Chapter 52

58 1 0
                                        

CHAPTER 52: FIANCÉ

Dala ko ang phone ni Felix nang lumabas ako ng kwarto niya. Hindi ko na siya ginising dahil baka pagod siya kagabi. Nang makabalik ako sa kwarto ko ay napatingin ako kay Fredrick na nakadapa sa kama. Kung gano'n, hindi siya umalis dito kagabi?

Nilampasan ko siya at mas piniling kunin na lang ang mga gamit ko at sa ibang kwarto na lang maligo at mag-ayos. Hindi ko alam kung nasaan si Amelia. Gusto ko nang sabihin sa kanyang hihiwalayan ko na si Fredrick.

"Astrid, hija!"

"Good morning, Mrs. Tan," bati ko sa ginang na nag-alok sa akin na maging modelo.

"Oh, your hair is black? And you had it short?" gulat na tanong niya kaya napasuklay ako ng buhok ko.

"Yes po. I had it like this as a disguise back then. Pero I'm planning to let to as what is it soon."

"Anything you want! You still looks gorgeous, hija!" muling puri niya at hinayaan pa akong makiligo sa kwarto niya nang magsinungaling akong sira iyong nasa kwarto ko.

"You know what, I've been admiring you since you're just a child! And look at you now, you grew up so well! Thanks to the Saavedras!" natutuwang kwento niya habang kumakain kami ng breakfast. Naalerto pa ako nang banggitin niya ang pamilya ni Felix.

"Alam niyo po?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Paano niya nalaman kung ang pinapalabas ni Amelia sa lahat ay siya ang nag-alaga sa akin sa nakalipas na tatlong taon?

"When I saw you in your black hair, you resembled of someone I admire too. But being with you right now, I can confirm that you are Aphrodite Saavedra," napalunok ako nang banggitin niya ang pangalan ko rati. "I often see you with Saavedras back then. Well, mostly with Clyde at School. But recently, I saw with Felix."

"Recently po?" tinago ko ang kaba sa boses ko.

"Sa cemetery. A helper have said that your family had unfamiliar visitors. And when we checked the CCTV, I knew it's you and Felix Saavedra."

Uminit ang pisngi ko nang maalala kung gaano kami kalapit ni Felix sa isa't-isa no'n. Hinalikan pa niya ako. Nakita niya rin ba iyon?

"Felix and I had a romantic relationship po. Until now," pag-amin ko sa kanya. Imbes na pandidiri ay nakita ko ang pagiging kuryoso at pag-aalala sa mga mata niya. "Nagpakasal lang po ako kay Fredrick kasi ayaw kong sirain ni Amelia ang pangalan ni Felix. Ayaw ko pong nahihirapan sa trabaho si Felix at lalong ayaw ko po siyang makulong dahil sa maling paratang sa kanya kasi mahal na mahal ko po siya."

Nakita ko ang pagnguso at pagbuntong hininga niya. Napatingin ako sa kamay kong nasa ibabaw ng babasaging lamesa nang hawakan niya iyon. "Amelia didn't really learned her lesson. Don't worry, hija. I will you get away with this."

"Talaga? Maraming salamat po!" Namuo ang luha ko dahil sa saya lalo na nang tumayo siya at niyakap pa ako.

Sa muling pagkakataon ay nakaramdam ako ng yakap ng isang ina... iyong pakiramdam na safe na safe ka kasi nand'yan siya.

"No problem, hija! I want to help you 'cause I love you and your family so much. Your mom is my bestfriend back then," nakangiting pagkikwento niya at masayang binalikan ang alaala niya kay mamma. Mas gumaan tuloy ang loob ko sa kanya.

"How about I train her personally, Amelia?" alok ni Mrs. Tan dahilan para mapalunok ako.

Please, say yes!

"Really?! Sure, of course, Elena! I know Astrid will learn a lot from one of the most paid models not just in our country back then!" Tumili pa ito at humagikgik. Bigla akong nakahinga roon ng maluwag at napangiti.

