong katawan ko.

"I'm single, baby. And I remained single because I love you," marahang sambit niya at dahan-dahang inilapit ang sarili sa akin.

Kusang gumalaw ang katawan ko para salubungin siya at haplusin ang panga niya nang umigting iyon. "Galit ka?" tukso ko sa kanya at ngumisi.

"Fucking yes! You didn't fought for me, Astrid," sagot niya habang ang nanliliit na mga mata ay bumaba sa labi ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang parte no'n at inilapit lalo ang sarili sa kanya. "Sorry," paglalambing ko at tinignan ang nakaawang na labi niya. Akmang susunggaban ko na iyon nang lumayo siya sa akin.

"What a fucking tease!" gigil na pagmumura niya pero imbes na matakot ay humagikgik ako. I missed his sensual curses!

Binuhay niya ang kotse at nagmaneho. Halata ang galit niya base sa mahigpit na pagkakahawak sa swivel wheel. Napakagat ako ng pang-ibabang labi bago hinaplos ang nagpapakitang mga ugat sa braso niya.

"Don't you want to kiss me, Felix?" nang-aakit na tanong ko sa kanya.

"Fuck you, Astrid!" his dirty talk sounds so hot and good in my ears.

Simula no'ng nalaman kong peke ang kasal nila ni Stella at mahal niya pa ako ay biglang nabuhay ang ugat ko. Ang taas ng kompsyansa ko sa sarili ngayon. Malayo sa pagkalugmog ko noong nalaman kong maganda, sexy at mas close si Stella sa pamilya ni Felix.

Bago pa kami tuluyang makarating sa Subdivision namin ay inihinto ni Felix ang kotse niya sa isang tabi. "Ipasok mo, Felix," paliwanag ko sa kanya dahil baka nakalimutan niya iyon.

"Ipapasok ko talaga, Astrid," sagot niya at pinatay ang makina at ilaw ng kotse niya.

Sa isang kisap mata ay nasa backseat na kami. Siya ang nakaupo habang ako ay nakabukaka sa ibabaw niya. Hawak namin ang pisngi ng isa't-isa habang pinagsasaluhan ang mainit at nananabik na halik na may kasamang pag-espadahan ng dila.

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon