CHAPTER 62: BABYSITTER
I traced my empty ring finger. Pakiramdam ko ay naroon pa rin ang singsing na ibinigay sa akin ni Felix kagabi.
Ibinalik ko iyon dahil hindi pa iyon ang tamang oras para sa gano'ng bagay. Sa mata ng lahat, kasal sila ni Stella. Ayaw kong ma-bash ulit dahil lang sa maling paratang. Naaalala ko pa kung ano ang nagawa ko sa palapulsuan ko dahil sa mga masasakit na salitang binato nila sa akin no'ng nagkaroon kami ng issue ni Travis.
Hinilot ko ang sentido nang mas lalong sumakit iyon dahil bumaba ang ranggo ng Hanssen Holdings simula no'ng ako na ang namahala. Sa top, nanatili ang Saavedra at Fuentabella. Nag-merge ba naman kasi ang angkan nila! Nakakainis! Kailangan kong baguhin ang tactic ko! I want to be on top. Hindi sa paraang hihilain ko sila pababa. Kun'di i-aangat ko ang sarili ko nang mas mataas sa kanila.
Mas malaki ang isusugal ko ngayon para sa partnership ng iba pang Kompanya. Siguro naman, mas malaki ang balik sa amin kung gano'n?
Nagbukas ako ng email at nag-reply sa mga katrabaho. Nang may isang pumukaw sa attention ko.
"An invitation to be our newest brand ambassador."
Mas pumasok na ideya sa isip ko. What if I continue modeling and sponsonships? Mas makikilala ako at mas lalawak ang koneksyon ko kapag gano'n!
"Ma'am Astrid!"
Kahit tunog problemado ay nakangiti kong binalingan si Yaya Vi dahil dala niya sa braso si Arvid. Tumayo ako saglit para kunin muna siya. "Hi, baby!" bati ko sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"Ano nga ulit 'yon, Yaya Vi?" tanong ko dahil nawala ang atensyon ko sa kanya.
"Magpapaalam sana ako, ma'am. Inatake kasi 'yong asawa ko at walang mag-aalalaga sa kanya dahil nasa dorm ang mga anak namin," malungkot na paalam niya.
Napanguso ako at tinignan si Arvid. Kay Yaya Vi ko lang ipinagkakatiwala ang anak ko. Maliban sa kanya, may dalawang taga linis at isang tagaluto lang ang iniwan ko rito. The rest, mga bodyguard na na marunong din magmaneho ng sasakyan.
Sinong mag-aalaga kay Arvid ngayon? Puno ang schedule ko!
"Sige po. Sabihan niyo lang ako kung magkano ang bill ng Hospital, ako na ang sasagot," dagdag ko para matulungan din si Yaya Vi. Loyal kasi siya sa akin at gusto kong maayos din ang pamilya niya.
"Naku, ma'am! Maraming salamat po!" Napangiti na rin siya at maya-maya ay nagtanong. "Kayo na lang po muna ang mag-aalaga kay baby Arvid?"
"Hindi ko po kaya. Maghahanap na lang ako ng nanny niya habang wala ka," seryosong sagot ko at muling napabuntonghininga nang harapin ang laptop para ituloy ang naiwang trabaho.
"Ma'am Astrid!"
Muli akong nag-angat ng tingin nang kumatok at pumasok si Yaya Vi sa opisina ko rito sa mansyon. "Yes?"
"May naghahanap po sa inyo, ma'am. Si Sir Felix." Napakurap ako nang banggitin niya ang isang pangalan ng lalake. "Papapasukin ko po ba?"
"Okay," iyon ang lumabas sa bibig ko. "Papasukin mo, yaya. Susunod ako sa baba," utos ko at muling tinawagan ang personal assistant ko.
"Hello again, Ms. Hanssen! What can I do for you?"
"Cancel the hiring. I already found a nanny," sagot ko bago pinatay ang tawag para harapin si Felix.
Pinalandas ko ang daliri sa buhok habang pababa ng hagdan. Nanliit ang mga mata ko nang kaagad na nagtama ang paningin namin ni Felix. Casual all black ang suot niya pero ang lakas pa rin ng dating. Ang fitted black t-shirt na suot niya mahigpit na kumakapit sa laki ng katawan niya. Naramdaman ko ang init ng pisngi dahil kitang-kita ko ngayon ang triceps niya at ang maangas na tattoo sa kanang braso.
What a hot daddy! But I will make him our son's temporary babysitter.
"Anong ginagawa mo rito?" sinadya kong magsungit.
Tumayo siya at hinawi ang katawan ko bago binalikan ang mukha ko. "You must have forgot what I've said last night, Astrid. I said, I'll take a visit today," seryosong sagot niya at ngumisi. "You're blushing, baby! You must've remembered it now."
Inirapan ko siya at napanguso ako. "Nakabisita ka na. Pwede ka nang umalis."
"Tsk! Is that how you treat a visitor? I want to punish you," senswal na dagdag niya dahilan para manlaki ang mga mata ko at hinampas ang braso niya pero dahil matigas iyon ay napakagat ako ng labi sa sakit.
Tumalikod na ako para itago ang hiya nang marinig ko siyang tumawa. "What a hot cutie," bulong niya pa at muli akong napatingin sa kanya nang marinig ang pagtunog ng phone. Malakas iyon sa pandinig ko at hindi ko naman dala ang akin kaya alam kong sa kanya iyon.
"Yes, mom?" Tinignan niya ako habang sinasagot ang tawag ng ina niya. Na-miss ko tuloy si mommy kaso galit siya sa akin dahil nadamay si Felix sa gulo ng pamilya ko. "Nah, I'm busy. 'Til next week. Okay," sunod-sunod at nagmamadaling sagot ni Felix bago iyon ibinulsa ulit.
"I took a leave," paliwanag niya sa akin.
"One week?" paglilinaw ko.
"Yes. I'm here to pay a visit and apply as a nanny."
Halos matawa ako dahil sa panghuling sinabi niya. "Ano?!" Hindi ko iyon inaasahan.
Kung gano'n, nakarating sa kanya ang paghahanap ko ng nanny ni Arvid? Gusto ko sanang pakiusapan siya kanina. Pero ngayong siya na mismo ang nag-apply, wala na siyang kawala.
"I'm serious, baby," bakas ang pagtatampo roon. "I have a experience taking care of Seira so... can I?" dagdag niya pa.
"Okay, you're hired, Mr. Saavedra."
"Yes!"
Nakangiti akong umiling dahil sa saya sa boses niya. "Kukunin ko lang si Arvid," paalam ko pero naramdaman kong sumunod siya sa akin.
"Yaya Vi, kami na po ang mag-aalalaga sa kanya," pagtukoy ko sa anak namin na hindi pa kilala ni Felix. "Pwede ka na pong magpahinga bago bumyahe."
Nagpapalit-palit ang tingin niya sa amin ni Felix bago siya ngumiti at magiliw na tumango. "Salamat, Ma'am Astrid!"
Tinanggap ko ang anak nang maingat siyang maipasa sa akin. Gumawa pa munting siya ng ingay nang tawagin ko siya at natawa ako. "Baby, meet your new babysitter!" pagpapakilala ko at hinarap siya kay Felix. "Say hi! Wave your hand, baby," pakantang utos ko sa kanya.
Malaki ang ngiti ko nang sundin ako ni Arvid. Nitong buwan niya kasi natutunang kumaway at mag-bless. Nang balingan ko si Felix ay kumirot ang dibdib ko nang makitang nanunubig ang mga mata niya.
"Hey, Arvid," marahang bati niya sa anak at hinawakan ang maliit pang kamay ng anak.
"Bakit?" tanong ko kay Felix pagtukoy sa reaksyon niya.
Namana ni Arvid ang bughaw na mga mata ko at itim naman ang buhok niya, mana kay Felix. Nahalata kaya niya na anak niya si Arvid?
"Astrid, are you sure he's Fredrick's child?" puno ng emosyong tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