"Felix, babyahe kami ngayon ni Mrs. Tan papuntang Manila!" balita ko sa kanya habang malaki ang ngiti. Narinig ko naman ang hagikgik ng ginang na kasama ko bago niya ako pansamantalang iniwan sa loob ng kotse.

Inalok niya kasi akong tumira muna sa kanila para personal na i-train. Pero pumayag siyang bisitahin ako ni Felix para raw mas makilala niya ito at magkaroon din kami ng oras para sa isa't-isa.

"Today? By what time will you be here, baby?" malambing na tanong niya pero dahil sa traffic ay hindi ko iyon masagot ng diretso.

"I'll text you na lang! Pati 'yong address nila."

"Sure, baby! Take care, hmm? I can't wait to see you!"

Mas lalo akong napangiti roon at hindi na makapaghintay. Ang dami kong plano para sa gagawin naming dalawa habang nandito ako sa Manila.

"Astrid, invite him for dinner. Dito na kayo kumain. Bukas na kayo lumabas, gabi na."

"Pwede pong dito siya mag-stay kahit ngayong gabi lang, tita?" tanong ko at lumawak ang ngiti nang makahulugan siyang tumingin sa akin. "Please? Baka po pagod si Felix sa trabaho."

"Okay! Just don't make scandalous sound, ha? Our guestrooms are not soundproof!" paalala niya dahilan para matawa kaming dalawa.

Nagbihis ako ng dress, naglagay ng make-up at nagkulot ng buhok. Looking and smelling good all the time is what they tought me. Pero gusto ko ring mas magpaganda dahil ilang linggo din kaming hindi nagkita ni Felix! Si Amelia kasi, ayaw akong palabasin. Si Fredrick naman, mabuti't hindi umuuwi dahil busy siya sa trabahong pampulitiko.

"Finally, the other princess if here!" anunsyo ni tita kaya nakangiti ko silang binati. Siya at iyong anak niyang babae na mas bata sa akin.

"Hi! I'm Astrid," pagpapakilala ko sa kanya at mas lalog napangiti nang tanggapin niya iyon. Pino ang bawat galaw niya at elegante tignan. Natural na natural lang siya.

"Elisia," banggit niya sa pangalan bago ako niyayang umupo sa tabi niya. "We're waiting for your boyfriend?"

Doon ako biglang natauhan. Busy kasi ako kanina kaya hindi ko natignan ang phone ni Felix para sa update niya. "Yup! Sorry, I'll call him—" Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang marinig ang boses ng isa sa mga kasambahay nila.

"Ma'am, nandito na po 'yong bisita niyo."

Lahat kami ay napatayo at nilingon ang gwapo at matangkad na lalakeng naglakad palapit. He's handsome as hell with his formal wear! Nakaka-proud na boyfriend ko siya!

Nakita ko ang pagngiti niya nang magtama ang paningin namin. Kaagaad ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso. Hinarap naman niya ang mag-ina. "Good evening. I'm sorry I'm a bit late," panimula niya at inakbayan ako sabay hinarap. "I missed you."

Uminit ang pisngi ko nang halikan niya ang gilid ng noo ko.

"You're familiar." Kapwa kami napalingon kay Elisia nang magsalita siya. Nakita ko namang nakatingin siya kay Felix kaya alam kong siya ang kausap niya.

"He's a Saavedra, Eli," paliwanag ni Tita Elena sa anak.

Mabilis namang tumango si Felix at nakipaglamay sa ginang. "Nice to meet you again, ma'am! Thank you for taking care of Astrid."

"No problem, hijo! I support the two of you!" may kilig na sagot niya at kumunot ang noo nang tignan ang anak niya. "Eli, what's with that look?"

"Right! He's Felix Saavedra, mom! He's my friend's fiancé!" balita niya dahilan para nalaglag ang panga ko.

"Fiancé?" sabay na sambit namin ni tita.

Kunot noo kong hinarap si Felix. Nakaawang lang ang labi niya. "Which one of them?" tanong niya na para bang wala lang iyon.

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon