CHAPTER 41: SASAMAHAN KITA
"Where are you going?" mariing tanong galing sa isang boses ng lalake.
"What will you do if I came in late?" ulit na tanong ni Felix.
Buong lakas kong inalis ang kamay niya sa bibig ko. "Bitawan mo ako!"
"What is this? Why are you here in the middle of the fucking night?!" pabulong na sigaw niya sa akin. Mukhang ayaw niya ring may makarinig sa amin. "What happened?"
"Lalayas ako, hindi ba halata?" sarkastikong sagot ko sa kanya at akmang lalampasan na siya nang hawakan niya ang palapusuan ko.
"Sumama ka sa akin," utos niya.
"Ayaw ko!" sagot ko at sinubukang bawiin ang kamay pero humigpit ang hawak niya roon.
"Okay, sasama ako sa 'yo," pagbawi niya sa naunang sinabi dahilan para magsalubong ang kilay ko.
"Aalis ako nang mag-isa, Felix. Gusto kong mapag-isa!" paki-usap ko sa kanya at nagsimula nang manginig ang boses. "Please, hayaan niyo na akong gawin 'yong gusto ko."
Nang sa wakas lumuwag ang hawak niya sa akin ay binawi ko na ang kamay at nagsimula nang maglakad palayo. Sa bawat mabilis na hakbang ko ay nararamdaman ko ang pagsunod ng mabagal na pagpalatakbo ng kotse sa akin pero hindi ko siya pinansin. Lakad lang ako nang lakad at nang mapagod ay huminto ako sa isang Children's Park at umupo sa may swing. Ilang taon na rin noong huli akong nakapunta ako sa ganito.
Narinig ko ang yabag papalapit sa akin. Ilang saglit pa ay naka-upo na siya sa swing na katabi ng akin. Katulad ng sa akin, iginalaw niya rin iyong sa kanya at itinaas ang dalawang paa.
"You want this, Aphrodite?"
"Oo," maikling sagot ko at hinayaan ang hangin na tumama sa mukha ko.
"Then I'll do it with you."
Imbes na kiligin ay inirapan ko lang siya. Mukhang nakita niya iyon. "Hayaan mo naman ako! Boyfriend mo 'ko, 'di ba?"
"Wala na akong boyfriend," mapait na sagot ko.
"What?" Narinig kong ginamit niya ang paa para pahintuin ang sarili sa pag-swing. Nagpayuko ako nang hawakan niya ang gilid ng swing ko kaya huminto iyon at tumapat siya sa akin.
"Aphrodite, what happened? Please, tell me. Gusto kong malaman kung bakit ni isang beses, hindi ka sumagot sa tawag at texts ko sa 'yo!" pakiusap niya at mula sa ilaw na nanggagaling sa post lamp na malapit sa amin ay nakita ko ang pagkislap ng naluluhang mga mata niya. "I was away for a business meeting, baby. I almost failed a presentation because I was so lost thinking about you. Of what happened to you, why aren't you online and why aren't you talking to me."
Hinawakan ko ang kamay niya at humikbi kasabay ng pagtulo ng luha ko nang maalala ang madilim na ponagdaan ko mag-isa sa kwarto ko. "I was depressed, Felix." Hinayaan ko ang sarili na humagulgol nang manikip ng sobra ang dibdib ko. Mas sumasakit kasi iyon kapag pinipigilan kong umiyak. "Nagkaroon ako ng issue sa School namin. Kaming dalawa ni Travis. Tinawag nila ako ng kung anu-ano. Malandi, pokpok, desperada—"
"Aphrodite..." Humigpit ang kapit niya sa akin at dinala niya iyon sa labi niya tsaka hinalikan. "I didn't know... why you didn't tell me?"
"Pati 'yong mga Art ko sa Instagram, nilait nila! Tapos..." Gumalaw ang balikat ko dahil sa paghagulgol.
Tumayo siya at hinila ako palapit sa kanya. Binalot niya ako sa mainit at matigas na bisig niya at marahang tinapik ang likod ko. "Shh, it's okay, baby," iyon ang paulit-ulit niyang ibinulong.
"Nagalit si daddy sa akin. Na-grounded ako, Felix, kaya hindi ako nakapagsumbong sa 'yo. Wala akong nagawa kahit gusto-gusto kitang papuntahin do'n para may kakampi ako."
"I'm sorry," parang nagsisisi siya sa nangyari.
Naramdaman ko pa ang panginginig ng kamay niya. "Before I left, I tried, Aphrodite. Sinubukan kong kausapin si dad pero hindi niya ako pinayagang pumunta sa bahay kahit sinabi ko na sa kanyang mahal kita. Pero hindi niya ako pinayagan. Ang sabi niya, mas maayos ka kapag wala ako."
Hinaplos ko ang nanginginig na kamay niya. "Pero hindi, e." Mapait akong ngumiti sa kanya at itinaas ang dulo ng suot kong hoodie para ipakita sa kanya ang markang naiwan ng mga sugat sa palapulsuan ko. "Hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong mapagsabihan ng lahat ng nararamdaman ko kaya sinisi ko na lang ang sarili ko, Felix."
"Oh, baby!" Nakita ko ang paglaglag ng panga niya at ng luha niya. Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa mga sugat ko. Marahan niya pang hinaplos ang palibot no'n. "I'll make it up to you, Aphrodite. Hindi na 'to mauulit, I promise. Just please, let me. Let me stay and take care of you. Please? I'm begging you, Aphrodite!"
Humigpit ang hawak ko sa isa niyang kamay nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. "Let me protect you. I'll treat you better now."
Nang makita ang panububig ng mga mata niya ay muli akong umupo sa swing para abutin ang pisngi niya at tuyuin ang tumulo roong luha kanina. Nasasaktan ako lalo.
"Gusto kong maging malaya na gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa kasi natatakot ako, Felix. Gusto kong pumunta sa iba't-ibang lugar. Gusto kong maging masaya."
Tumango siya at huminga ng malalim. "Sasamahan kita. Isama mo 'ko, Aphrodite."
Pinanood ko si Felix nang sa wakas ay umupo na siya sa tabi ko at isinarado ang pinto ng kotse niya. Sumang-ayon ako sa kanya dahil isa rin naman 'to sa mga gusto ko, iyong makasama siya.
"May gusto pa akong ipakita sa 'yo, Felix..." panimula ko bago dahan-dahang inalis ang hoodie ko pati na ang pagkakatali ng maikling buhok ko. Sinuklay ko pa iyon at sinalubong ang gulat na namang reaksyon niya.
Akala ko, magagalit siya at hindi niya magugustuhan. Pero hinaplos niya iyon at tinignan ako na parang namamangha siya.
"You want this haircut?"
Nakangiti akong tumango. "Bagay ba sa akin?"
"Oo. Maganda. Lahat naman yata bumabagay sa 'yo, Aphrodite. And I'm one of that! Bagay ako sa 'yo," pilyong dagdag niya dahilan para matawa ako.
Unti-unti lang iyong nawala nang makita ko ang itim sa ilalim ng mga mata niya. Pa'no niya nagagawang patawanin ako kahit pagod na siya?
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
