CHAPTER 53: TOO LATE
"May fiancé ka?" sa wakas naitanong ko na iyon kay Felix. Hindi ko na tinanong kanina dahil ayaw kong masira ang mood sa hapag kainan lalo na't kasama namin sina Tita Elena.
"My mom and grandma introduce some," sagot niya bago niyakap ang bewang ko. "But I don't entertain them. Ayaw ko ng ibang babae."
Some? Gano'n ba kadami ang inireto nila kay Felix? "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"That's nonsense!" masuyong sagot niya at humalik sa kamay ko. "I don't want to waste time talking about that."
Mas lalo akong napanguso. Doon ko napagtangong ang daming pumipigil sa amin ni Felix. Hindi ba talaga kami pwede?
Hinuli niya ang mukha ko at hinaplos ang pisngi ko. "I won't get married, baby. If you can easily be fooled, well I am not."
Nagsalubong ang kilay ko. "Ayaw ko lang masira ang pangalan mo kaya ako nagpakasal, Felix!" pagtatanggol ko sa sarili.
"Here we go again..." kalmado lang siya at inilapit ang mukha para halikan ako pero mabilis akong naka-iwas.
"Nag-aalala ako, Felix. Ayaw na ng pamilya mo sa akin."
"Mahal naman kita," sagot niya at nang tignan ko siya ay nakangiti siya. Bumalik ako sa sarili nang makita ang pagod na mga mata niya. "Someday, you'll be part of my family again. Not being my sister nor a cousin but my wife."
Hinila niya ako pahiga sa kama at ginamit ko ang braso niya para gawing unan ko. "'Wag ka munang magpapakasal, ah? Hintayin natin 'yong divorce namin ni Fredrick."
"Tss! If only you didn't agree with Amelia!" pagsusungit niya. Humagikgik ako nang isiksik niya ang mukha sa leeg ko. "By the way, I don't want you to be a model, baby."
"Bakit naman?" marahang tanong ko at sinuklay ang malambot na buhok niya.
"You will have a lot of male supporters for sure!" mapait na sagot niya at humalik sa leeg ko.
"'Di naman nila ako maaagaw sa 'yo."
Umahon siya at ngumisi. "That's my baby!"
Nakatulugan namin ang pagki-kwentuhan. Kinabukasan ay maaga lang akong nagising dahil sa marahang halik sa pisngi ko. Kaagad akong napangiti nang makita si Felix. Nakaka-miss na siya ang una kong makikita sa umaga!
"Anong oras ang trabaho mo ngayon?" tanong ko bago pa magtungo ang kamay niya sa pagitan ng hita ko.
Pinisil niya ang lantad na hita ko at humalik sa akin. "I don't want to work today. I want to be with you."
"Hindi p'wede. May training din ako ngayon kasama si Tita Elena," paliwanag ko pero nanatili siyang nakangiti.
"I'll come with you," sagot niya bago tuluyang inangkin ang labi ko.
Napapikit ako para damhin ang halik at haplos niya sa katawan ko. Nagdulot ng pamilyar na kiliti sa puson pababang pagkababae ko.
Kumapit ako sa leeg niya nang dahan-dahan niya akong inihiga ulit sa kama at kinaibabawan. "Feel that, Astrid?" nakangising tanong niya sa akin.
Uminit pati na ang pisngi ko dahil sa manipis na shorts ay ramdam ko ang matigas na kahabaan niya. "We fucking missed you," dagdag pa niya at senswal na humalakhak nang mapatakip ako ng pisngi dahil pakiramdam ko ay pulam-pula ako ngayon.
Nasa gano'n kaming pwesto nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. Kapwa kumunot ang noo namin dahil mabibilis at malalakas ang katok.
"Ako na," sagot ni Felix at inayos ang nalaglag na spaghetti strap ng top ko.
Nagsuot din siya ng t-shirt bago binuksan ang pinto. At gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang galit na mukha ni Amelia at ang nag-aalalang reaksyon ni Tita Elena.
"Sinasabi ko na nga ba?! Astrid, pack your things! And you, Felix! Do you really want to root in jail?!"
Umiiyak ako nang kaladkarin ako ni Amelia nang makarating kami sa probinsya. Itinulak niya ako kaya napaupo ako sa malambot na sofa. "You, bitch! Gano'n ba talaga ka-sarap si Felix para hindi mo pa tigilan? Why don't you fuck Fredrick? Nakakahiya kung nalaman niya 'to!" bulyaw niya sa akin.
"Gusto ko nang makipaghiwalay kay Fredrick! Hindi ko siya mahal!" sigaw ko pabalik. "Kung gusto mo ng pera namin, sa'yong-sa'yo na! Basta hayaan mo na kami!"
Napahawak ako sa basang pisngi ko nang sampalin niya ako. "You're too late! Money is not the only thing that I want from you! I want your life! I want your beauty, Felix, modeling career—"
"Akin lang si Felix!" mabilis na putol ko sa kanya.
"Let's see!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata bilang pagbabanta bago niya ako iniwan.
Humikbi ako at muling humagulgol. Nag-angat ako ng tingin sa babaeng lumapit sa akin. "Yaya Vi, ayaw ko po rito..." pakiusap ko sa kanya.
Hinaplos niya ang buhok ko at hinawakan ang kamay ko. "Pumunta ka na sa kwarto mo, Astrid. Baka saktan ka ulit ni Amelia," mahinahong utos niya at inalalayan ako.
Nang makakulong sa kwarto ay roon ko pa lang naramdaman ang gutom. Hindi nga pala ako nakapag-umagahan at buong byahe ay wala akong ginawa kun'di umiyak at tumulala.
Napahawak ako ng tiyan ko nang kumalam iyon. Akmang tatawagan ko na si Yaya Vi nang marinig ang pagpihit ng doorknob ng kwarto ko. May pilit na bumubukas no'n sa labas!
"Sino 'yan?!" sigaw ko at hinigpitan ang hawak do'n para hindi bumukas. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang may humampas ng pinto.
"Open this door, Astrid!" malakas na boses ni Amelia.
Mabilis akong umiling dahil sa takot. Ano na namang gagawin niya?
"Isa!" banta niya pero hindi ko iyon binuksan hanggang sa mawala na ang ingay galing sa labas.
Nanghihina akong sumalampak sa sahig habang hindi pa rin binibitawan ang doorknob.
Humikbi ako at pinindot ang bracelet ko. Please, Felix, itakas mo ako rito!
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
